KABANATA 3

12.8K 350 110
                                    

                                 KABANATA 3

Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Hindi ko alam kung paano kami humantong sa ganito. Hindi niya sinabi kung anong rason. Bigla na lamang siyang nanlamig.

Six years of marriage and one day, he said he fell out of love.

Pwede pala yun? Kasi sa akin, hindi ko kailanman naisip na hahantong kami sa ganito. Hindi kailanman nabawasan kahit kaititing ang pagmamahal ko sa kaniya.

I tried. I really tried to stick with it. I planned to grow old with this man and possibly die in his arms.

Somewhere we went wrong. We were once so strong.

Tahimik kami buong byahe pauwi. Tulog na tulog si Aia sa likod . Walang salitang namutawi sa aming dalawa.

Nakasandal lang ako sa upuan habang nakatitig sa labas. Hindi pa rin ako nasasanay sa katahimikang bumabalot sa amin.

Tahimik. Masyadong tahimik. Nabibingi ako sa katahimikan.

Ang lapit lapit niya sa akin pero hindi ko siya ramdam.
Kasama ko siya pero pakiramdam ko ,ang layo-layo niya sa akin. Hindi ko na siya maabot.

Lumingon ako sa asawa kong tahimik na nagmamaneho , diretso lang ang tingin sa kalsada.

Gusto kong magalit sa kaniya at sigawan siya. Gusto kong sabihin lahat ng hinanakit ko at kung paano niya ako sinaktan ng sobra. Ngunit kahit anong gawin ko, hindi ko magawang magalit. Mahal na mahal ko siya sa puntong hindi ako nagagalit kahit sinasaktan niya ako.

Nagsimula ng manubig ang mga mata ko.

" Love, bakit hindi mo na ako mahal? " I asked him using our endearment. Halos pabulong na ang pagkakabigkas ko.

Bakit hindi mo na ako mahal? Ano ba ang nagawa ko at hindi ko nagawa? Bakit mo ako pinangakuan ng habang buhay kung sasaktan mo rin naman ako?

There were so many questions I want to asked him but I fought the urge to ask.

Nakita ko kung paano siya natigilan, ngunit nanatili pa namang maayos ang pagmamaneho niya.

He stilled. Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatingin sa harapan.

" Love, what happened to us? " my voice cracked.

What happened to us? I kept asking that question. What went wrong? What happened to us? What happened to the nights we shared and the smiles we exchanged? What happened to the vows?

" I'm sorry. " Was all he said. He didn't even bother to look at me.

Mapakla akong tumawa at tumango. Hindi na ako muling nagsalita. Bahagyang nakaramdam ako ng kahihiyan sa pinagsasabi. I felt pathetic.

Caspian really has his ways to make me feel pathetic.

Nang makarating kami sa bahay ay tahimik kaming pumasok sa loob. Buhat buhat ni Caspian ang kaniyang anak na hanggang ngayon ay tulog pa rin.

Inihiga niya ito sa kama at kinumutan. Gabi na ng makauwi kami kaya bukas nalang namin siya dadalhin pabalik sa ospital.

Pumasok muna ako sa banyo upang maligo at pagbalik ko ay nadatnan ko ang mag-amang nakahiga sa malaking kama.

Gising na si Aia at malawak ang kaniyang ngiti habang nagkuwekuwento sa kaniyang ama. Nang mapansing naroon ako ay lumingon sa akin ang anak ko.

" Mommy! "

I smiled at her. Lumapit na rin ako sa kanila.

Lumingon ako kay Caspian na kanina pa pala nakatingin sa akin. Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin. Nakakapagtaka at dito siya matutulog sa kama.

Allejo Series 2 | Will You Unmarry Me? Where stories live. Discover now