13 - Suitor

46 3 1
                                    

Wayen's POV

Paglabas ko ng gate bigla na lang sumalubong si Hanma sa akin.

"Hi babe, tara na sa school?" Nakangiting bati niya sa akin.

Nagulat naman ako sa itsura niya. Kasi yung buhok niyang tirik na tirik sa gel eh nakabagsak ngayon. Luh, anong nakain nito? Pero in fairness bagay naman sa kanya.

"Masataka!!!" Sigaw ko naman kay Kuya para lumabas na. Usually, di kami nagsasabay kapag pumapasok sa school, pero close naman kami ni Kuya kahit di kami masyadong nag-iinteract kapag nasa labas na ng bahay. Kaya minsan yung iba nagugulat kapag nalalaman nilang magkapatid kami.


"Ano ba, Wayen? Akala ko ba ayaw mo kong makasabay papunta ng school?" Reklamo ni Kuya habang sinasarado yung gate.


"O, andyan naman pala si Hanma eh, di ba classmate mo yan? Bakit di na lang kayo magsabay, siguradong hahatid ka pa niyan sa upuan mo."


Tiningnan ko naman ng masama si Kuya. Kahit kailan ang slow talaga. Pero kapag nakikipagbasag-ulo, mabilis pa sa alas-kwatro magpatama ng kamao.




"Ewan ko sa'yo. Magsama kayong dalawa ni Hanma!"




Iniwan ko silang dalawa. Agad namang sumunod si Hanma sa akin, pero si Kuya ibang direksyon yung tinahak.





"Hoy, Masataka! Magka-cutting ka na naman ba?"





"Siyempre hindi, ang awkward sumabay sa inyong dalawa." Nakangising tinanguan nito si Hanma. Napatingin naman ako sa kasabay ko. Pucha, ang ganda ng ngiti ng loko.





"O paano na yan, Wayen. Ipinagkatiwala ka na sa akin ng kuya mo."






"Bahala ka sa buhay mo. Kung si kuya bilib sa'yo, pwes ako hindi." Inirapan ko lang siya at binilisan yung paglalakad.





"Wait naman, Wayen. Maaga pa naman, bakit di muna natin i-enjoy itong date natin?"




Napalingon naman ako sa kanya. Di ko talaga kinakaya yung kakapalan niya ng mukha.




"Excuse me? Date? Bakit tayo ba?"



"Hmmmm. Nakalimutan mo ba? Di ba girlfriend kita for five weeks? Yung ibang girls nagkakandarapa pansinin ko lang. Ikaw nga girlfriend na agad eh."



"Bakit kaya di na lang sila yung gawin mong girlfriend? Bakit ako?"


Sa pagkakataong iyon ay sumeryoso ang mukha ni Hanma at matagal na tumitig lang siya sa akin.




"Dahil ikaw ang gusto ko, Wayen."





Bigla tuloy nanigas ang buong katawan ko sa sinabi niya. Saka ang lakas ng pagkabog ng dibdib ko. Bakit parang ang sincere ng pagkakasabi niya?






"O-oy, tangina mo gago, huwag mo nga akong binibiro ng ganyan. Alam kong pinagti-tripan mo lang ako eh."



Tinalikuran ko na ulit siya at mabibilis ang hakbang na naglakad palayo. Pero maramdaman ko ulit ang paghabol niya sa akin. This time hinila na naman niya yung braso ko at isinalya na naman ako sa pader.




"Wayen, alam kong asar ka sa akin kasi first year pa lang tayo lagi na kitang binu-bully. Pero kasi, ginagawa ko lang yun para mapansin mo ako. Para di mo ako makalimutan. Kaya ang saya ko kasi classmates pa rin tayo ngayong second year. Saka, balak ko sanang mag-confess sa'yo kapag third year na tayo. Pero kasi nung isang araw, narinig ko yung pinag-usapan ninyo ni Senju. Na may crush sa'yo si Haruchiyo. Kaya naman natakot ako nang mapansin nitong mga nakaraang araw ay parang iba na yung tingin mo sa kanya. Na baka nga unti-unti ka na ring magkakaroon ng feelings kay Haruchiyo."




Sobrang lapit ng mukha ni Hanma sa akin. This time hindi na amoy-sigarilyo yung hininga niya.








"Hanma....Yung hininga mo... Nag-toothbrush ka ba?" Out of the blue bigla kong tanong. Nakaka-blangko ng isip yung ginawa niya eh.






Napapahiyang inilayo niya ang mukha sa akin saka siya tumalikod at inamuy-amoy hininga niya.





"Hindi ako nag-smoke ha, saka pagkatapos kong mag-toothbrush nag-mouthwash pa ako 'no? Bakit, mabaho ba hininga ko?"






Napailing naman ako. "Hindi, nagtaka lang ako kasi di mabaho hininga mo. Keep it up." Sabi ko na lang sa kanya sabay takbo ng mabilis.







"Wayen!" Sigaw niya habang tumatakbo na rin.






"Ano na naman?"







"Pwede ba kitang ligawan?"







"Utot mo, never!"






"I love you!"






"Di kita love, sorry!"




"I will make you love me too!"




"Edi gawin mo. Good luck."



Nakarating kami ng school at siyempre kaming dalawa yung unang tao sa classroom.




Pag-upo ko sa pwesto ko ay tinabihan niya agad ako. Ang kulit talaga.







"Kahit ayaw mo, liligawan pa rin kita, Wayen. Di ako papayag na main-love ka sa iba."





"Oy, si Hanma, liligawan daw si Wayen!!!" Mula sa bungad ng pinto ay sumigaw si Kazutora, at siyempre kasama na naman niya yung ka-grupo niyang sina Baji at Chifuyu.





Nagsidatingan na rin yung iba at kumalat na tuloy sa buong klase yung panliligaw ni Hanma sa akin.




"Wayen, ako na mauupo dito sa pwesto mo. Dun ka na sa tabi ni Hanma." Nakangising utos naman ni Kisaki sa akin.





Naniningkit ang mga matang tiningnan ko si  Kisaki, saka itinuon ang paningin kay Hanma na tuwang-tuwa ngayon.





"Ayoko, namimihasa na talaga kayong lahat sa pambubully sa akin. Isusumbong ko kayo kay Teacher Shin."




Pagdating ni Teacher Shin ay agad akong nagsumbong. Pero wala ring kwenta dahil sinakyan lang niya yung trip ng mga kaklase kong abnormal. Ang ending ay naupo pa rin ako sa tabi ni Hanma.





"I love you, babe." Bumulong pa sa tenga ko si Hanma at nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan.






ARRRRRRGGGGGHHHH!!! I HATE THIS CLASS!!!!!!


Toman High Fight On! (Tokyo Revengers AU) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon