Nine

60 2 0
                                    

- Nine -

It's been 2 weeks after that night at hindi pa rin  nawawala sa isipan ko ang lahat ng nangyari sa resort.

Kamusta na kaya sya?

Matapos nya akong iwan that night ay may lumapit sa aking mga staff ng resort at inescort ako papuntang villa at sinabing ihahatid nila ako kinabukasan ng umaga.

I asked them about Z ngunit nagkatinginan lang sila at walang maisagot sa tanong ko.
I tried to call him hanggang sa umuwi ako ngunit out of reach ang linya nito.

Kinaumagahan ay inihatid ako ng service ng Isla Kahel sa building kung nasaan ang penthouse ni Z na lalong ikinagulat ko.

Unang una, bakit alam nila ang address dito? Pangalawa, dapat ba na dito pa rin ako tumira? Naguguluhan na talaga ako guys.

Dapat siguro na umalis ako, tama naman diba?

Gusto ko sana na bago ako umalis dito ay makausap ko muna sya ng personal. Para sana magpasalamat at humingi ng tawad. But unfortunately, hindi nagtatagpo ang landas namin sa FTF building, ni hindi ko macontact ang number nya, at hindi na sya nagpupunta pa dito.

Haay, para kaming magjowa na galing sa breakup.

Pero bakit masakit sa dibdib? Bakit may mga gabing umiiyak ako? Bakit may mga pagkakataon na gustong gusto ko sya makita? Bakit hinahanap ko ang pangungulit at mga biro nya.
Tulad ngayon. Bakit may kulang na sa araw ko?

--

Pagka pasok ko sa opisina ay nadatnan ko sina Thea, Vivian, Rita at iba pa naming katrabaho na magkakasama at nagkakasiyahan. Ang aga nila ngayon infairness.

"Ang aga nyo naman? Anong meron?" Tanong ko sa mga ito at umupo sa lamesa nila.

"Hala sya! Di mo na ba maalala na ngayon ang turnover ng FTBank sa bagong mamahala nito?" Sagot ni Thea.

"Hmm, actually natatandaan ko naman yang sinasabi niyo guys. Pero anong konek bakit maaga kayo?" Sagot ko sa mga ito na ikinatawa nila.

Weird naman nila, anong nakakatawa sa tanong ko?
Hindi ba dapat kabahan sila? Bakit excited pa ata ang mga ito.

"Haaay girl! isa sa Fortich twins ang bagong mamahala ng FTBank. Meaning pogi yun at mas bagets. Wala namang problema kay Sir Gregory kasi mabait naman talaga at gwapo din. Pero mas exciting talaga pag yung anak ang makikita natin sa araw araw diba? Balita ko sobrang gwapo daw nun!" Sabi naman ni Vivian.

Tumatango nalang ako sa mga sinasabi nila.
Oo nalang guys...support ko nalang kayo.

"Mukha daw anghel yung mga boys ng angkan nila! Yun ang pagkakaalam ko. Nakita na daw kasi nila dati yung twins sa executive floor at kung gwapo daw ang tatay, mas gwapo pa daw yung mga anak!" Excited na sabi ni Rita.

"Bakit? nakakita na ba sila ng Anghel?" Biro ko sa mga ito na ikinatawa ng iba.

"Girl, pag may nakita kang tao at naitanong mo sa sarili mo kung nasa langit na ba ako? Yun na yun! Mukhang angel yun for sure!" Sagot ni Rita bagay na ikinatawa namin.

"Baka pag totoo yan ay matuto akong magdasal at lumuhod lol!" Hirit ng isang babae sa tabi nila Vivian. Si Ylona, bago lang ito at last week lang namin nakasama. Pero kahit bago lang ito ay madali namin ito naka close. Sobrang ingay kasi ng bruhilda.

Nagkatinginan naman kami lahat isa isa sa hirit nito at sabay na naningkit. Lalo naman itong naging bulgar bagay na lalo pa namin ikinatawa.

Habang nagkakasiyahan kami ay may dumating na isang lalaki na halos kaedaran namin.

Bound To Marry Youजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें