41

3.1K 97 76
                                    

Kasalukuyan kaming nagtitipon ngayon dito sa bahay nina Yael. Birthday niya at naisipan niyang kami nalang ang imbitahin. Mayroon naman siyang iba pang mga kaibigan na inimbita maliban kina Sean. Meron din 'yong maputing babae na mukhang anghel kung titignan.

"Sino 'yong girl? Ang ganda niya," komento ni Jeric. Napatingin ako sa babae. Hindi siya short hair, hindi rin long hair, sakto lang kumbaga. Tsaka hindi siya gaanong matangkad, maputi siya at ang pula mg mga labi niya. Para siyang anghel kung ngumiti. Napakaganda.

"Hindi ko alam. Crush mo ba? Hala, straight era mo na ba?" Gulat na tanong ni Gina.

Umirap si Jeric sa kaniya. "Straight era your face. Tumigil ka at baka ikaw ang isubsob ko sa cake ni Yael mamaya."

Namataan ko mula rito ang kuya ni Yael. Magkamukha sila. Mas intimidating lang tignan si Yael. Palangiti kasi 'yong kuya niya habang si Yael ay busangot, akala mo may atraso lahat ng tao sa kaniya, eh.

"Shet, pogi ng kuya ni Yael. 'Di ko inexpect na gan'to pala kapogi," si Jeric nanaman.

"Ano? Nandito ka ba para mag pogi hunting?" Tanong ni Gina.

"Gaga naman 'to! Siyempre kino-compliment ko lang 'yong lahi nila."

"Kino-compliment daw tapos baka mamaya crush mo na ha"

"P'wede!" Malanding sambit niya.

Natawa nalang ako sa kanilang dalawa.

Pagkatapos ng kainan ay naisipan na naming umuwi. Ganon din sina Sean, Miguel, at Zen. Nasa iisang sasakyan lang kami. Malay ko ba kay Sean at Zen kung bakit hindi sila nagdala ng sarili nilang sasakyan eh meron naman silang sasakyan. Si Miguel tuloy ang maghahatid sa amin.

Si Yael ay naiwan na sa bahay nila. May mga bisita pa kasi siya kaya hindi niya p'wedeng iwan ang mga 'yon.

Nasa kalagitnaan kami ng soundtrip nang bigla nalang sumakit ang tiyan ko. Napahawak ako rito at para akong matatae na ewan! Ansakit!

"Aray," sambit ko. Hindi ko muna pinahalata sa kanila na masakit ang tiyan ko dahil baka gumagalaw lang ang baby.

Pero ilang minuto ang nakalipas ay sobrang sakit na talaga niya at bigla nalang pumuswak ang tubig mula sa akin.

"Tangina nakaihi ka?! Hindi mo sinabing naiihi kana pala," ani Jeric.

"Tanga! Panubigan ang pumutok hindi ihi!" Sigaw ni Gina.

Hindi ako makapagsalita dahil sa matinding sakit. Napapikit nalang ako habang nakahawak sa aking tiyan.

"M-Manganganak... na ata ako."

Napapreno nang wala sa oras si Miguel. Hinampas siya ni Zen. Nakatingin na si Sean sa akin ngayon.

"Manganganak na ata ako, ansakit niya!" Naiiyak na sambit ko.

"Hala! Pa'no na? Tara na sa hospital! Ano pang hinihintay mo, Miguel?!" Sigaw ni Gina. Natataranta na si Gina ngayon. Nagpalit pa sila ng pwesto ni Jeric dahil katabi ko si Jeric kanina.

"Wait! Hala, kinakabahan ako. 'Di ako makapag drive!" Sigaw rin ni Miguel. Napahawak ako sa sentido dahil sa matinding kainisan.

"Hihintayin niyo bang manganak nalang ako rito sa sasakyan?!" Sigaw ko.

Agad bumaba ng passenger seat si Sean at kinaladkad niya palabas si Miguel at siya ang pumalit sa pwesto ni Miguel na kanina'y nagmamaneho.

"Fucking shit, Miguel!" si Sean.

Pinaharurot niya ito pabalik dahil wala nang hospital sa tinatahak naming direksiyon. Patuloy lang ako sa pag inhale exhale. Si Gina at Jeric naman ay patuloy sa pag paypay sa akin dahil kanina pa ako pinagpapawisan.

The Taste of Solitude (ON GOING)Where stories live. Discover now