07

4.5K 166 58
                                    

Maaga ako nagising kinabukasan. Maaga na rin akong naligo para ganahan ako sa gawaing bahay. Kapag hindi kasi ako naligo ng maaga ay tatamarin na ako maghapon. Hindi ko alam kung bakit.


Pagkatapos kong maligo at magbihis ay agad akong bumaba. Uunahin ko na muna siguro ang pagdidilig ng mga halaman. Mas maganda kapag umaga ang pagdidilig.

Pagkababa ko ay bigla akong nagulat dahil nakita ko si Xamuel na umiinom ng kape. Muntik na niyang maibuga ang kape nang mamataan niya ako mula rito.

"A-ah kain na, Chi," sambit niya. Parang nabubulol pa siya sa pagsasalita.

"Mamaya nalang," sagot ko. Agad akong dumiretso sa hardin. Jusko, hindi ko kayang kasabay kumain si Xamuel! Ang awkward lalo na't umamin siya kagabi sa akin!

Nagtaka ako bigla. Ano namang nagustuhan niya sa 'kin? Hindi naman ako kagandahan. Isa pa, mas maganda nga 'yong si Fara tapos mayaman pa, mas bagay pa sila kasi magka level sila.

Napanguso nalang ako at napabuntong hininga. Kailangan ko na munang mag-isip-isip, kailangan ko na munang huminga! Kasi kapag kausap ko siya ay halos hindi na ako makahinga dahil sa bilis at lakas ng kabog ng dibdib ko.

Narinig ko ang huni ng sasakyan. Lumingon ako sa garahe at nakita ko si Xamuel na kunot ang noong nag da-drive, nakabukas kasi ang bintana ng sasakyan kaya nakikita ko siya. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa makalabas na siya ng gate at dire-diretso nang nagpatakbo ng sasakyan papuntang paaralan.

Pinagpatuloy ko na ang mga gawain ko hanggang sa maaga nanaman akong natapos. Halos palaging mas madami ang pahinga ko kesa sa pagtrabaho. Ayaw naman dagdagan nina ma'am Althea ang gawain ko. Three weeks after ng new year naman ay agad pumuntang Hawaii sina ma'am Althea at sir Jonathan, ang sabi nila ay babalik daw sila after three months o baka matagalan pa sila ro'n.

Wala na akong ginawa sa mga sumunod pang mga oras kaya naisipan ko na munang maglakad sa labas. 5:30 na ng hapon at hindi naman na gaanong mainit sa labas, marami rin namang puno sa gilid-gilid kaya hindi ka gaanong maiinitan. Naisipan kong dalhin si Kit para makapag gala naman siya.

Alam ko kasi ang feeling kapag hindi ka nakalabas ng bahay. Nakakabagot, nakakamiss, nakakalungkot. Kahit pa aso lamang siya ay alam kong may nararamdaman din 'yan.

Patuloy lang kami sa paglalakad nang may marinig akong naghihiyawan mula rito. Agad akong lumiko ng daan at namataan ko ang maliit na basketball court. Mayroong naglalaro, green team at yellow team! Sina Nate ang green team na 'to ah.

"Tara, Kit, panoorin natin sila," sambit ko sabay buhat sa aso. Hindi naman gaano kalayo ang nalakad namin. Malapit lang ang court na 'to sa mansion ng mga Miranda kaya sigurado akong makaka-uwi ako kaagad.

Lamang ng limang puntos sina Nate. Bakas sa mukha ni Nate ang pagod dahil kanina pa siya hingal na hingal. Napanguso ako dahil hindi ko maitatanggi na may itsura rin ang isang 'to. Halos lahat yata ng mga tao rito ay may itsura.

Tahimik lang kaming nanonood ni Kit hanggang sa matapos ang laro. Hinintay ko na munang makalabas lahat ng tao. Mukhang mabait naman iyong si Nate kasi nagkausap na kami dati. 'Yon 'yung time na binigay niya sa 'kin 'yong letter na pinapabigay niya kay Xamuel.

Gusto ko sanang i-congratulate si Nate dahil ang galing niya. Halos naka-ilang three points ang nagawa niya ngayon! Parang magka level lang yata sila ni Xamuel ng galing, pero hindi ko alam. Magaling si Xamuel mag basketball, magaling din naman si Nate. Pero parang mas madiskarte si Xamuel pagdating sa paglalaro kaya palagi silang nananalo.

The Taste of Solitude (ON GOING)Where stories live. Discover now