KABANATA 1

15.9K 383 164
                                    

                                 KABANATA 1

Umakyat na ako patungo sa kwarto upang maligo. Hindi ko na siya binigyang pansin dahil magmumukha lang akong tanga. Kapag kinakausap ko kasi siya ay hindi siya masyadong nagsasalita. Masyado niyang tinitipid ang kaniyang mga salita na para bang hindi ako karapat-dapat pag-aksayahan ng oras.

Pagkatapos maligo ay hindi muna ako lumabas. Humarap ako sa malaking salamin at tinitigan ang kabuoan ko. My long black hair flowed beautifully down to my waist.

A lot of people complimented me because of my face and body. But everytime that I looked myself in the mirror , why do I only see a worthless and weak woman?

Lumabas ako nang nakatapis lamang. Natagpuan ko si Caspian na nakaupo sa kama habang nakatingin sa kaniyang cellphone.

Hindi man lang siya nag-angat ng tingin kahit napansin niya ang presensiya ko.

Pumasok na ako roon sa walk-in close. I just wore a simple pair of pajama .

Lumabas ako roon at umupo muna, nakaharap sa vanity mirror. I blowered my hair and gently combed it. Tapos na ako sa ginagawa ko ngunit nanatili pa ring nakatingin si Caspian sa kaniyang cellphone.

I sighed. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kama para matulog na. Pero bago pa man ako makahiga ay tumayo na si Caspian. Bitbit niya ang isang unan at kumot patungo sa sofa.

Pinanood ko siya hanggang sa mahiga siya roon .

Is he comfortable sleeping on that sofa? O baka naman tinitiis niya dahil ayaw niya lang akong makasama sa iisang kama?

Bumuntong hininga nalang ako at ipinikit ang aking mga mata. Bahala na kung anong mangyayari kinabukasan at sa susunod na araw. Hindi ko na alam.

GUMISING ako nang walang dahilan sa hatinggabi.

Nakaramdam ako ng uhaw kaya dahan- dahan akong bumangon at nagtungo sa table malapit lang sa sofang hinihigaan ng lalake.

Sinubukan kong hindi makagawa ng ingay ngunit muntik na akong mapatalon sa gulat nang makitang gising pa rin siya.

Hawak hawak niya pa rin ang kaniyang cell phone at titig na titig siya roon. His mistress, maybe.

Sandali lang niya akong pinasadahan ng tingin at ibinalik agad ang atensyon sa cellphone.

Ipinagsawalang bahala ko ang kirot na nararamdaman at dahan-dahang nagsalin ng tubig sa baso.

Tahimik. Masyadong tahimik. Para bang hindi na kami magkilala at isang estranghero sa isa't isa.

Pagkatapos uminom ay tumalikod na ako upang bumalik sa kama. Ngunit nakakailang hakbang pa ako ay bigla siyang nagsalita.

" Aiana.." he called my name using his cold baritone voice.

Napalingon ako sa kaniya, naghihintay kung ano ang sasabihin niya.

Napalabi siya , tila nag-iisip kung magsasalita ba siya o hindi. Sa huli ay nagsalita siya.

" C-can you sign the divorce papers early? " he asked.

My heart was being stabbed repeatedly by what he requested. Kumuyom ang kamao ko, pinipigilang hindi umiyak. Huwag kang iiyak! At least, not in front of him!

Humugot ako ng malalim na hininga. " Bigyan mo muna ako ng kaunting panahon lang, Caspian. Kahit iyon lang, kaya mong maibigay. " Pakiusap ko, bahagyang nabasag ang boses ko.

Nagmumukha na akong desperada sa paningin niya.

Tumango lang siya at bumuntong hininga na para bang ang laki-laki ng hinihiling ko sa kaniya.

Allejo Series 2 | Will You Unmarry Me? Where stories live. Discover now