17

3.4K 114 133
                                    

Nagising ako dahil sa tugtog ng gitarang naririnig ko. Agad akong bumangon at naligo. Madaling araw na kaya naligo na ako. Pagkatapos kong maligo ay mayroon paring tumutugtog kaya agad akong lumabas upang hanapin 'yon, ngunit sa kwarto ni Xamuel nanggagaling ang tugtog na 'yon. Agad ko itong tinahak at sinilip siya sa kaniyang kwarto.


Nakapikit siya habang nag gigitara. Nakasandal ang kaniyang ulo sa headboard ng bed niya. Naka sando lang siya ng puti ngayon at naka pajama.

'Di ka man bago sa paningin
Palihim kang nasa yakap ko't lambing
Sa bawat pagtago
'Di mapgilan ang bigkas ng damdamin

Napakurap ako habang nakatingin sa kaniya. Ang... ganda ng boses niya... hindi naman siya 'yong tipong singer talaga na ilalaban sa biritan pero ang ganda ng boses niya. Pasadong-pasado sa pang-haharana.

Walang sagot sa tanong
Kung bakit ka mahalaga
Walang papantay sa'yo
Walang sagot sa tanong
Kung bakit ka mahalaga
Walang papantay sa'yo

Sa mga oras na 'to ay nakatingin na siya sa akin.

Nagulat ako roon kaya agad akong napa atras sa kinaroroonan ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at humawak sa dibdib kong malakas ang tibok. Nang marinig kong tumigil ang tugtog ng gitara ay nagmadali akong naglakad pababa ng mansion. Nadatnan ko si manang Fe na nagluluto na ngayon ng breakfast.

"Goodmorning, Manang," bati ko.

Tumingin siya sa akin at binigyan ako ng isang ngiti. "Goodmorning, Hija," aniya, "aga mo yatang nagising ngayon, ah"

"A-Ah, opo..."

"Kain kana riyan. Nagluto ako ng hotdog at ng sangag, may ulam na riyan at mainit-init pa," aniya sabay turo ng pagkain sa mesa.

Agad akong tumango at nagtungo na sa hapag. Ganito ang laging routine namin ni manang. Minsan ay ako ang una niyang pinapakain, minsan naman ay sabay kaming dalawa dahil hindi pa gising ang magkapatid sa ganitong oras. Ngunit nagtataka ako dahil ang agang nagising ni Xamuel.

"Manang, kain kana rin po," sambit ko sabay subo sa pagkain. Nagtimpla narin ako ng kape para pang partner sa masarap na breakfast.

"Sige, Hija, 'wag mo na akong alalahanin basta magpaka-busog ka riyan," natatawa niyang sambit.

Mabagal lang akong kumakain hanggang sa narinig ko nalang na may kumakanta sa likod ko nang mahina.

Walang papantay sa'yo
Maging sino man sila
Ikaw ang araw sa tag-ulan
At sa maulap kong umaga

Napaubo ako dahil doon. Agad ko namang hinigop iyong kape ko ngunit napaso lang ako! Ang init, pota.

"Oh, mag-ingat ka naman, Chi. Sinasaktan mo 'yang future baby ko, eh," sambit ni Xam. Mas lalo lang ata akong naubo dahil doon. Natawa siya sa reaksiyon ko kaya inirapan ko siya.

"K-Kain na," sambit ko. Halos napipiyok na ang boses ko dahil sa kakaubo kanina.

Tumango siya at nag-umpisa ulit kumanta. "Walang sagot sa tanong kung bakit ka mahalaga. Walang papantay sa'yo, maging sino man sila"

Nang-aasar ba 'to? Kanina pa kanta nang kanta, e. Alam ko namang nakita niya ako kaninang sinisilip siya pero bakit kanta pa siya nang kanta? Hindi ba niya alam na nahihiya na ako rito?

"Nanghaharana ka yata, Xamuel," sambit ni manang Fe sabay tawa.

Humalakhak naman si Xam at hinawi ang magulo niyang buhok. "Oo nga, Manang, eh. Manhid nung hinaharana ko, 'di man lang pinuri boses ko," aniya sabay kuha ng pagkain.

The Taste of Solitude (ON GOING)Where stories live. Discover now