Twelve

45 3 0
                                    

Twelve
.
.
.
.
"Tulog na kaya sya?" Tanong ko sa aking sarili.

Kasalukuyan ako ngayong nakababad sa bathtub at pabago bago ng pwesto sa pagka-irita.

Hays naman kasi!! Kung nagbibiro man sya kanina! Hindi magandang biro yun!

I looked at my cellphone to see the time and 2 hours has been passed.

Tulog naman na siguro yun no? 9pm naman na?

Sht but knowing Z, sanay sa puyatan yun!.
I wonder why?

Pinakiramdaman ko ang paligid, at mukhang tahimik naman. Baka nakatulog or baka umalis na.

I stayed for another 30 minutes at ng aahon na ako ay biglang sumigaw ang asawa ko. Ay este yung bwisit at sinungaling na lalaki na yun.

"Elle! Dont tell me, dyan ka talaga matutulog??" Tanong nito sa labas ng pinto.

Well bago kasi ako naligo ay sinabihan ko ito na wag na wag akong antayin dahil dito na ako matutulog.

Hindi naman ako sumagot dito. Bahala syang isipin ang gusto nyang isipin. Tingnan ko lang kung  gullible si Z.

"Seriously???" Sigaw nito sa kabila.

Natawa naman ako sa aking pwesto.
Naniwala ata ang loko.

"Elle, pag hindi ka sumagot at lumabas dyan, bubuksan ko na to! Im holding the keys now! Bubuksan ko na! Isa...dalawa!" Muling sigaw nito sa labas.

Sht!!!

Nagpanic naman ang buong systema ko sa paraan ng pagsasalita nito at mas lalo akong kinabahan ng marinig ko ang pinto na binubuksan ng susi.

"Hindi pa ko tapos! Matulog ka na kasi!" Sigaw ko pabalik.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi nito tinuloy ang pagbukas.

Woooh!ligtas!

"Kailan mo balak matapos dyan???" Kalmadong tanong nito.

"Ahh ehhh....., hindi ko pa alam! Matagal talaga akong maligo!" Sagot ko dito.

"Seriously Elle? Halos tatlong oras ka na dyan???" He said.

"Oo matagal talaga akong maligo. Saka 2 hours palang! Hindi tatlong oras ok? Umaabot nga ako ng apat na oras. Matulog ka na kasi!" Sigaw ko dito.

I heard a noise outside the bathroom.
Hindi ko alam kung tumatawa ba ito o naiinis.
Bahala nga sya sa buhay nya.

Sumagot naman si Z.

"Bat hindi mo pa gawing limang oras! Anyway, Maaga pa ko bukas, kaya mauuna na kong matulog." Sabi nito pabalik.

"Pwede din! Gusto ko nga 5 hours! Sige na matulog ka na. Wag mo na kong antayin kahit kailan!" Sagot ko pabalik dito.

"Bakit naman kita aantayin? I just want to pee! Well never mind, mauna na ko. In case you need your bathrobe, nilagay ko nalang dito sa pinto.!" He said.

Agad ko naman tiningnan ang bathrobe ko at wala pala ito sa lagayan ko.

Tsk, tumatanda ka na Elle, bakit ba napaka-malilimutin mo!. Cleaning day nga pala kanina!.

Kahit sinabi ni Z na matutulog na sya. I stayed for another 30 minutes in the bathroom.

Record breaking ang stay kong yun sa banyo sa buong buhay ko. Buti nalang maganda talaga ang CR ni Z. Mas maganda pa nga ito sa kwarto ng apartment ko dati. Actually isa nga ang cr na ito sa favorite part ko ng bahay na ito. I like interior, very relaxing, you can stay in one area where you can find peace. Pwede ko nga itong gawing library sa totoo lang. Kaya lang gusto ko din naman mahiga at magpahinga na kaya no choice na lumabas na ko.

Bound To Marry YouWhere stories live. Discover now