SIMULA

23.1K 501 134
                                    


                                      SIMULA

How can you be sure that you love someone?

Kapag ba nararamdaman mo ang mga paru-paru sa iyong tiyan? Kapag ba tumitibok nang mabilis ang iyong puso? Kapag ba masaya ka kapag nakikita mo siya?

O kapag kaya mo siyang bitawan sa panahong ayaw na niyang kumapit?

Sinuklay kong muli ang aking itim na buhok gamit ang aking mga daliri. Iginala ko ang paningin sa mga taong nakasuot ng magagarbong damit at muling pinasadahan ang suot kong white off shoulder dress na abot hanggang tuhod. Ayos naman siguro ang suot ko, no?

Nasa labas pa rin ako ng simbahan , hindi makapagdesisyon kung papasok na ba ako o huwag nalang. Hindi ko alam ngunit para bang ang bigat sa pakiramdam at may kung anong pumipigil sa akin.

It's been 6 years, I think?

Time....really does fly. I was starting to hope that it would pass by a little slowly. Time really does fly  regardless of whether you hold on to it or have it pass by really quickly.

Nakabalik ako sa ulirat nang makarinig ng tunog ng sasakyan at hiyawan ng mga tao. Napalingon ako roon at tama nga ang hinala ko, narito na ang ikakasal.

"Aiana!"

Sinalubong agad ako ni Leasley, ang ikakasal. Malawak ang kaniyang ngiti nang makitang naroon nga ako, na para bang mas excited pa siya sa pagdating ko kaysa sa sarili niyang kasal. Inalalayan siya ng bride's maid para hindi niya maapakan ang mahabang wedding gown.

Noong una ay ayoko talagang pumunta dito ngunit hindi niya ako tinigilan sa pangungumbinsi. Ayoko rin namang maging masama ang loob niya sa akin dahil noong kasal ko ay siya ang pinakamaagang pumunta .

Ngumiti ako nang matamis at pinasadahan siya ng tingin. She's wearing a European style wedding dress with a bouquet of flower in her hand. It suits her very well.

"Ang ganda mo," komento ko.

Natatawa siyang umirap. " Huwag mo nga akong bolahin! "

Umiling ako at tumawa bago nagpasyang mauna na sa loob dahil magsisimula na ang seremonya.

Saktong pagkaupo ko sa pinakagilid ay nag-umpisa nang maglakad ang mga officiants, ring bearer, at kung ano -ano pa. Hindi ko na binigyang pansin ang mga iyon dahil ang pinakahihintay ko talagaay ang ikakasal. Panghuli ay pumasok na nga siya, ang pinakamagandang bride.

I'll pass her that title now.

Hindi maiwasang mag-init ang sulok ng aking mga mata habang pinapanood siyang naglalakad sa altar. Parang kahapon lang, magkasama kaming kumakain, natutulog, pupunta sa school at nagrereview tuwing may exam. Parang kailan lang noong sinabi niyang hindi siya mag-aasawa kahit kailan.

Napatawa ako sa aking isip. Mabilis talagang lumipas ang panahon.

Kasama na roon ang pagmamahal.

Sana lang.. sana lang ay manatili ang pagmamahal nila habang-buhay. Sana ay makayanan nilang harapin ang mga pagsubok. Sana ay hindi sila sumuko sa isa't isa. Sana lang ay hindi sila dumating sa puntong maiisipan nilang maghiwalay....katulad namin.

"We are gathered here in the presence of God, family, and friends to unite Leasley Ravea and Maximilian Gastrell in holy matrimony," panimula ng pari. Tahimik lang na nakikinig ang mga tao roon.

Happines and love were very visible on the bride and groom's eyes.

Marami pa siyang sinabi ngunit hindi ko iyon nasundan dahil todo iyak ako.

Allejo Series 2 | Will You Unmarry Me? Where stories live. Discover now