Thirteen

46 3 2
                                    

Thirteen
.
.
.
"Ang aga mo na naman Eli! Anong meron ba at biglang naging early bird ka? Ay teka, Bakit parang masama ata ang timpla mo ngayon?" Tanong ng kadarating lang na si Rita sa akin.

Paano ako di maagang pumasok, eh kailangan ko pang sumabay sa asawa kong hilaw na may meeting daw ng 7AM.

We argued this morning about our setup. At sa totoo lang ay ok lang naman sa akin kung sasabay nalang ako sa kanya, kasi tipid yun!. Kaya lang sinabi nya lang naman ito ng katatapos ko lang magluto ng breakfast! At ayoko sa lahat ay minamadali akong maligo!. Badtrip talaga ako guys! Promise!

But wait there's more!, bukod sa ayaw naman nyang mauna umalis kanina at matapos nya ako madaliin maligo, alam nyo ba ang ginawa sa akin? Pinababa nya lang naman ako 2 blocks away sa FTF building!.

Tandang tanda ko pa yung hirit nya na nakakabuset sa umaga.

"Wala dapat na makaalam na kasal tayo, Elle. This secret should remain to the 3 of us. You, Me and Dad. Wala ka dapat pagsabihan kahit pinakamalapit mo pang kaibigan ok?" Sabi nito at ibinaba ako sa kanto.

Arhggh! Kainis! As if naman na proud akong asawa sya. Haler!

"Ui, anyari sayo? Aga ah!" Tanong naman ni Vivian na kadarating lang din.

"Oo na guys, maaga ako ngayon. Ganun talaga bagong buhay" sagot ko nalang sa mga ito.

Maya maya ay dumating na din si Thea at ewan ko ba sa mga ito at parang trip nilang dumaan sa work station ko.

"Eli!" Tawag nito.

"Oo maaga ako, bagong buhay na kasi" sagot ko agad bagay na ikinatawa nila Ylona.

Bigla naman akong pinaikutan ng mga kasama ko na tila iniinterrogate ako.

"Anong meron at pinalibutan nyo ako?" Nagtatakang tanong ko sa mga ito.

"Bakit ang blooming mo ngayon girl?" Tanong ni Ylona na naniningkit pa.

Agad naman akong naningkit sa sinabi nito.
Ako blooming? Eh badtrip nga ako ngayon tapos blooming?.

"Nakita nyo ng medyo badtrip ako ngayon. Tapos blooming? K lang kayo guys?" Sagot ko sa mga ito.

Humirit naman muli si Ylona.

"May iba kasi sayo Eli. Yung glow mo kasi parang may jowa ka na, tapos LQ lang. Ganun!" Hirit nito.

Natawa nalang ako sa isip ko. Nagrradiate ba yun sa skin kung may boyfriend na?

"Wala naman akong jowa! Ang gusto ko lang ay matulog pa!" Sagot ko sa mga ito.

Bakit totoo naman, wala naman akong Jowa!.

Habang nagtatawanan ang mga kasama ko ay sabay sabay kaming napatingin sa nagbadge at nagbukas ng transparent na pintuan ng floor namin.

"Si Sir Dave!, mamaya nalang guys! Sibat na ko! Coffee tayo later ha!" Sabi ni Thea at nagmadaling umalis.

Ganun din ang iba naming kasama na nagmamadaling iniwan ako.

Lahat ata sila takot kay Sir Dave, bakit kaya? Eh mukha naman itong mabait.

"Hi Sir!" bati ng lahat ng makakasalubong nito.

"Hi everyone!" bati pabalik nito sa lahat ng nakakasalubong.

Infairness naman, He is a beautiful sight in the morning talaga. Natutuwa kasi talaga akong makakita ng lalaking magandang magdala ng corporate attire.

Currently, he is wearing a dark blue suit, matched with his maroon necktie and brown shoes. His suit really fits to him. Mukha itong modelo ng mga business magazine.

Bound To Marry YouWhere stories live. Discover now