12 - Dare

50 4 0
                                    

Wayen's POV

"Hi Wayen!"

Agad namang napasimangot ako nang bigla na lang akong harangin ni Hanma pagliko ko sa kanto.

Pagkatapos ni Mikey, sumunod naman ang kupal na to. Mga bwiset talaga.

"Ano na naman, Hanma?"

"Alam mo namang talo si Haruchiyo kanina. Wala kang pusta kaya gagawin mo yung dare." Nakangising paalala naman niya.

"Di ako pumayag 'no. Saka huwag mo na akong kulitin. Please lang. I wanna go home right now."

"Natalo kayo nina Kisaki at Rindou ng limang libo, so paghahatian ninyong tatlo yun. Kulang-kulang one-six yung babayaran mo in cash kapag nagkataon."

"Abnormal ka ba? Sabi ko nga di ako pumayag sa pustahan, bakit namimilit ka?"

Iniwasan ko si Hanma at nagpatuloy sa paglalakad. Kaso bigla na lang niyang hinablot yung braso ko.

"Kung di ka maglalabas ng pera, sasabihin ko na lang yung dare para may option ka. Nasa one-two yung minimum wage so mga five weeks kang magiging girlfriend ko."

"HUH?!" Feel ko nabingi yata ako sa sinabi niya. Nababaliw na yata si Hanma.

"Oy, gago ka ba? Bakit naman ako papayag na maging girlfriend mo? Di kita type no? Isa pa, fuckboy ka. Ewwww."

"Ouch. Sakit naman nun, Wayen." Tinutop ni Hanma yung dibdib niya at umaktong tila ba nasasaktan.

"Ewan ko sa'yo. Bahala ka sa buhay mo. Di ako magbabayad sa'yo at hinding-hindi ako papayag na maging girlfriend mo." Sabi ko sabay talikod.

Pero makulit talaga si Hanma. Hinaklit niya ulit ako paharap sa kanya, sa lakas ng paghila niya napasubsob tuloy ako sa dibdib niya.

"Wayen, gusto kita. Dati pa, nung first year tayo. Alam kong mali tong ginagawa ko sayo pero sana pagbigyan mo ako."

Natigilan naman ako sa confession ni Hanma. Di ko ini-expect na may gusto pala siya sa akin. Ilang saglit din akong na-blangko at mula sa dibdib niya ay dinig ko ang pagtibok ng puso niya.

Nagtatalo pa tuloy isip ko kung haharapin ko ba siya o hindi. Malakas kasi pakiramdam ko na baka ginu-goodtime lang ako ng kolokoy na to. A fuckboy will always be a fuckboy. Isa pa isa rin siya sa mga malakas mambully sa akin. Kaya never ako papayag na maging girlfriend niya.

"Huwag mo nga akong niloloko, Hanma." Nag-angat ako ng tingin para tingnan yung ekspresyon ng mukha niya, pero natulala lang ako.

Shuta naman o. Bakit ang ganda ng pagkakangiti niya sa akin? Yung ngiting ganito, yun yung ngiting nakikita ko talaga kina Mikey at Hina.

Gago, in love talaga si Hanma sa akin?

Kinikilabutan na talaga ako sa mga nangyayari kaya malakas na tinulak ko siya palayo at mabilis na tumakbo paalis.

"Wayen, I love you!" Sigaw pa ni Hanma na humabol din ng takbo sa akin.

"Oy, tangina mo, Hanma! Di kita love! Tigilan mo ko fucking shit ka!"



"Wayen, pumayag ka ng maging girlfriend ko, don't worry paliligayahin kita ng sobra-sobra!"

Nakauwi na ako sa bahay pero nakasunod pa rin si Hanma. Mabilis na pumasok ako sa loob at nag-lock ng pinto.



Sumilip ako sa bintana at nakita ko si Hanma na nakatambay pa rin sa labas ng gate namin.

"Oy, Wayen. Anong sinisilip mo diyan sa labas?" Lumapit si Kuya sa akin at nakisilip din sa bintana.

"Di ba si Hanma yan, yung kaklase mo?"

"Oy kuya baliw yan. Tuluyan ng nakalas yung turnilyo sa ulo kaya hanggang dito sa bahay sinundan ako."


"Ano ba kailangan sayo?"

"Gusto daw akong maging girlfriend."



"Wow naks, nakaka-proud namang may gusto pala si Hanma sayo. Heartthrob ng second year yan ah."



"Type mo? Reto na lang kita sa kanya. Ewww. Palibhasa kapareho mong sunog-baga." Inirapan ko si Kuya at nagkulong na lang sa kwarto ko.

Bwiset talaga si Hanma. Dami ko ng problema sa buhay, dumagdag pa talaga.

Toman High Fight On! (Tokyo Revengers AU) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon