22 - Amusement Park

41 4 0
                                    

Wayen's POV

"Wayen!!!" Sigaw naman ni Hanma habang hinahabol ako ng takbo.

Di ko siya pinansin, tuloy lang ako sa pagkaripas ng takbo hanggang sa naabutan niya ako. Nagulat na lang ako kasi may pa-backhug si Hanma.

Putek, bakit kinikilig ako?

"Paano na 'yan. Ang layo ng tinakbo natin eh dun pa naman banda sa bahay ninyo naka-park yung motor ko."

"Ba't di mo sinabi? Naku naman, Hanma, magpapagod pa tayo pabalik."

"Sorry na, babe. Buhatin na lang kita pabalik kung pagod ka na." Lumuhod siya sa lupa saka iniumang yung likod niya sa akin.

"Wag na, lakad na lang ako." Tanggi ko naman.

"Sure ka?"

"Oo nga sabi." Nauna na kong naglakad pabalik. Sumabay naman siya saka nakipag-holding hands sa akin.

Gulat na napalingon naman ako sa mukha niya pero diretso ang tingin niya sa daan. Di ko na siya binara kasi mukhang maganda ang mood niya.

"O, bakit kayo bumalik?" Nakasalubong naman namin si Kuya.

"Excited kasi si Wayen eh, di niya alam magmomotor kami sa pupuntahan namin."

"Hanma, paki-ingatan kapatid ko. Kahit ganyan lang yan. Mahal ko naman yan." Tinapik ni Kuya sa balikat si Hanma at naglakad na palayo.

"Oy Masataka! Saan lakad mo?"

"May date din ako, bakit, bawal ba?"

"Susumbong kita kay Mama!"

"Edi wow. Whoah, I'm scared." Ginaya naman ni Kuya yung sinabi ko sa kanya. Ikinaway na lang niya yung isang kamay sa akin at umalis na.

Nakarating na rin kami sa pinag-parkingan ni Hanma ng motor niya. Maingat na isinuot niya sa akin yung isang helmet saka pumuwesto na sa motorbike niya. Inginuso naman niya yung likod niya para paangkasin ako.

Sumunod naman ako at naupo sa likod niya.

"Babe, kumapit ka ng mabuti." Sabi niya nang inilagay ko yung mga kamay ko sa balikat niya.

"Bakit, nakakapit naman ako ah."

"Di ganyan, mahihirapan akong mag-drive kung sa balikat ko ikaw nakakapit."

"Eh sa'n ba dapat?"

Binitiwan niya yung clutch ng motorbike saka kinuha yung mga kamay ko at iniyakap sa bewang niya.

"Oy Hanma, ano 'to, bakit kailangan nakayakap talaga sa katawan mo?"

"Ayaw mo? Edi sige, hanap ka ibang kakapitan, basta wag sa balikat ko." Pinaandar na ni Hanma yung motorbike, nagulat ako kasi ang bilis ng pagpapatakbo niya, bigla tuloy akong napayakap ng mahigpit sa kanya.

"Hmmmm. That's more like it." Narinig kong komento naman niya.

After a few minutes, inihinto na niya yung motor sa harap ng amusement park.

"Dito tayo magdi-date? Akala ko ba movie date tayo?"


"Hmmm. Mas masaya 'to. Saka usually, sa amusement park ang unang date ng mga bagong couple na tulad natin."

Di ko talaga alam kung paano mag-eenjoy eh halos masuka na ko sa sobrang hilo sa mga rides dun sa park.


"Wayen, ok ka lang ba?" Tanong ni Hanma na hanggang ngayon sobrang hyper pa rin. Mukhang siya lang talaga nag-enjoy sa pinaggagawa namin.

"Mukha ba kong ok?"

"Medyo, namumutla ka eh, wait, bili muna ako ng foods, baka kasi nagugutom ka na."

Bumili siya ng ice cream sa isang food stall.

"Pili ka lang dito sa binili ko, sorry di kita natanong kung anong flavor yung gusto mo."

Inginuso ko naman yung hawak niyang chocolate ice cream at agad naman niya iyong ibinigay sa akin at naupo sa tabi ko.


Nilantakan ko naman yung ice cream. Baka kasi matunaw at magkalat sa kamay ko. Busy ako sa pagdila nung ice cream nang di sinasadyang napasulyap ako kay Hanma. Nakatitig lang siya sa akin tapos yung ice cream niya tunaw na at nagkakalat na sa kamay niya.


"Oy Hanma, ba't ka nakatunganga diyan, yung ice cream mo, tunaw na, ba't di mo pa kinakain!"


Noon naman siya natauhan saka napatingin sa nanlalagkit na kamay niya. Mabilis na inubos naman niya yung ice cream na hawak niya. Aba, inunahan pa ako.


Naramdaman yata niyang tinitingnan ko siya kaya sumulyap siya sa akin at nagtagpo tuloy ang mga mata namin.



Awkward...



Nag-iwas ako ng tingin sa kanya habang tuloy lang sa pagdila ng ice cream ko.


"Babe, pakiusap, ubusin mo na yang ice cream mo." Narinig kong sabi ni Hanma. Napalingon naman ako sa kanya.

"Bakit?" Mukhang kanina pa yata nakatitig to sa akin eh.

"You shouldn't eat ice cream like that when a man's watching."


"Luh, bakit? Eh nag-eenjoy ako dito, basag-trip ka naman." Humarap ako sa kanya habang nang-aasar na dinila-dilaan yung ice cream na kinakain ko.


"Stop teasing me, Wayen!" May itinuro sa baba si Hanma, at ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang masundan ang direksyon ng hintuturo niya.


"Hoy, gago! Kahit kailan talaga ang manyak mo!"


Gusto ko sanang ibato yung natirang ice cream sa mukha niya kaso sayang kaya tumalikod ako at inubos na lang lahat. Itinapon ko naman yung dulo ng cone sa basurahan saka muling humarap sa kanya.

"O hayan, ubos na. Happy ka na?"

Nakatingin lang sa mukha ko si Hanma pero di naman siya kumibo.

"Oy, ok ka lang?" Tinapik-tapik ko siya sa balikat pero di pa rin niya ako kinikibo.


Parang ewan talaga tong si Hanma.


"Babe, may ice cream ka sa bibig mo."


Ah, yun pala. May dumi lang pala ako sa mukha. Binuksan ko naman yung sling bag ko para kunin yung panyo ko, pero bigla na lang akong hinigit ni Hanma palapit sa kanya.


"Oy, gago hahalikan mo na naman akkkkk—"


Nagulat ako nang dinilaan ni Hanma yung paligid ng bibig ko.


"Hayan, tinanggal ko na." Nakangising sabi niya nang bitawan yung mukha ko with matching lipbite pa.



Ilang saglit din akong shookt sa ginawa niya. Inilibot ko ang paningin sa paligid, juice colored, tirik na tirik ang araw at nasa public place kami pero puro kamunduhan ang pinag-iisip nitong fuckboy na to.


"Gago."



Ngumisi lang siya ng nakakaloko bago hinigit yung kamay ko para tumayo.


"Movie date naman tayo, babe."

Toman High Fight On! (Tokyo Revengers AU) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon