Seventeen

158 3 7
                                    

- Seventeen -
.
.
.
.
"One way to seduce a guy is to notice him. Bigyan mo lang ng konting atensyon. Dahil ang mga yan, pag alam nila na type mo sila ay popormahan ka na din nila." Thea said with giggles.

Kasalukuyan kaming naglalakad ng mga kasama ko papunta sa isang malaking mesa ng coffee shop.

"So pinopormahan mo nga si Sir Gabriel? Type ka ba naman?" Tanong ni Vivian pagkaupo namin sa upuan..

"Soon guys...soon! give me a week! Boyfie ko na yan" proud na sagot ni Thea bagay ba ikinatawa ng aming mga kasama.

Dahil tumatawa sila ay nakitawa nalang ako.

"He-he. Di mo sure" bulong ko na si Ylona lang ang nakarinig kaya naman halos masamid ito sa iniinom nyang kape.

At dahil sa pagkakasamid nya na yun ay napatingin ang lahat ng aming kasama sa kanya.

"Ok ka lang? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Thea kay Ylona.

Umiling naman si Ylona at madaling ininom ang tubig na iniabot ko.

"I'm okay, dont worry guys!! Ok lang ako. May narinig lang ako na tyak matatawa din kayo." Sagot nito.

Habang nagku-kwentuhan kami sa mesa ay biglang nagopen ng topic si Thea ng bagay na ikinagulat ko.

"Alam nyo ba guys na madami akong nalamang chika kay future boyfie ko" sabi ni Thea kaya naman natigilan ako sa pagkain ng aking kinakain na bagel.

"Ini-stalk mo si Sir Gabriel, girl?" Tanong ni Vivian kay Thea.

"U-huh!" Mabilis na sagot ni Thea.

Tumingin naman si Thea sa akin at tiningnan ako.

Hindi ko malaman bat ako biglang kinabahan.
Thea looked at me like this in a daily basis, kaya bat ako kakabahan? Teka, kung inistalk nya si Z, hindi kaya may alam na sya sa tungkol sa amin?

"Ui, Eli. Ok ka lang? Namumutla ka dyan?" Nag-aalalang tanong ni Thea sa akin.

Agad ko naman kinuha ang aking inumin at uminom.

"Ok lang ako." I said smiling. Dapat hindi magpahalata na may nalalaman ako diba?

"Akala ko matatae ka na dyan" natatawang sabi naman ni Ylona.

Inirapan ko naman ito na lalong ikinatawa nito.

"Ui Thea! Ituloy mo na ang kwento, anong nalalaman mo? Chika mo naman sa amin" hirit ni Rita.

Lahat naman kami ay nakatingin kay Thea gawa sa tanong ni Rita. Kaya eto, para kaming mga Marites sa umaga na chismis ang umagahan.

"So ayun nga guys. Napag-alaman ko na taken na si future boyfie" hirit ni Thea

Halos masamid naman ako sa aking iniinom sa sinabi ni Thea. Shttt may alam na nga ata sya!

"Ui Eli! Anyari? Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong nila Vivian sa akin.

"Ah eh, ok lang ako guys" i said smiling giving them a thumbs up.

Matapos kong sumagot ay bumalik ang atensyon namin lahat kay Thea.

"Taken na sya guys. May girlfriend na sya for 6 months. She's an international model, at wala sya ngayon dito sa Pinas. Based on what i searched,  it's the longest relationship he had kaya naman parang seryosohan daw sila." Thea said.

Lahat naman ng mga kasama namin ay napa oooh sa sinabi nito. Habang ako eto, inaabsorb ang lahat ng sinasabi ni Thea.

Longest relationship, 6 months? Wow ha?
Pero kung may girlfriend pala ito ng seryoso, bakit pumayag pa itong magpakasal sa akin?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 18, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bound To Marry YouWhere stories live. Discover now