KABANATA 14

17.8K 316 284
                                    

Dead on arrival.

How could this happen? Parang kahapon lang, kasama ko pa siya. How could he leave me like this?

God, aren't we really meant for each other? Kinuha mo na nga ang anak ko, pati ba naman ang asawa k:? Ano na ang matitira sa akin? Paano na ako muling aahon? Paano ko na ipagpapatuloy ang buhay ko. Nawalan na itop ng saysay kaya paano?

He was everything..my life. But the Almighty took him away.

Nanatili lang akong naktulala habang nakduwang sa labas ng bintana ng ospital. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Mababaliw na ako.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Hindi na ako nag-abalang lingunin iyon dahil paniguradong nurse iyon o kaya'y ang doctor. Hindi pa nakatulong ang pagbabawal nila sa akin na lumabas hangga't hindi pa bumubuti ang kondisyon ko.

" Aia.." Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ang isang pamilyar na boses.

Nang lingunin ko kung sino iyon ay hindi na ako nagdalawang isip at agad siyang niyakap.

" Gray, w-wala na ang asawa ko..." I sobbed.

Hinaplos niya ang likod ko ngunit hindi iyon nakatulong upang mabawasan ang pighating nararamdan ko.

Humiwalay ako mula sa pagkakayakap sa kaniya.
" P-please..dalhin mo ako sa kaniya.." pagmamakaawa ko.

Nang tumango siya ay nauna na akong maglakad palabas. Wala akong pakialam kung hindi ako pahintulutan ng mga nnurse na lumabas. Masisiraan na ako ng bait kung patuloy akong magkukulong sa kwartong iyon habang iniisip na wala na ang asawa ko.

Napakapit ako sa sariling damit habang nakatayo sa labas ng dating bahay namin. Sabi ni Gray ay dito siya dinala ng mga magulang niya.

Pag-apak namin sa loob ay masyadong tahimik. Walang masyadong tao . Tanging ang dalawang matanda ang naroon na tiyak ang magulang niya at naroon rin sina mama at papa. They were silent. No one was crying.

Namataan ko ang kabaong ng asawa ko . The silence was broke by my cries.

Agad akong tumakbo patungo sa kabaong niya at humagulgol. Hindi ko binigyang pansin ang mga tao.
Dumungaw ako sa kabaong niya at namataan ko ang maamo niyang mukha na para bang natutulog nang mahimbing.

" L-love, anong ginagawa mo diyan.. " nahihirapan na akong magsalita.

" Gumising ka na riyan. Akala ko ba babawi ka pa sa akin. " I cried harder.

" Huwag mo naman akong iwan.. Hindi ka pa nakakabawi sa kasalanan mo sa'kin. " I sobbed.

" Sige ka, pag 'di ka pa bumangon diyan' magtatampo ako sa'yo.. "

Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang pananakit na halos hindi na ako makahinga.

Naramdaman kong may yumakap sa akin. It was mama. And I just cried harder.

" Mama gisingin niyo na po ang anak niyo.. Marami pa kaming dapat gawin eh.. Marami pa akong hindi nasasabi sa kaniya," pangungumbinsi ko sa kaniya kahit alam kong imposibleng mangyari iyon.

" Anak.. magpahinga ka muna, hm? " pangungumbinsi niya.

Dahil sa sobrang panghihina ay tahimik lamang akong tumango. Bago ako umakyat sa hagdan ay muli ako lumingon sa mga tunay na magulang ni Caspian. They smiled weakly at me. And just like me, they we're also broken.

Mag-isa akong pumasok sa kwarto namin noon ni Caspian.

Bahagya akong nagulat nang matagpuan ito sa dating ayos. It was like this 2 years ago. Nandoon pa rin ang mga litrato naminng tatlo. All the pictures and memories were there.. but they were gone.

Allejo Series 2 | Will You Unmarry Me? Where stories live. Discover now