8 - Peace Offering

63 5 0
                                    

Mikey's POV

"MIKEY!!!"



Nagtatakang napalingon naman ako kay Wayen. Sa pagkakataong iyon ay maganda ang ngiti niya sa akin, di tulad ng mga nakaraang araw na lagi niya akong sinusungitan dahil lang pinalipat ko siya ng upuan.


"Bakit Wayen? Ano, magtatapat ka na ng feelings mo sa akin?" Pang-aasar ko naman sa kanya.




Kahit kailan talaga ay ang sarap talagang asarin ni Wayen. Di ko ma-explain yung sobrang tuwang nararamdaman ko kapag nakikita kong naasar siya. Ang cute eh.



" Yuck, kadiri ka Mikey. Never akong magkaka-feelings sa'yo 'no?" Inirapan naman ako ni Wayen, pero agad naman siyang ngumiti ng napakatamis sa akin.






Teka, medyo kinakabahan na yata ako sa babaeng ito. Mukhang may masamang binabalak eh.




"Oy Wayen, bakit may pangiti-ngiti ka ng ganyan sa akin? Inaakit mo ba ako?"




"My gosh, Mikey. Hindi siyempre. Wala, naisip ko lang na baka naman pwede tayong maging friends, I mean matigil na yung pang-aasar mo palagi sa akin at mapabalik mo na ako sa upuan ko."





Napahalakhak naman ako sa sinabi niya.





"Eh paano ba yan, Wayen, ayoko na umalis dun sa upuan mo." Sagot ko naman. Medyo natutuwa na din kasi ako dun sa pwesto niya.




Malungkot na napabuntung-hininga naman si Wayen. Medyo naawa tuloy ako sa kanya. Siguro nga ay mahalaga talaga para kay Wayen ang spot niyang  iyon sa classroom.




"Ok, fine. Pero at least sana tanggapin mo man lang itong ibibigay ko bilang peace offering."



Inabot ni Wayen sa akin ang isang paper bag. Medyo mainit pa ang laman nito.




"Ano naman 'to?"




"Edi taiyaki! Di ba favorite food mo yan?" Nakangiting sagot naman niya, dahilan para mapangiti na rin ako.





"Oy Wayen, baka naman may lason to ha,"





"Luh, bakit naman kita lalasunin, Mikey? Wala naman akong matinding galit sayo para gawin yun, no. Sige na, tanggapin mo na yan. Don't worry di kita sisingilin diyan. Ako na nga itong nakikipagkasundo eh."





Napakurap-kurap naman ako habang nakatingin kay Wayen. Sa totoo lang di ko alam kung talagang sincere siya o hindi. Pero sa huli, napilitan na lang akong tanggapin yung bigay niyang taiyaki. Lagot talaga sa akin ito kapag nalaman kong may balak siyang masama sa akin.




"Sige, tatanggapin ko na lang to. Thanks Wayen." Dumukot ako ng isang taiyaki at isinubo iyon sa bibig ko.





Hmmm. Heaven sa sarap.



"Friends na tayo Mikey ha." Inilahad pa niya ang kamay niya para sa friendship shake namin.




"Sige, friends."





Toman High Fight On! (Tokyo Revengers AU) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon