Three

63 2 0
                                    

-Three-

"Gising na sis! Male-late kana. Buzz buzz buzz" sabi ni Trish sa kabilang linya.

Sya talaga ang ginagawa kong alarm clock these days.

"Snooze 10 minutes" inaantok na sagot ko dito at bumalik sa pagkakadapa sa aking kama at isinubsob ang mukha ko sa aking unan.

Then my phone rang again. "Hmmm?"

"Buzz buzz buzz! inaantok na ko sis, gumising ka na! 9:00 am na! At kauuwi ko lang, kailangan ko din ng beauty rest. Byeee!" Sabi nito at binaba ang tawag.

9:00Am shet!!!

I looked at the time and it's 6:30am in the morning. Umiling nalang ako dahil effective talaga ang way ng paggising nya sa akin.

Then a new message came.

Aaaagent Z
May your day be as good as wonderful as your smile. 😊
Good Morning! ☕️

Di ko napigilan ang pag-ngiti sa nabasa ko.
May pa ganern?

Then I typed,
Good Morning!! 🥰🥰

Ay! Bat ganito ang emoji ko? Erase erase erase. Wag na nga lang!

-------

Ng papalabas ako sa unit ko ay sumalubong sa akin ang tatlong kalalakihan sa tapat ng aking pintuan.

Agad akong napalunok ng makita ang mga ito at bumalot ang kaba sa aking buong katawan. Bat ang aga naman nilang pumunta dito.

"Magandang umaga. Bakit po kayo napadaan? Wala pang akinse mga sir, kababayad ko lang po last week sa inyo." malumanay na sabi ko sa mga ito.

Sila ang mga tauhan ng pinagkakautangan ng pamilya ko. They usually come here to get my payment of 60k per month. At kung nagtataka kayo bakit malaki masyado ang binabayaran ko, ayun ay dahil lumobo na ang utang namin dahil sa interest at bukod sa naipundar ng magulang ko na hawak nila, sa kanila din kami humiram ng pera para sa gamutan at operasyon ng mommy ko.

"May bagong patakaran si bossing, every week na ang singil sa mga utang nyo. Pero para sayo daw ay babaan ni boss ang singil. 25k per week nalang ang kanyang kundisyon." Sabi ng isang lalaki na nakasuot ng black longsleeves.

Lang? 25k Weekly? Saan naman ako hahagilap ng ganoong kalaking pera kada linggo.

"Magsisimula ang kabayaran sa susunod na linggo, pag hindi ka tumupad sa kasunduan ay tataas ang interest o mawawala na ng tuluyan ang naipinundar ng pamilya mo." Sabi ng isa at umalis.

Habang naglalakad ako papuntang opisina ay tila lutang ako sa dami ng iniisip.

Saan ako hahanap ng pera pambayad? Malaki-laki na rin ang utang ko sa mga kaibigan ko. Hindi naman din sila nanganganak ng pera para hiraman palagi ng pera. Hindi ko na alam saan ako makakakuha ng ipangbabayad sa mga pinagkaka-utangan ko.

Pagpasok ko ng building ay binati ako ng mga gwardya at ibang mababait na empleyado. Kahit problemado ako ay sinuklian ko ang pagbati nila ng isang matamis na ngiti.

Then I received a new message, it came from Gregory Fortich at pinapupunta ako sa kanyang opisina.

Sa totoo lang ay ayokong pumunta doon, dahil baka abutan ako ng asawa nito at awayin na naman ako at pagbintangan. Kahit hindi pa kami nagkakaharap sa personal ng asawa nito ay hindi balakid yun upang iparating sa akin ang galit nito. She sometimes use the number of her husband, Gregory, then she will call me and gave me several names. She despised me, loathed me. At wala syang gustong gawin kundi insultuhin ang buong pagkatao ko.

Bound To Marry YouWhere stories live. Discover now