20 - Official

30 4 0
                                    

Wayen's POV


After dismissal....

"Ok, tayo na." Sabi ko habang nakayakap pa rin kay Hanma.

Halatang nagulat siya sa sinabi ko kaya naman bigla na lang siyang humiwalay sa pagkakayakap sa akin saka hinawakan ako sa magkabilang balikat. Ilang segundo ding napatitig sa akin si Hanma na para bang di-makapaniwala sa sinabi ko.


Nakagat ko tuloy yung labi ko para pigilan ang mapangiti. Ang cute kasi ni Hanma sa confused look niya.

"Sure ka na ba diyan, Wayen?" Paniniguro pa niya.

Gusto ko na talaga matawa. Parang ang sarap ding pagtripan itong si Hanma.



"Ayaw mo? Edi wag." Tinalikuran ko na siya at nagsimula nang humakbang paalis.



Agad naman niyang hinigit yung kamay ko saka pinaharap ako ulit sa kanya.


"Wayen... Bakit?"


"Anong bakit? Ano ba gusto mo marinig? Na mahal na din kita? Siyempre, payag na kong maging girlfriend mo kasi nga di ba may five weeks akong dare na kailangan gawin? So deal na tayo dun. Magiging mag-shota tayo sa loob ng five weeks, then after that, di mo na ko guguluhin. Oks na ba tayo?"



Di ko alam pero napansin ko ang pagguhit ng kakaibang damdamin sa mukha ni Hanma. Nasaktan ba siya sa sinabi ko? Pero saglit lang iyon dahil agad siyang ngumisi ng nakakaloko sa akin.


"Ang saya ko babe, pa-kiss nga."


Di na ko nakapalag nang muli akong hinapit ni Hanma at hinalikan. This time, mas intense na yung kiss, and I must admit, ang sarap talaga humalik ni Hanma. Iba pa rin pala talaga kapag expert.



Akala ko ganun lang yun, kaso nang bahagyang umawang yung bibig ko, ipinasok na niya sa loob yung dila niya, medyo nagulat ako kasi first time ko makipaghalikan ng torrid, di naman pala ganun kasama, masarap pala talaga, kaya naman unti-unti nang nilalamon ng pagnanasa yung katawang-lupa ko.


Hoy Wayen! Staphhh it! Nagwawagayway na ng red flag yung isip ko pero napaka-traydor talaga yung katawan ko. Putek, enjoy na enjoy sa ginagawa namin ni Hanma.


Buti na lang talaga si Hanma na yung kusang tumapos sa halikan namin. Kitang-kita ko sa mukha niya na parang nahihirapan siya.


"Babe, itigil na muna natin dito. Baka kasi di ako makapagpigil at mayari kita dito." Medyo namamaos na sabi niya na niyuko yung bukol sa pantalon niya.


Napanganga naman ako habang nakapako ang tingin sa 'hinaharap' niya.




Pakshet talaga, Wayen. Buti na lang may natitira pang self-control itong fuckboy na kaharap mo. Yari ka talaga kapag nagkataon.



"Sorry. Kasalanan mo eh. Bakit kasi ang sarap mong humalik." Pabulong ko namang reklamo sabay talikod sa kanya.



Sa totoo lang nabitin ako, and I'm also embarrassed with myself, because I felt wet down there. Kung di siya nakapagpigil, di ko rin alam kung hanggang saan kaming dalawa aabot.



Binatukan ko naman yung sarili ko dahil masyado akong nagpadala sa pagnanasa. Red flag si Hanma, pero dahil lang sa isang kiss, mukhang ready na tuloy akong mag-white flag sa kanya.




Naku, Wayen. Good luck na lang talaga, self. May you stay pure in five week's time.




"Babe!" Agad namang humabol si Hanma sa akin. Nagulat ako nang hulihin niya yung kamay ko at nakipag-holding hands sa akin. "Hatid na kita pauwi, babe." Nakangiting tumingin siya sa akin.




Di na lang ako kumibo. Basta ang alam ko, kinilig ako sa gesture niya. Pero agad din akong nalungkot nang may maalala.



Five weeks, Wayen... After that, you will forget.

Toman High Fight On! (Tokyo Revengers AU) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon