One

81 3 2
                                    

-One-

"Eli, Eli!!" Sigaw ni Aling Martha sa aking pintuan. Sunod sunod ang pagkatok na ginagawa nito tulad ng dati. No chill talaga sa pagkatok ang matanda at halatang di titigil hanggat di ako nakakausap.

Mula sa masarap na pagtulog ay napadilat ako sa gulat sa boses nito.
Ngunit kahit ganoon pa man ay hindi ako nag-aalala dahil alam ko na kahit maingay na tao si Aling Martha ay may mabuting puso ito sa mga katulad ko.

Nagising ang diwa ko ng napatingin ako sa aking cellphone at tiningnan ang oras.

7:38 AM

7:38AM na!!! My gulay! Hay Eli, naku naman! 1st day mo as newly promoted Branch manager sa FTBank tapos mali-late ka pa! Bat kasi naimbento pa yang snooze na yan! Ganun din naman ang ending! Di pa rin nakaka-gising.

Dali dali akong bumangon upang kausapin si Aling Martha. Baka lalong mainis ito pag hindi ako humarap dito.
Kasalanan ko din naman talaga kung bakit palaging inis ito, ayun ay dahil matagal na akong di nakakapag-update ng renta sa aking inuupahan na unit.

Kahit goodpaying job ang trabaho ko ay medyo gipit pa din ako sa araw araw gawa sa pagbabayad ng utang ng aking namayapang magulang. Gustuhin ko man na wag na itong bayaran ay hindi kaya ng puso ko. Ayun ay dahil sa kagustuhan kong mabawi ang kaisa-isa nilang alaala sa akin. Pag-iipunan ko ito ng husto upang makuha ko lang ito muli.

Ay may kumakatok nga pala.

Pagdating ko sa pinto ay inayos ko ang aking buhok, ngunit pinatili ko ang maputla kong labi, di talaga ako naggarggle para maputlang tingnan. Medyo kinusot ko din ang aking mata para maging mapula ito at mamasa masa pa, at kinurot ko ang pisngi ko para maging rosy cheeks, este para mag-init pala ito.

Game On Eli!  Sabi ko sa sarili ko at binuksan ang pintuan.

"A-aling Martha. Magandang umaga po" sabi ko ng may matamlay na boses.

Mula sa inis na itsura nito ay nagbago ang reaksyon ng mukha nito ng makita ang itsura ko.

"Ok ka lang ba Eli?" Nag-aalalang tanong nito.

Tumingin naman ako dito, at ipinakita kung gaano katamlay ang itsura ko.
Patawarin sana ako ng Diyos sa drama kong ito, promise talaga babawi ako sa mga buwan na darating.

"Ayos lang po ako Aling Martha, pasensya na po at di ko agad nabuksan ang pinto. Tungkol naman po sa renta, pangako po sa akinse ay magbabayad po ako sa 4 na buwan ko pong kulang. Pangako po talaga, walang halong biro. Peksman po, napromote na po ako sa buwan na ito kaya may maibabayad na po ako" sabi ko dito ng nakangiti.

Nakita ko ang pagbuntong hininga nito.

"Hay bata ka. Baka naman inaabuso mo yang katawan mo sa kakatrabaho. Di bale kakausapin ko ang anak ko tungkol sa renta mo. Hindi ko alam kung hanggang saan kita maipagtatanggol iha, alam mo naman din na dito lang din kumukuha ng kabuhayan ang mga anak ko. Basta sa akinse Eli, panghahawakan ko yang pangako mo. Pero bago ang lahat mag-pahinga ka muna. Sya sige mauna na ako, maniningil pa ako sa ibang unit" paalam ni Aling Martha.

I sighed big time because my conscience are eating me. Babawi talaga ako sa pamilya ni Aling Martha.
Kaya nga kahit magalit sila sa akin ay hindi ko minamasama dahil kabuhayan nila ito. Hindi naman ito kawang gawa, kaya nga di ko maintindihan yung ibang tenants dito kung bakit nila tinitira patalikod ang may-ari pag sinisingil sila.
Like Hello??? Ok lang kayo? Kayo pa may ganang magalit pag hindi nakabayad? Oh well.

Ay shet! late na nga pala ako!!!

----

"Good morning maam" bati ng guard sa akin pagpasok. Binigyan ko lang ito ng ngiti at hindi na kinausap gawa sa pagmamadali.

Bound To Marry Youحيث تعيش القصص. اكتشف الآن