Four

56 2 0
                                    

-Four-

🎵🎵ooohhh....
.......Parang may ulap sa 'king mga paa
           Tuwing mumulat aking mga mata
       Mamasdan ang iyong pagkahimbing
           Ang iyong paghingang kay lambing
       At paggising ay maghawak kamay
           Yumakap ka't tayo'y sumayaw kasabay
       Ng ritmo kumpas at pintig
            Ng tugtog dito sa 'king dibdib......🎵🎵

Sorry na guys, feel na feel ko kasi talagang kumakanta habang nagwo-work. Im really good in multitasking like working and listening/singing to the music at the same time. Skill ko yon!

Naka-upo ako ngayon sa aking work area at nakaharap sa aking computer. Sanay ako na ganito kada nagwo-work ako lalo na at wala naman masyadong tao na nakaka-kita sa akin. Naka indian sit pose ako ngayon sa aking upuan at may naka-takip na headset sa akin tenga.

I love music a lot, it is my stress reliever. So pag napapagod ako o sumasakit ang ulo sa dami ng problema ay ikakanta ko lang ito.

Im singing my favorite song right now, and i am swaying my body a little in sync with the rhythm dahil damang dama ko ang pagkanta. Lasap na lasap ika nga.

Solo ako ngayon sa aking area dahil si Thea ay inilipat ng pwesto sa kabilang corner para magamit ko ng buo ang area ko ngayon. It was management decision para daw hindi kami parehas masikipan.kaya eto ako ngayon sing galore.! With matching papikit pikit pa.

"You have a nice voice, Elle"

🎵🎵Ako ay iduyan mo
            Ang bisig mo'y unan ko
     Dahan dahang kumakampay habang nakadantay
            Magkayakap sa bawat imbay🎵🎵

I opened my eyes and continue what im doing which is singing.

Then i looked at the mirror on my desk. Then boom, i saw someone smiling at my back.

Shet!

Bigla akong napaayos ng upo at madaling tiningnan ang tao then i saw Z staring at me and smiling.

Buset! Nakita nya kaya yung kalokohan ko? Hay naku naman Eli! May pagiling giling ka pang nalalaman!

"Z?" Gulat na sabi ko dito.

"Yes, the one and only" he said flashing his signature smile. His eyes are also smiling kaya mas lalo pa itong naging gwapo pagmasdan.

Napalunok naman ako sa paraan ng pagtitig nito.
Hindi ko alam kung pinagtatawanan nya ba ako dahil sa pinaggagawa ko.

Baka nagagandahan lang sa akin.

"What are you doing here?" Patay malisya kong tanong.

Ngumiti naman ito lalo bago ito nagsalita.

"I didnt know that you have a nice voice. Bagay na bagay sayo" sabi nito.

Nag-init naman ang mukha ko sa sinabi nito.
But since im good at hiding, for sure he didnt see my face as red as tomato. Oo hindi nya nakita, im sure.

"Malamang sir hindi mo alam, hindi naman tayo magkakilala." i said and then smile.

My point naman ako diba?

"At least, i learned new things about you today." Nakangiting sabi nito.

Hindi nalang ako nagreact sa dahilan na ayoko munang mag-entertain ng kahit na sino dahil sa dami ng problema ko.

Alam ko naman ang galawan ng mga boys.
Including Z.
Hindi naman kasi ako ipinanganak kahapon.

Sa una, makikipagkilala sila, tapos i-mimessage ka.
Magtatanong ng kung ano-anong bagay.
Then bigla nalang lilitaw na parang kabute na kunwari destiny ang lahat.
Tapos makikipag-kaibigan, tapos kukuhain ang loob mo. Tapos manliligaw.
Ano nga ba ang tawag doon? Pa-fall? Ayun nga pa-fall!.
Swerte mo kung siseryosohin ka, malas mo pag pinaasa ka lang.

Bound To Marry YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon