18 - Canon

38 3 0
                                    

Wayen's POV

Naglalakad ako papunta sa classroom ng section ni South. This time, aamin na talaga ako sa kanya mismo at para na rin magkaroon ng closure yung feelings na matagal kong tinatago sa sarili ko.


Dahil second year pa lang ako ay pinagtitinginan ako ng mga estudyanteng nakatambay sa hallway.


"Oy, may second year na namang umakyat dito ah, tingin ko sa Section 12 na naman punta niyan."


"Grabe talaga yung Section 12, halos araw-araw na lang may umaakyat na lower years dito sa floor natin."


"Siguradong magko-confess 'yan."

"Hmmm, kanino kaya?"


"Sshhhh, kapatid ni Kiyomasa 'yan. Baka pupuntahan lang kuya niya."


Natigilan naman ako nang marinig yung pangalan ni Kuya. Bago pala ako makarating ng Section 12 ay madadaanan ko pa pala yung classroom nila Kuya.


Dahan-dahan akong naglakad sa pinto ng Section 11 para silipin kung andun si Kuya. Pero bigla na lang akong nagulat nang bigla na lang may humila sa kwelyo ko sa likod.


"Ano'ng ginagawa mo dito?"


Gulat na napalingon naman ako kay Kuya.


Mabilis naman akong nag-isip ng palusot. Kapag nalaman niyang magko-confess ako kay South, siguradong papupuntahin niya dito si Hanma para kunin ako.

"W-wala chini-check ko lang kung pumasok ka talaga. Baka kasi nag-cutting ka na naman eh."


"Weh, di nga?" Nagdududang tiningnan niya ako sa mga mata.


"Oo nga sabi eh." Nag-iwas ako ng tingin at saktong paglingon ko ay nahagip ng mga mata ko si South na nakadungaw dun sa bintana ng hallway.


"Akala ko kasi magko-confess ka na kay South eh." Dinukot niya yung cellphone sa bulsa at nagtext.


Nabigla naman ako sa sinabi niya kaya di ko tuloy napigil yung sarili kong sumagot.


"P-paano mo nalaman?"


"Sinabi sa akin ni Hanma. May gusto ka raw kay South. Ikaw talaga Wayen, boyfriend mo na si Hanma, balak mo pang mag-confess sa iba. Hayyysss..." Umiling-iling si Kuya habang nakahawak pa rin sa kwelyo ko. "Sinabihan ko na si Hanma na sunduin ka na dito. Sorry talaga kapatid, ayokong maging kaaway ni Hanma."


Napasulyap ulit ako kay South, ilang hakbang na lang ang layo namin sa isa't-isa, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa magawang mapalapit sa kanya.


"Kuya, bitiwan mo na ako please... Kailangan kong gawin ito para sa sarili ko."


"Bakit pa, Wayen? Andiyan naman si Hanma, at mahal na mahal ka nun."


"Kuya, isang taon ko ng crush ko si South. Kung di ko sasabihin sa kanya yung feelings ko, di ako matatahimik."


Napabuntung-hininga naman si Kuya at kahit labag sa loob niya ay binitiwan na lang niya ako.


"Ok, good luck kapatid, pero kapag ako talaga nabugbog ni Hanma, ipapa-rape na lang kita sa kanya." Pumasok na sa classroom si Kuya at iniwan na ako sa labas.


Mabagal na humakbang naman ako palapit sa kinaroroonan ni South.


As usual, nakatali na naman in man-bun style yung blonde niyang buhok. He's around seven feet tall, as in sobrang tangkad talaga, kaya naman siya ang center ng basketball team dito sa Toman High.


Naalala ko tuloy nung una ko siyang nakita. Masama ang loob ko noon kasi nadawit ako sa kalokohan ni Kuya, kaya naman imbes na sa Section 1 ako napunta noong first year, pinalipat ako ng principal sa last section, at mula noon lagi na lang akong binubully ng mga kaklase ko.


Nakaupo lang ako sa tabi ng Music Room noon, at maya-maya pa ay nakarinig ako ng tunog ng piano.


Hindi ko alam kung anong title nung piyesang tinutugtog niya, pero nang marinig ko iyon ay gumaan ang pakiramdam ko.



Bumalik sa isipan ko ang mga masasayang alaala at di ko namalayan na nakangiti na pala ako nang matapos yung tugtog. Noon ko naman naisipang silipin yung tumugtog ng piano, pero hindi ko siya nakita.


Naghintay ako ng ilang saglit para abangan ang paglabas niya.



At ang taong lumabas mula sa pinto ng Music Room na iyon- ay walang iba kundi si South Terano.

Toman High Fight On! (Tokyo Revengers AU) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon