KABANATA 13

16.5K 273 135
                                    

Agad akong napatingin sa salamin pagkagising ko. Namumugto na ang aking mata sa kakaiyak kagabi. Bilib rin ako sa sarili ko. Hindi talaga nauubos ang aking luha.

Mabilis akong nagshower at agad lumabas dahil nagugutom na ako. Hindi ko namalayang alas dose na pala.

I just wore a simple floral dress and partnered it with a flat sandal.

Luminga-linga ako sa paligid na para bang may hinahanap. Nang mapansing wala siya ay pumasok na ako sa loob ng restaurant at umorder ng pagkain.

Napapikit ako sa sobrang sarap ng kinakain ko. Shrimps. Crabs.

Susubo na sana ulit ako ng pagkain ngunit napatigil sa ere ang kamay ko nang pumasok si Caspian na may kasamang babae.

Malawak ang kanilang ngiti habang nag-uusap. Umupo pa talaga sila malapit lang sa akin at hindi ko alam kung hindi ba ako nakita ni Caspian o sinadya niya lang na huwag akong pansinin.

Napasimangot tuloy ako at nawalan na ng ganang kumain. Mas lalo pa nang marinig ko ang mahinhing tawa ng babae na parang si Maria Clara!

Padabog kong inilapag ang kutsara ngunit agad ko ring pinagsisihan dahil nakuha ko ang atensiyon nilang dalawa.

Pinasadahan ako ng babae at nagngising aso.
Hindi ko alam kung bakit pero umirap lamang ako sa kaniya at lumabas na roon.

Inis kong binuksan ang pintuan ng room ko at hindi na ako nag-abalang isara iyon. Nagtungo ako sa aking kwarto at inilabas ang maleta upang mag-impake.

Kung hindi siya aalis, ako na lang ang aalis. Parang kahapon lang ay habol siya nang habol tapos ngayon ay may ibang babae na agad?

" Aalis ka na naman? " Napatigil ako nang marinig ang pamilyar na boses.

Lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses at tama nga ako. Hindi ko namalayang nakapasok na pala siya dito. Bakit kasi hindi ko isinarado ang pintuan?!

" Wala ka na dun, " masungit kong sagot at pinagpatuloy ang pag-iimpake.

" Bukas na tayo umalis " kalmado niyang saad.

I glared at him. " At sino bang nagsabi na sasama ako sa'yo? " Inis kong isinara ang maleta at tumayo. " Aalis na ako. "

Nakaharang siya sa pintuan kaya hindi ako makaalis. Nagsukatan lang kami ng titig . Nang mapansing wala akong balak bumitaw sa titigan ay ipinikit niya ang kaniyang mata at humugot ng malalim na hininga.

" Alis, " utos ko.

" Stay here just for one day " pakiusap niya.

" Alis, " pag-ulit ko.

Napahilamos siya sa kaniyang mukha. Marahil ay nawawalan na siya ng pasensya. But I don't care at all. Wala naman siyang karapatan na pigilan ako sa pag-alis ko.

" I'll come with you. "

Agad akong tumutol. " What?! No!"

Binalewala niya lamang ako.

" Let's go, " agad niyang hinila ang palapulsuhan ko at wala akong magawa dahil masyado siyang malakas. Sinubukan kong kumawala ngunit nasasayang lang ang pagod ko.

" Ano ba?! " I hissed. Pinipilit niya kasi akong pumasok sa sasakyan niya .

" Get in, " he commanded.

Sino ba siya para utusan ako? Wala kami sa trabaho kaya hindi ko siya boss!

Nakabukas na ang pintuan ngunit hindi pa rin ako pumapasok. I will never be in the same car with him again!

Allejo Series 2 | Will You Unmarry Me? Where stories live. Discover now