KABANATA 12

17.7K 306 136
                                    

Wala na akong sinayang na oras. I texted Gray and told him that I found out everything. I asked him to help me find Trisha.

Wala pang isang oras ay nahanap na niya ang babae. Sinundo niya ako sa ospital at inihatid papunta sa kulungan. Hindi ko man lang kinausap si Gray. I am so mad at him. I understand his reason but mere udnerstanding doesn't chase the pain away.

Pinagsiklop ko ang aking daliri habang naghihintay kay Trisha. Nangangati na ang kamay ko.

Natigilan ako sa pag-iisip nang lumabas ang isang babaeng naka orange uniform. Pansin kong medyo pumayat ang kaniyang katawan. Ibang-iba na siya sa dating Trishang nakilala ko noon.

Ako na ang lumapit sa kaniya at sinalubong siya ng isang malakas na sampal. Hindi pa ako nakuntento, sinampal ko pa ulit siya.

Napahawak siya sa kaniyang pisngi at sinamaan ako ng tingin. How dare her glare at me? !

Nanginginig ang aking kamay . Pakiramdam ko ay kulang pa ang sampal sa lahat ng sakit na dinanas ko.

" H-how could you kill my child?! " my voice cracked.

Her expression softened. " Nagmahal lang ako. "

I bitterly laughed at her foolish reason.

" Nagmahal? Sa tingin mo ba , pagmamahal ang tawag roon? Ang maging makasarili? No, it's not love, Trisha. It's obsession. "

Nag-unahang tumulo ang kaniyang mga luha.

" Eh anong magagawa ko?! He didn't want to leave you! And I hate it! Ako ang una niyang minahal! Kaya noong sinabi niyang hindi ka niya iiwan para lang sa akin, nasaktan ako! Nasaktan rin ako!" she shouted.

I shook my head. " Sisirain mo ang isang pamilya para lang sa sinasabi mong pagmamahal? " I bitterly asked. " I never tought you would stoop that low . "

Hindi na ako nagsayang ng oras at umalis na ako roon. Baka hindi ako makapagtimpi at mapatay ko pa siya.

Padabog kong isinarado ang pintuan pagkapasok ko sa sasakyan ni Gray. Walang namutawing salita sa aming dalawa. Tahimik niyang pinaandar ang sasakyan pauwi sa bahay niya.

" I want to go back,  " I said while we were eating.

Napatigil siya sa pagsubo nang marinig ang sinabi ko.

" Where? "

" Cavite, " tipid kong sagot.

He sighed. " Are you sure? "

I nodded without saying anything. Hindi ko rin alam kung bakit ba ako babalik pa doon. I just want to spend some time alone.

Or maybe, a vacation.

" Uhm.. " Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Gray o hindi.

" What? " mahinahon niyang tanong.

" Sa Palawan nalang pala ko pupunta. Gusto ko lang magbakasyon. Kahit ilang araw lang.. "

He smiled. " Sure. Ako na ang bahala. "

" Thank you. " Hindi ko alam kung paano ko ba masusuklian ang kabaitan niya. He's very kind to me despite my behaviour for the past days.

                                        * * *
[ Ano? Nakarating ka na? ]

" Kararating ko lang, " sagot ko kay Gray. Muli kong pinasadahan ang isla. Sobrang ganda.

Ibinaba ko ang tawag at nagpasyang magbook muna ng room. Pagkatapos mag-ayos ay nagsuot ako ng bikini at floral dress.

Lumabas ako mula sa hotel at naglakad patungo sa isla. Maraming tao ang naroon. Karamihan rin ay foreigners.

Allejo Series 2 | Will You Unmarry Me? Where stories live. Discover now