7 - Plan

64 5 0
                                    

Senju's POV

"Mikey... is gay."





Just how to unhear that sentence? Di ko talaga alam kung paano magre-react sa sinabi sa akin ni Ate Wayen.






"Pero don't worry, wala ka nang dapat aalalahanin pa kay Takemichi. He's straight at may girlfriend na siya. Sabi naman ni Hina, gagawin niya lahat para ma-head over heels in love sa kanya yung boyfriend niya." Nakangiting saad naman ni Ate Wayen.






"So, ano pong pwede kong gawin?"







"Hmmmm. Kung gusto mo talagang i-push ang feelings mo for Mikey, kailangang kumilos ka na rin para maipaalam mo iyon sa kanya. And that is—you'll be the one to make the first move."







"Pero paano naman yun? Matagal ko nang sinusubukan na kausapin si Mikey, pero lagi niya lang akong dinidedma."






"Don't worry, gagawa tayo ng plano." Pinasadahan ako ni Ate Wayen ng tingin mula ulo hanggang paa. Medyo kinabahan ako sa klase ng ngiti niya pagkatapos.






"Hmmmm. Maganda ka naman, Senju. Kung alam mo lang kung paano mo gagamitin ang mga assets mo, any man could just easily fall for you. Kailangan mo lang gisingin ang pagkalalake ni Mikey."





"So you're saying... that I would seduce Mikey?"





Natawa naman si Ate Wayen.






"No, not that. Pero ang tanong... Kaya mo bang i-seduce siya?"





Napalunok naman ako. Ayokong mag-imagine pero bigla na lang lumitaw sa isip ko kaming dalawa ni Mikey.





"Ahhhh! Ate Wayen naman, nakakahiya!" Naitakip ko sa mukha ang magkabilang palad.





"Kailangan lang nating gumawa ng paraan para kausapin ka ni Mikey. Pero kung gagamit tayo ng dahas, kahit sino pa ang utusan natin ay bubugbugin lang niya. Mukhang kailangang tayo na ang gumawa ng paraan para magawa natin iyon."




"Ano pong gagawin natin kay Mikey?"



"We're gonna trap him."

********

Wayen's POV

Matapos naming mag-usap ni Senju ay pumasok na ulit ako ng classroom.





Pagkapasok ay di-sinasadyang nagtagpo naman ang paningin namin ni Haruchiyo.





"Ate Wayen... Alam mo na bang crush ka ni Haruchiyo?"





Mabilis na iniiwas ko ang tingin sa kanya. Di ko alam pero bigla tuloy akong na-awkward kay Haruchiyo. Sa harapan ko pa naman siya nakaupo.





Isa siya sa pinakatahimik sa klase at minsan lang siyang magsalita. Di ko rin siya napapansin noon, pero dahil sa sinabi ni Senju sa akin ay bigla na lang tuloy nabago ang tingin ko kay Haruchiyo.





Paano naman ako magiging crush nito?






Tumunog na ang bell, hudyat na tapos na ang lunch break. Ilang saglit pa ay unti-unting nagsidatingan na sa klase yung mga kaklase ko, pati na rin ang teacher namin sa Math na si Akashi Takeomi. Kuya siya nina Haruchiyo at Senju.






Dahil nakakaantok ang oras na iyon para sa aming lahat, wala man lang nakinig sa lesson ni Teacher Omi. Kahit sina Mitsuya at Kisaki na parehong dedicated students, di rin masyadong nag-participate sa klase. Lahat ay nakadukdok sa desk ang mga ulo. Maging si Haruchiyo, humihilik na.






"Ok, Wayen... Paki-solve ang problem sa blackboard."





Nagulat ako ng bigla na lang akong tinawag. My gosh, di pa naman ako masyadong nakinig, paano ko sasagutin yung problem?






"Miss Kiyomasa?"





Sa pagkakataong iyon ay nanginginig na tumayo ako at dahan-dahang naglakad patungo sa blackboard. Kumuha ng chalk sa teacher's table at ilang saglit ding nakatitig lang sa equation na nakasulat.






Mula sa likuran ay naghihiyawan at nagpapalakpakan pa ang mga mokong, naiiritang napalingon ako sa mga kaklase ko, as usual si Mikey na naman ang promotor ng pang-aasar.





"Wayen, may balak ka bang i-solve yung equation sa harapan mo?" Taas-kilay namang tanong pa ni Kisaki. Maging si Hanma at Osanai ay nang-aasar ding nakangisi sa akin.





Napasulyap naman ako kay Mitsuya. Tila kakagising lang niya.






"Sorry po, Teacher Omi. Di ko po kayang sagutin yung equation." Naiyuko ko ang ulo sa pagkapahiya at lalong umugong ang pang-aasar ng mga kaklase ko.




"Oy Wayen, top three ka dito sa klase, di mo kayang sagutin yan?" Pang-aasar pa ni Kazutora.






Di ko na siya pinatulan pa at yuko ang ulong naglakad na lang pabalik sa upuan ko. Pero nagulat ako nang bigla na lang akong bumangga sa dibdib ng isang kaklase. Nag-angat ako ng tingin at sumalubong sa akin ang mukha ni Haruchiyo. Nakangiti ang mga mata niya sa akin. Gosh, ang kapal ng eyelashes niya!







"Ako na yung magso-solve ng problem."







Sa mga sandaling iyon, bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko.






Anong klaseng pakiramdam ito?


Toman High Fight On! (Tokyo Revengers AU) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon