KABANATA 4

12.5K 353 168
                                    

Muntik ko nang mabitawan ang basong hawak ko nang marinig ang sinabi niya. Agad lumingon sa akin si Gray at pansin kong nag-aalala siya.

Mukhang napansin rin ng lalake kanina na may mali kaya nagpaalam na siya at umalis.

" Are you okay? " Gray asked.

" Yes. " I lied. " I'm okay. " Parang kinukumbinsi ko lang ang sarili kong ayos ako.

He nodded but I can see how he's not convinced with my answer. Still, he smiled.

I took a deep breathe and forced a smile . "Let's dance " anyaya ko.

Mukhang nagulat pa nga siya ngunit wala na siyang nagawa nang hilahin ko siya papunta sa dance floor. Hindi ako lumingon sa paligid, diretso lang ang tingin ko sa harapan. Ayokong makita ang asawa kong may ibang kasamang babae. I want to remember him as a good and loving husband.

We danced there like there's no tomorrow. Tawa kami nang tawa dahil nagmukha na kaming tanga at mali mali ang steps namin. Kahit paano ay nakalimutan ko ang gumugulo sa isipan ko.

I was enjoying it when I noticed that Gray keeps on blocking my sight at his back. Para bang may tinatakpan siya roon na ayaw niyang makita ko.

I was curious so I tilted my head to fill my curiousity.

" Sa tingin mo ba makakamove-on ka sa kaniya? "

Biglaan siyang nagtanong na nakakuha ng atensyon ko. Nawala na sa isipan ko ang itinatago niya kanina.

Sa tanong niya, alam ko na agad kung sino ang tinutukoy niya.

I smiled. " I don't know, " pasigaw kong sagot dahil malakas ang musika.

Kahit ako, hindi ko rin alam kung magagawa ko ba siyang kalimutan. Para bang hindi ko na kayang magmahal ulit ng iba bukod sa kaniya.

Hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung kaya ko ba.

Noong nawala siya akin, para bang inagawan ako ng karapatan na makaramdam ng pagmamahal at pagtitiwala.

Nagpatuloy kami sa pagsasayaw. Medyo humina na ang musika kaya mas malinaw na kung ano ang sasabihin niya.

" One day, if you move on from him... " he said. A big smile was plastered on his lips. "I think I'll be able to move on as well."

Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya kaya ngumiti na lamang ako. I hope we'll be able to move on. I really do.

Nang tumigil siya sa pagsasayaw ay kinuha ko na iyong pagkakataon at tumingin ako sa likod niya. At doon ko nakita kung sino ang tinatakpan niya.

Napansin iyon ni Gray kaya iniharang niya ang kaniyang katawan ngunit huli na dahil nakita ko na ang hindi ko dapat nakita.

My husband was sitting in the couch, his hands were on a woman's nape and kissing her roughly.

Napansin niya ako kaya dumapo ang tingin niya sa akin habang may kahalikan siyang iba.

Hindi siya nakuntento, he kissed her more roughly and I saw how his hands carresed the woman's thighs.

Hindi nagsink in sa akin ang nakita ko. Nanatili lang akong nakatayo sa gitna ng mga nagsasayawang tao. Para bang tumigil ang mundo ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Alam ko ng may ibang babae siya ngunit ang makitang may kahalikan siyang iba ay mas masakit pa pala.

Sobrang sakit isipan na kung paanong ayaw na ayaw niya akong nasasaktan noon ay siya naman ang nanakit sa akin ngayon.

Nag-unahang tumulo na ang mga luha ko habang papaalis ako sa dancefloor. Dumeretso ako sa labas at umupo roon. Tinakpan ko ang aking mukha kasabay ng pag-agos ng mga luha ko.

Allejo Series 2 | Will You Unmarry Me? Where stories live. Discover now