Fourteen

45 3 8
                                    

- Fourteen -
.
.
.
.
"Bruha ka!!! Ano yan nasa kamay mo? Singsing? Engagement ring??? At kanino ka kinasal, aber!???" Bulalas ng bestfriend ko na si Trish habang nagla-lunch kami sa isang Japanese resto malapit sa aking opisina.

Natawa naman ako sa reaction nito. Paano ba naman nanlalaki ang mata nito at pulang pula na tila sasabog pag hindi ako nagsabi ng totoo.

"Huh? Eto? Accessories ko lang po." Patay malisya na sabi ko dito.

Bakit ba naman kasi hindi ko nabago ang pwesto ng singsing. Naging obvious tuloy. Tsk.

Lalo naman naningkit ang mga mata nito sa inis gawa sa sagot ko.

"Hoy Eliza Marie Reyes, na adopted daughter ng pamilya Velasco, maloloko mo ang lahat ng tao pero hindi ako. Wag ako bruha!. So sino nga yang pinakasalan mo? Bakit hindi ako invited? Haysss, nagtatampo ako! Talagang nagtatampo ako! Hmmmp!" She said sulking.

Buti nalang at dumating na ang order namin na menchi katsu set kaya medyo umaliwalas din ang itsura ng kaibigan ko. Sakto kayo ng dating mga kuya! Very good kayo dyan! Good timing!.

"Itadakimasu!" Sabay naming sabi.
At ng susubo na sya ng pagkain ay natigilan si Trish at naalala na naman nya ang tanong sa akin kanina.

Hays wala talagang lusot.

"Pero sis, seryoso na kasi. Kanino ka ba ikinasal? Bakit biglaan? Buntis ka ba?" Seryosong sabi nito.

Sunod sunod ang naging pag-ubo ko dahil sa pagkaka-samid sa kinakain ko. Lechugas ang bastus! Walang preno!

"Ay sorry sis. Oh eto mag-tubig ka muna" sabi nito ng iniabot ang isang basong tubig sa akin.

Tiningnan ko naman ito ng masama at ng guminhawa na ako ay sinagot ko na ito agad

"Pag kinasal buntis agad?" Tanong ko dito.

Bigla naman itong tumawa at tiningnan ako ng may nakakalokong ngiti. Ngiting may binabalak lang, ganun!.

"Huli ka! Eh di ikinasal ka nga bruha ka! So, ilang buwan na yan?" Tanong muli nito.

What's the point of hiding? Nahuli naman na nya ako sa sarili kong bibig diba? Saka halos pamilya ko na din naman si Trish. Bakit pa ako maglilihim sa bestfriend ko?
Pero syempre, less talk, less details. Ok na yung high level chika lang ang alam nya.

"Hindi nga ako buntis!" Sagot ko dito at ipinagpatuloy ang kinakain ko.

Tuloy tuloy lang ang pagkain namin habang ini-interrogate ako ng kaibigan ko.

"So kailan ka ikinasal? Wala ba kayong invited guest man lang? Im so hurt you know!" Sabi nito na may halong pagtatampo.

"Walang invited. Eh di sana ikaw ang unang una kong sasabihan kung meron diba?" sagot ko dito.

"Ay bakit secret? Pangit ba yan in-asawa mo?" Sabi nito bagay na ikinatawa ko ng malakas.

Pangit? Siguro nga pangit!. Napaka-pangit ng ugali!.

Umiling naman ako dito at ipinagpatuloy lang ang pagkain.

"O hindi naman pala pangit! Eh bakit nga secret???diba dapat nakapost na yan sa social media!" Tanong muli nito.

"Kasi nga secret. Kaya no details, sis!. Malalaman mo din naman soon. Lasingin mo kaya ako para umamin ako? What do you think?" Sagot ko dito habang nang-aasar.

"Ay tsk tsk. Aamin lang naman kailangan pang gumastos!. Ikaw na talaga ang pinaka-malihim kong kapatid sa balat ng lupa!" Umiiling na sabi nito.

Matapos nyang sabihin yun at tiningnan ko bigla ang nagni-ningning ko na singsing.
Itinaas ko pa ito lalo sa lugar na mas maaninag ng ilaw para mas makita ang kinang nito.

Bound To Marry YouHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin