10 - Kidnap

49 5 0
                                    

Wayen's POV



"Oy, may paparating na teacher!!!"


Sigaw ni Osanai na nagsisilbing lookout.


Agad namang nagpulasan yung ibang estudyanteng nakatambay sa hallway at nagsipasok sa kani-kanyang classrooms.





Naiwan naman yung section namin kasi inaawat pa namin sina Haruchiyo at Mikey.







"Bitiwan n'yo ko!!!" Sigaw ni Mikey habang nagpupumiglas sa pagkakahawak sa kanya nina Draken at Baji.







"Putang-ina!!!" Sumisigaw din sa galit si Haruchiyo na pinipigilan naman nina Rindou at Kazutora.






Pero nang makita nilang dalawa si Teacher Shin ay nauna pa silang tumakbo para pumasok ng classroom.






Dali-dali na rin kaming sumunod at ilang saglit pa ay parang walang nangyaring gulo sa pagitan nina Mikey at Haruchiyo.




"Sorry ha, dahil sa'kin nagsuntukan pa kayo ni Mikey."







Tumingin lang si Haruchiyo sa akin pero di naman siya kumibo.




"Oy, Wayen. Mamaya daw kakausapin ka ni Mikey pagkatapos ng dismissal." Sabi naman ni Dora-ken sa akin.





"Whatever," Inirapan ko siya saka sinulyapan si Mikey. Nagtagpo ang paningin namin pero mukhang di naman siya galit sa akin. Ano kaya sasabihin nun?




Buti na lang talaga at dumating si Teacher Shin bago pa tuluyang mapuruhan si Sanzu.





Pero dahil sa mask na suot niya palagi, di masyadong halata yung mga pasa niya sa mukha.





"Haruchiyo, di ba masakit yung mga sugat mo?"




"Ok lang ako, Wayen."




Di ko alam kung bakit feel ko bigla akong naging concern kay Haruchiyo. Kasalanan talaga to ni Senju. Bakit kasi sinabi pa sa akin na crush ako nitong kuya niya?







Natapos ang araw na parang normal lang. As usual naboboringan ako sa mga ganap.




Pauwi na ko nang bigla na lang akong nilapitan ni Mikey.






"Wayen,"





"What's up, kutong-lupa?"





"Oy, wag mo kong tawagin niyan. Pasalamat ka di ako nananakit ng babae."








"Bakit, ano bang meron?"





"Hihingi sana ako ng pabor sa'yo."




"Luh, ano naman 'yan? Kung tungkol sa kalokohan yan, ayoko."





"Di naman kalokohan to eh, I want you to kidnap someone for me."



Pinanlakihan ko siya ng mga mata at di-makapaniwalang tumingin sa mukha niya.





"Gago ka ba? Ako, of all people? Uutusan mong mang-kidnap ng tao? No! Si Hanma at Osanai, baka pwede pa."





"Pwede din naman, kaso kasi, kung sila dapat may bayad. Since friends tayo. I expect na libre lang humingi ng pabor sa'yo, Wayen." Nakangiting saad naman ni Mikey.




Napailing na lang ako sa kanya. Baliw na talaga itong kutong-lupa na to.





"Ayoko nga. Saka masama yang iniisip mo. Seryoso, kidnap talaga?"






"Ito lang kasi naiisip kong paraan para magkausap kami." Napayuko si Mikey at napansin kong medyo lumungkot siya ng sabihin niya iyon.





Napaisip naman ako. Sino kaya itong ipapa-kidnap niya? Kung kidnapping ang naiisip niyang paraan para makausap ang taong iyon, ibig sabihin, hindi sila magkabati nito.






"Kakausapin mo lang talaga? Walang bugbugan at torture?" Skeptic na tanong ko habang nag-iisip pa rin kung sino ba talaga itong tao na tinutukoy niya.





"Oo naman. Kahit kailan, di ko siya magagawang saktan." Napangiti si Mikey. Di ko alam kung bakit pero pamilyar ang klase ng ngiting iyon sa akin. Ganung-ganun ang ngiti ni Hina kapag nagkukwento siya tungkol kay Takemichi.




Yung ngiting.... in love.






Oww shitttt!






Si Mikey, in love?





"Teka, Mikey. Sino ba yang ipapa-kidnap mo sa akin?"






"Hmmmm. Pumayag ka muna bago ko sabihin."




Napaisip tuloy ako. Sa totoo lang talaga duda ako kay Mikey, kaso curious talaga ako na malaman kung sino ang dahilan kung bakit nakangiting in-love si Mikey.





Bumuga muna ako ng hangin bago tumango.



" Ok fine, payag na ko. "








Biglang nagliwanag ang mukha ni Mikey. Nagniningning sa tuwa yung mga mata niya.






"Gusto ko sanang kidnapin mo si Senju, Wayen."




Toman High Fight On! (Tokyo Revengers AU) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon