50

1K 47 58
                                    

"Oh, you're here, hubby. How are you? Why did you escaped from me? I'm really mad. I told my tito about this and he said he will find you! You're pasaway."

Bakas sa mukha ni Xamuel ang pandidiri.

Ang laki ng pinag bago niya. Namalayan ko nalang ang sarili kong umiiyak habang nakatulala sa kaniya. Nasa bibig ko na rin ang kamay ko dahil sa matinding gulat.

Hindi ako makapaniwala. Paano nangyari ito? Totoo bang si Xamuel ito? Paano nangyari 'yon?

Sino iyong Xamuel na nasa casket? Sino iyong Xamuel sa burol noon?

"Tinakasan mo nanaman 'yong Doctor mo. Bakit ka ba tumatakas?" Sagot ni Xamuel. "Bagay ka ro'n," pahabol pa niya.

"Ayoko sa mental hospital. Ang scary roon, hubby. I want to live with you. Nasusuffocate ako roon." Maarteng sambit ni Fara.

Namalayan ko nalang ang sarili kong tumatakbo na palabas ng mansion. Hindi ko na ma-take ang nakikita ko. Masiyadong maraming nangyari. Masiyado akong nawawala sa sarili!

"Chiara!" Sinundan ako ni Zen.

Humarap ako sa kaniya. Punong-puno pa rin ng luha ang mukha ko. Wala pa ring tigil ang pagtulo ng mga luha ko. Mababasa kong na gu-guilty ai Zen. Bakas sa itsura niyang naaawa siya sa akin.

"Uwi na tayo, Zen." Mas lalo pa akong umiyak. Dumalo siya sa akin at niyakap ako. Hanggang sa narinig ko ang boses ni Xamuel.

"Bb. . ."

"Gago, asikasuhin mo 'yong baliw na 'yon nang maibalik na 'yon sa Hospital. Mamaya makatakas pa 'yon, eh! Dali na, Xam!" Pagalit na sambit ni Zen. Agad namang tumakbo si Xamuel papasok sa loob.

"Zen, si Xam ba 'yon? Totoo ba siya? Totoo ba 'yong nakita ko? Zen. . ."

"Shhh. I know you're overwhelmed by what you've witnessed today. Kumalma ka muna, Chiara, we'll explain everything to you later"

Walang lumabas sa bibig ko. Hinayaan lang ako ni Zen na umiyak.

Sa loob ng ilang taon na 'yon, nasaan siya? Bakit ngayon lang siya nagpakita? Bakit hindi man lang niya kami sinabihan? Bakit ngayon lang? Anong rason niya?

"B-bakit ngayon lang s-siya nag pakita? A-ayaw niya ba kami ni Raia? Ayaw niya b-ba kami ng a-anak ko, Zen?" Humikbi ako.

"No, Chi. Never. Huwag mo isipin 'yan. Parang hindi mo naman kilala si Xam. May rason si Xamuel, Chi. Can you trust him?"

Umiling ako. "Andami kong tanong, Zen. . ."

"Shhh. Naiintindihan kita. Kung ako ang nasa posisyon mo ay siguradong magiging ganiyan din ako. Pero sa ngayon, kailangan mo na munang kumalma. Ieexplain niya sa iyo lahat, Chi. Trust him this time, okay?"

Ilang minutong ganon ang sitwasyon namin hanggang sa lumabas na si Xamuel ng mansion. Rinig ko na rin ang sasakyan ng mga Pulis. Rinig ko ang sigaw ni Fara ngunit hindi ko na ito pinansin pa. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak.

Raia, anak ko. Your papa is here na. Nakita ko ulit ang papa mo. Gusto mo ba siya makita? Are you excited?

Galit ako.

Galit ako sa kaniya.

Sa loob ng ilang taon na 'yon, hindi man lang siya nagpakita sa akin, sa amin.

Hanggang sa lumabas na ulit si Xamuel ng mansion. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa bulsa ng hoodie niya at tila ba walang nangyari.

"Tara na. Tapos na. Shit, tapos na. Okay na," aniya. Tila ba masaya siya. Ngunit mababasa ko ang lungkot sa mata niya.

The Taste of Solitude (ON GOING)Where stories live. Discover now