KABANATA 11

18.1K 342 74
                                    

Author's note: Hi, hindi ko isusulat lahat dito. What you're about to read is not everything. May mga untold stories pa rin and mababasa niyo iyon sa huli, Caspian's Pov.

                               KABANATA 11

Habang lumilipas ang minuto, mas lalo akong kinakabahan. Paano ko sila sasalubungin? Masisiyahan kaya silang makita ako?

" We're here. " Nakabalik ako sa ulirat nang magsalita si Caspian.

Lumabas kami sa sasakyan at tinanaw ko ang isang modernong bahay. Simple lamang ito ngunit maganda sa paningin.

Naunang pumasok si Caspian habang nakasunod lang ako sa kaniya. Pinagpapawisan na ang kamay ko dahil sa sobrang kaba. Halos hindi ko na nga maigalaw ang mga paa ko.

Natigilan ako nang maaninag ko ang dalawang matandang papalapit.

" Aiana! " the woman shouted.

Walang animong gulat sa mukha niya. Tila ba inaasahan niya ang pagpunta ko dito.

Gayunpaman, sinalubong ko sila ng isang mahigpit na yakap. Walang nagbago sa kanila. Maganda at gwapo pa rin sina mama at papa.

Hindi ko namalayang tumutulo na ang luha ko . I felt home. Walang makakatumbas sa pagmamahal ng mga magulang. Hindi ko man sila tunay na magulang ngunit ipinaramdam nila sa akin ang sobra sobrang pagmamahal.

" Noong nakaraang linggo ay sinabi na sa akin ni Dr. Gray na babalik ka dito sa Maynila, " pahayag ni mama.

Nakaupo kaming lahat sa hapagkainan habang pinagsasaluhan ang pagkain. Magkatabi kami ni Caspian habang kaharap namin sina mama at papa.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

" Siya ang nagpapaalam sa amin tungkol sa iyo. Even to Caspian, " dugtong niya.

" Ma," Caspian warned her.

Lumingon ako sa kaniya sa nagtatanong na mukha. Tipid niya lang akong nginitian.

Seriously, I'm getting curious now.

Hindi ko alam kung paranoid ba ako pero pakiramdam ko na may itinatago sila sa akin na hindi ko dapat malaman. And I'm sure Gray knows about it.

Dapat ko talagang tanungin siya ulit pagkauwi ko mamaya.

Nagpatuloy kami sa pagkain habang nagkuwekuwentuhan. Samantang tahimik lang si Caspian sa hindi ko malamang dahilan.

After that meal, we decided to go home. I promised mama and papa that I would visit them again . They agreed and embraced me again before we left.

Tahimik sa buong byahe. Gabi na kaya hindi masyadong maingay. So , I decided to break the silence.

" Bakit ginagamit mo pa itong sasakyan? " I asked in a most polite way.

He shrugged his shoulders. " Just because. "

I just nodded. Wala naman na akong ibang maisip na pwedeng pag-usapan namin. Besides, it would be awkward for us to talk causally.

Inihinto niya ang sasakyan sa bahay ni Gray. Wala na akong sinayang pa at binuksan ang pintuan dahil gusto ko ng magpahinga.

I was about to close the door when he spoke.

" Take care. "

I simply nodded though my heart was already hammering .

Bukas pa ang ilaw nang makapasok ako kaya siguradong gising pa si Gray. Great timing.

Natagpuan ko siya sa sofa . Nakasandal siya roon habang ang atensiyon ay nasa tv. Saka lang siya lumingon nang tumikhim ako.

Allejo Series 2 | Will You Unmarry Me? Where stories live. Discover now