5 - Confession

70 4 0
                                    

Hina's POV

Sabi ni Wayen, kailangang tapangan ko ang loob ko kung gusto ko talagang mapasakin si Takemichi.


Kung kinakailangan daw, ako na ang dapat na gumawa ng first move. Kaya naman hindi ko na sinayang ang pagkakataon at sinunggaban ko na si Takemichi.




Sa totoo lang ay wala akong idea sa gagawin ko, basta ang alam ko lang, kailangan lang maglapat ang mga labi naming dalawa. That's my own definition of a kiss.



After three seconds inilayo ko na yung lips ko sa kanya. Pagkatapos ay pinagmasdan ko ang mukha ni Takemichi para makita ang reaksyon niya.

He's blushing, and I think pareho lang kami ng nararamdaman sa sandaling iyon.



Napaatras ako ng ilang hakbang dahil bigla akong nakaramdam ng pagkapahiya. Noon ko lang na-realize na baka isipin ni Takemichi na ang cheap kong babae, because I was the one to initiate the kiss.



"Sorry, Takemichi."



"Bakit Hina, bakit mo ko gusto?"




Natigilan naman ako sa tanong na iyon ni Takemichi. Ilang beses ko na ring tinanong sa sarili ko kung bakit gustong-gusto ko siya, kahit si Wayen ay ilang ulit na ring sinigurado ang feelings ko kay Takemichi.



"Grade 6 pa lang tayo, may gusto na ko sa'yo, Takemichi. Di ko alam kung natatandaan mo pa iyon, basta ipinagtanggol mo ako laban sa mga bullies sa playground noon."





Nagsalubong naman ang mga kilay ni Takemichi. Mukhang di niya talaga naaalala ang pangyayaring iyon. Di ko tuloy mapigilan ang masaktan.



"Totoo ba, Hina. Sorry, di ko talaga kasi maalala." Napakamot sa batok niya si Takemichi at nagpapaumanhing ngumiti sa akin.



"Ok lang. Saka, yung confession ko... Kahit di mo na muna sagutin ngayon. Saka... sorry na rin... Kung di mo nagustuhan yung kiss."


Nakagat ko ang ibabang labi ko pagkatapos sabihin iyon. Di ko na hinintay na makapagsalita pa si Takemichi. Natatakot kasi ako. Baka hindi niya nagustuhan ang ginawa ko at tanggihan niya yung confession ko.


"Hina..."


Pagkarinig sa pangalan ko ay mabilis na tumakbo ako palayo sabay takip ng palad sa tenga ko. I don't wanna hear his answer.



Pero naramdaman ko ang paghabol niya sa akin. Nang tuluyan niya akong naabutan ay hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at pilit na pinaharap sa kanya.




"Hina... Tungkol dun sa kiss.... Hindi mo naman kailangang mag-apologize. Kasi ako, nagustuhan ko iyon."


Napatulala tuloy ako sa mukha ni Takemichi. Di ko ma-explain yung feeling na parang pangangapusan ako ng hininga habang seryoso ang mukha niyang nakatitig sa akin. The way he looks at me... makes me feel weak.


"Takemichi..."


"Pati na rin yan... Kung paano mo bigkasin ang pangalan ko... Fuck, I gotta be honest, Hina. You stole my first kiss, at dapat panagutan mo ang ginawa mo sa akin."




Bigla na lang akong hinapit sa beywang ni Takemichi at sa pagkakataong iyon ay siya naman ang humalik sa akin.





Nang maghiwalay ang mga labi naman ay masuyong ngumiti siya sa akin.





"Gusto rin kita, Hina... Di man siya kasing-tagal tulad ng feelings mo para sa akin, pero gagawin ko ang lahat para maging deserving sa pag-ibig mo."




Pakiramdam ko talaga parang sasabog sa sobrang saya yung dibdib ko sa mga sinabi ni Takemichi sa akin.





"Pero paano mo naman ako nagustuhan, Takemichi?"




"Kailangan pa ba talaga ng rason kung bakit? Basta ang alam ko sa sarili ko ngayon, iyon ay gusto rin kita, Hina."





Wala na akong mahihiling pa. Tinanggap ni Takemichi ang confession ko, at ang kailangan ko na lang gawin ay bigyan ng maraming rason si Takemichi para tuluyan niya akong mahalin.



Buti na lang talaga ay sinunod ko ang payo ni Wayen. Na kapag gusto mo ang isang tao, kailangan mong ipaalam ang damdamin mo sa kanya. At least, wala kang pagsisihan if ever na ma-reject ka sa huli. Kasi sinabi mo sa taong iyon ang dapat mong sabihin.




"Pero paano si Mikey? May sinabi ba siya sa'yo?"




"Kung anuman ang sinabi niya sa akin ay wala akong balak na sundin, Hina. Gusto na kita at ipaglalaban kita kahit si Mikey pa ang makaharap ko."

Toman High Fight On! (Tokyo Revengers AU) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon