17 - Revelation

40 6 0
                                    

Wayen's POV

Sabi ko, sa graduation na lang ng third year ako aamin kay crush, pero sa tingin ko kailangan ko nang umamin habang maaga pa. Bahala na kung tanggapin niya yung confession ko o hindi.

Nung weekend ay di ko in-expect na pupuntahan ako ni Hanma sa bahay namin. Gusto niya sana daw akong yayain na mag-date, pero tumanggi ako.

Isa pa, masyado na niyang ginugulo ang feelings ko. Last time medyo na-confused ako nang malaman kong may gusto sa akin si Haruchiyo, pero itong si Hanma, masyado talagang matindi ang tama niya. Di ko rin alam kung seryoso ba talaga siya o pinagti-tripan niya lang ako.

Pagkatapos kong tapusin ang trabaho ko sa Student Council, dumiretso na agad ako sa Music Room para puntahan ang taong sadya ko.

Napangiti ako dahil sa hallway ay maririnig na ang malamyos na tunog ng piano, at kasalukyang tumutugtog ang kantang "First Love" ni Utada Hikaru na siya namang favorite song ko.

Tumigil ako sa tapat ng pinto at sumandal doon habang nakikinig sa pagtugtog niya ng piano.

Nang matapos ang tugtog ay humugot muna ako ng malalim na hininga saka kumatok sa pinto.

Napakalakas ng pagkabog ng dibdib ko habang hinihintay na pagbuksan niya ako ng pinto.

Nang maramdaman ko ang pagbukas ng pinto ay mabilis na nagsalita ako para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.

"Gusto kita!" Nakapikit na sabi ko sabay pihit para tumakbo na sana palayo. Pero naramdaman ko na lang ang paghila niya sa akin papasok sa loob ng Music Room.

"Ano, Wayen? Gusto mo ako?"

Nagmulat ako ng mga mata nang mabosesan ko si Hanma. Teka, bakit andito siya?

Ini-lock niya yung pinto saka isinandal niya ako doon. Inilapit niya ang mukha sa akin at diretsong tumitig sa mga mata ko.

"H-hindi..." Kinakabahang sagot ko.

"Pero sabi mo, gusto mo ako? O baka naman ibang tao ang ini-expect mong nandito?" Naniningkit ang mga matang tanong ni Hanma sa akin.

Napansin ko rin ang kakaibang emosyon na gumuhit sa mukha niya. Di ko alam kung nagagalit siya dahil nagseselos siya o baka dahil possessive lang talaga siya sa mga bagay na gusto niya.

Pinaningkitan ko rin siya ng mga mata.

"Oo, ibang tao ang ini-expect kong nandito. Kung bakit kasi of all people, ikaw pa talaga yung natiyempuhan ko! Di kita gusto, Hanma, dahil si South ang gusto ko!"

Mapaklang natawa naman si Hanma.

"Si South?"

"Oo bakit, may angal ka?"

"Sinabi ko na sa'yong di ako papayag na sa iba magkakagusto, Wayen. Ako lang ang pwede mong gustuhin."

"Ayoko sa sa'yo! Fuckboy ka, di ka marunong magseryoso! Lagi mo kong binu-bully at binugbog mo pa kapatid ko! Sa tingin mo ba magugustuhan kita sa pinaggagawa mo? Ang manyak mo pa, saka lagi mo akong hina-harass!"

Binitawan niya naman ako nang ma-realize niyang pinupwersa na naman niya ako.

"Sorry, Wayen."

"Sorry mo mukha mo. I hate you."

"Sorry, kasi lalo kang magagalit sa akin sa gagawin ko."

Nagulat ako nang bigla na lang niyang kinabig ang ulo ko at dinampian ako ng halik sa mga labi.


Ilang segundo din akong natigilan habang nanlalaki ang mga matang napatitig sa mukha ni Hanma. At naiinis ako sa sarili ko dahil kahit ninakaw niya ang first kiss ko, di ko man lang siya pinigilan sa ginagawa niya.

Ayoko mang aminin, nagustuhan ko ang paghalik niya sa akin, ganito pala kasarap yung feeling ng hinahalikan.

Tuloy pa rin siya sa paghalik sa akin at maya-maya pa'y naramdaman ko ang mga kamay niyang naglalakbay na sa iba't-ibang parte ng katawan ko.

Noon na ako natauhan at buong-pwersang itinulak ko siya palayo sabay sampal ng malakas sa pisngi niya.

"I hate you, Hanma!" Pagkatapos ay pinahid ko ang bibig gamit ang likod ng palad.

"But I really enjoyed the kiss, Wayen. Sana ganun ka rin." Nakangiting sabi naman ni Hanma, as he seductively licked his lips, di talaga halata na sarap na sarap siya sa pagnakaw ng first kiss ko.

"Paano ako mag-eenjoy eh lasang-sigarilyo 'yang bibig mo, tangina mo."

"Don't tell me, ako first kiss mo?"

"Tangina mo, kainis ka." Sinubukan kong buksan yung pinto para makaalis na, pero agad naman niya akong pinigilan.


"Sagutin mo muna tanong ko, first kiss mo ko 'no?"


"Siyempre, hindi. Saka bad kisser ka."


"Ows, ikaw nga hindi ka marunong humalik. Aminin mo na kasi, ako talaga ang first kiss mo, Wayen."

Gusto ko na talaga umalis, kaso mukhang nasa mood mantrip si Hanma kaya ayaw niya talaga akong pakawalan.

"Oo na putang-ina, sa lahat pa talaga, sa'yo pa na fuckboy! Nakakainis! My first kiss is supposedly a special one! Pero sinira mo!" Nalalasahan ko pa rin kasi yung sigarilyo sa bibig ko. Sana pala pinayagan ko na lang yung attempt niya kahapon na halikan ako, para di ganun kasama yung first kiss ko.

Halos maiyak na ako sa inis pero si Hanma masayang-masaya pa. Napaka-insensitive talaga.

"Di mo alam kung paano mo ako, pinasaya, Wayen. Knowing na ako pala ang first kiss mo." Sumilay sa mukha ni Hanma ang isang kakaibang ngiti.

Natigilan naman ako. Hayan na naman yung ngiting in-love niya.

"Dahil nagalit ka kung paano ko sinira yung first kiss mo, gusto ko sanang bumawi, Wayen. This time, let me do it properly."

Hindi na ako nakapalag nang muli niya akong kinabig para dampian ng masuyong halik sa mga labi.

Toman High Fight On! (Tokyo Revengers AU) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon