21 - Date

34 4 0
                                    

Wayen's POV

"Oy Wayen, saan lakad mo?"


Tanong ni Kuya na sumilip sa pananalamin ko. Nangunot yung noo niya nang mapagmasdan yung mukha ko.


"Wow, naks Wayen naka-makeup ka ah. Ano'ng meron?"

"May date ako, bakit?" Sagot ko naman habang nag-aapply ng lipstick.


"Ano'ng date? May boyfriend ka na—?"


Natawa naman ako sa mukha niya. Para talagang ewan.


"Oo, sinagot ko na si Hanma. Happy ka na?"

Kinuha ko na yung sling bag na nakapatong sa dresser saka naglakad na palabas ng bahay.

"Oy Wayen, sabihin mo nga, blinackmail ka ba ni Hanma?"


Nagtaka naman ako sa reaksyon ni Kuya. Last time binubugaw ako kay Hanma, tapos ngayon aaktong protective older brother.



"Hay naku, Kuya, don't worry about me, ok? Di ko alam kung nag-aalala ka talaga sa akin, pero kung totoo man, kaya ko na sarili ko. Nga pala, kapag di ako nakauwi mamayang gabi, baka nag-motel na kami ni Hanma, so do me a favor at ikaw na bahala mag-remind sa kanya na ibalik niya ako dito bago mag-gabi."




Napakamut-ulo naman si Kuya sa akin. Di na siya nakaimik sa mga sinabi ko. Isa pa, alam niya sa sarili niyang guilty siya kaya napilitan akong jowain na lang si Hanma.




"Sorry talaga, kapatid. I know I failed you as your brother."




Tinawanan ko na lang si Kuya at lumabas na ng gate. Nag-aabang na kasi si Hanma.


"Brad, ingatan mo kapatid ko ha, saka pakibalik mo sana dito bago mag-gabi. Bawal muna kayong mag-sex." Paalala naman ni Kuya kay Hanma.


"Paano pag ginusto ni Wayen? Bawal pa rin?" Nakangising sagot naman ni Hanma sabay akbay sa akin.



Dahil badtrip pa rin ako kay Kuya, sinakyan ko na lang yung trip ni Hanma. Iniyakap ko yung mga kamay ko sa katawan niya, medyo nagulat si Hanma sa ginawa ko kaya naramdaman kong napakislot siya. Pinigilan ko lang ang matawa sa reaksyon nilang dalawa ni Kuya.


"Oo nga, kapag ginusto ko, wala ka nang magagawa dun." Pagkatapos ay tumingin naman ako kay Hanma. "Let's go, babe." Nginitian ko ng pagkatamis-tamis si Hanma, at muntik na talaga akong matawa kasi natameme siya.



"Oy Wayen! Susumbong kita kay Mama!" Sigaw naman ni Kuya.



"Edi isumbong mo, duh! I'm so scared, woah." Pang-aasar ko pa kay Kuya.


"Brad, ingatan mo si Wayen, pakiusap. Bahala ka na sa kanya. Buntisin mo na agad tapos asawahin mo na."


"Don't worry, Kiyomasa. Safe si Wayen sa akin. Saka ko na lang to bubuntisin kapag ready na siyang maging nanay ng mga anak namin."


"Hoy! Mga kupal kayo. Kung pag-usapan n'yo ko parang wala lang ako dito ah!" Singhal ko naman sa kanila. Nainis na ako kaya tinulak ko si Hanma palayo. Binilisan ko na rin ang paglalakad para makaalis na sa harapan ng bahay namin kasi naaasar na rin ako kay Kuya. Napakawalang kwentang kapatid talaga.



"Babe naman, sorry na. Don't worry andito ka naman sa puso ko." Itinuro pa ni Hanma yung kaliwang dibdib niya habang sinusuyo ako.


"Tangina mo, Hanma, ang corny mo, yuck."



"Why naman babe, willing akong magpaka-corny para sa'yo. Alam mo namang I'm a very cool person, sa'yo lang naman ako ganito."



Tumigil ako sa paglalakad at nilingon si Hanma.


"Hoy, gago, wag kanyang ganyan, nagmumukha kang sincere!"


"Eh bakit, sincere naman talaga ako ah?"


"Sincere mo mukha mo. If I know, sex lang naman habol mo sa'kin kasi isa kang dakilang fuckboy!"



"Wayen naman eh. Kung di mo pa alam, ikaw lang talaga ang babaeng gusto ko, oo, marami akong flings, pero sa'yo lang talaga ako seryoso. Tell me, ano bang kailangan kong gawin para patunayan na di ako nagbibiro?"


Saglit akong nag-isip. Sa totoo lang, wala naman akong pakialam kung seryoso ba talaga o hindi si Hanma sa akin, since five weeks lang naman ang itatagal ng relasyon namin. Kaso ewan at parang gusto kong maging adventurous ngayong araw na 'to.




"Hmmmm. Ayoko na palang tumuloy sa movie date natin ngayon."


"Bakit?" Nagtatakang tanong naman niya.


"Hmmmm. Naisip ko lang, dun na lang tayo mag-movie date sa bahay mo, babe." Isang pilyang ngiti ang sumilay sa mga labi ko habang nang-aakit ang tinging ibinigay ko kay Hanma. "What do you think?"



In that moment, nahiling kong sana ay kinunan ko ng picture yung mukha ni Hanma.



His facial reaction is so priceless.



Di ko na tuloy napigil ang pagtawa ko.


"Just kidding," sabi ko naman sabay takbo palayo sa kanya.



"Wayen!!!"

Toman High Fight On! (Tokyo Revengers AU) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon