KABANATA 5

14K 329 104
                                    

It's amazing how someone can break your heart and you can still love them with all the little pieces.

Mahal na mahal ko siya. Na kahit paulit-ulit niya akong saktan, sa kabila ng lahat, mamahalin ko pa rin siya. Kulang pa ang mga salita para masabi kung gaano ko siya kamahal.

I love him to the point that it hurts so much.

It's not like I can ask him to fall in love with me again.

I wanted to punch him and understand him at the same time.Gusto kong intindihin siya ngunit hindi ko mahanap-hanap ang dahilan kung paano. Paano kami humantong sa ganito? Saan ba ako nagkulang? Hindi ba ako naging sapat? Do I not satisfy his needs?

Noong una kong napansin ang panlalamig niya, inakala kong normal lang iyon sa isang relasyon. I tought it's part of a marriage.

Pero hindi.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nagbakasakali.

Baka sakaling mayroon pang ibang paraan para makita niya ulit ako. Baka sakaling mayroon pang natitirang dahilan para piliin niya ulit ako.

Baka pwede ko pa siyang maidaan sa pagluto ng sinigang at adobo. Baka sakali, maging maayos pa ang lahat.

Baka sakali, maging matimbang pa rin ang pagmamahal.Baka pwede pa naming subukan ulit.

Ngunit ang mga baka sakali ay nauwi lang sa pag-iyak at pighati. Paunti-unti siyang nawala sa akin.

Akala ko , napagod lang siya sa ibang mga bagay , pero ako na pala ang kinapaguran niya.

Tinalikuran niya ang lahat sa aming dalawa habang mas pinili ko siyang unawain kahit ang sakit sakit na.

" I'm sorry. " He answered.

There goes his sorry again. All he could say was a simple sorry. But that simple sorry wasn't enough to take all my pain away. It wasn't enough. And it will never be.

No one could heal my wounds. Not even time.

Everyone keeps telling me that time heals all wounds, but no one can tell me what I'm supposed to do right now. I know all about time and wounds healing, but even if I had all the time in the world, I still don't know what to do with all this hurt right now.

After Caspian said those words, he finally doze off to sleep.

Dahan-dahan kong pinalitan ang damit niya at tinanggal ang kaniyang sapatos na suot niya pa pala hanggang ngayon.

Pinagmasdan ko ang kaniyang maamong mukha at marahang hinaplos ang kaniyang pisngi. Ang gwapo ng asawa ko.

Pagkatapos kong palitan ang aking damit ay nagtungo ako sa kama.

Kahit ngayon lang. Kahit isang beses lang ay gusto kong makasama sa pagtulog ang asawa ko.

Dahan-dahan akong humiga ako sa tabi niya. Niyakap ko siya at dinama ang init ng kaniyang katawan .

Kailan ba noong huli ko siyang nahawakan?

Hindi ko namalayan na dinalaw na pala ako ng antok.

KINABUKASAN, nagising ako nang makarinig nang kaluskos.

Pagkabukas ko ng mata ko ay katawan ni Caspian ang bumungad sa akin. Half of his body was only covered with towel, revealing his manly chest.

I shamelessy scanned his body , not minding if he's there.

Bigla akong bumangon mula sa pagkakahiga nang may maalala.

Baka nandito na sina mama!

Dali-dali akong tumakbo sa banyo at nagmumog. Pagkatapos ay hindi na ako nag-abalang mag-ayos. Halos takbuhin ko na ang hagdan papunta sa sala.

Allejo Series 2 | Will You Unmarry Me? Where stories live. Discover now