11 - Truth

43 4 0
                                    

Wayen's POV



Di ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa sinabi ni Mikey sa akin.





Mutual naman pala yung feelings nila ni Senju sa isa't-isa tapos di pa rin nagpapansinan. Parang mga ewan lang. Napagastos pa tuloy ako kakabili ng taiyaki para kunin ang loob ni Mikey tapos yung plano ko, plano din pala niya.




"Luh, akala ko ba si Takemichi type mo?"





"Ano? Si Takemichi? Nagpapatawa ka ba? Anong tingin mo sa'kin, bakla?" Asar-tawa si Mikey nang sabihin iyon.






"Bakit, di ba? Pinaalis mo ko dun sa upuan ko para maging seatmate mo si Takemichi. Saka lagi kang nakiki-thirdwheel sa kanila ni Hina."





"Alam mo Wayen, diretsuhin mo na lang ako kung may gusto ka sa akin. Or baka si Takemichi ang type mo?" Nang-aasar na sabi pa niya. Kapal talaga ng mukha.






"Siyempre, no to you both. Kahit kailan di kita magiging type at mas lalong never kay Takemichi. Saka ikaw may Senju na, tapos siya may Hina na ano!"






"Ows ganun ba? Bakit hanggang ngayon gusto mo pa ring bawiin yung upuan ko?"





"Oy, kapal mo! Upuan ko yun! Akin yun bago mo inagaw sa akin!"




"Kung hindi kami ni Takemichi ang crush mo, malamang na taga-kabilang building ang crush mo, Wayen." Nakangising sabi ni Mikey.





"Wala nga sabi akong crush!"






"Pero sorry talaga Wayen, di ko na talaga iiwan yung upuan mo. Dun ko lang napagmamasdan ng malaya si Senju. Di kasi ako makatingin sa kanya kapag pumupunta siya ng classroom natin."






Natutop ko naman ang bibig ko. All along, si Senju pala yung dahilan kung bakit gustong-gusto niya yung pwesto ko.




"Kainis, bahala ka sa buhay mo. Ayokong kidnapin si Senju para sa'yo. Bye!"






Nag-walkout na ako. Na-confirm ko na ring hindi bakla si Mikey. At walang kinalaman si Takemichi kung bakit ayaw bitawan ni Mikey yung pwesto dun malapit sa bintana.



"Wayen!"




"Tse! Wag mo kong kausapin!"







"Sorry na! Sige, pababalikin kita dun sa upuan mo kapag naging okay na kami ni Senju!"







Napatigil naman ako sa paglalakad at napalingon sa kanya.




"Oy, kutong-lupa! Seryoso ba yan? Baka mamaya niyan, niloloko mo lang ako."






"Sige na, Wayen please. Promise tutuparin ko yan. Pero kapag okay na kami ni Senju." Nahihiyang napakamot sa batok niya si Mikey.





Pinatirikan ko naman siya ng mga mata. Ewan, ang corny talaga ng mga lalaki kapag in love. Pero sa kabilang banda, medyo natutuwa na rin ako kahit papaano. Sureball na magiging okay talaga sila ni Senju. Bonus na lang kapag naging sila.



"Sige, payag na ko. Bukas pagkatapos ng dismissal, ako ang naka-tokang maglinis sa Student Council Office. Dun ka magtago sa C.R. Papupuntahin ko dun si Senju."

Toman High Fight On! (Tokyo Revengers AU) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon