Two

60 2 0
                                    

- Two -

"Seat here next to me, Eliza." Gregory said.
Sumunod naman ako dito ngunit mas pinili kong umupo sa visitor's chair sa tapat nito.

Hindi ko alam kung paano ko natapos ang work hours ko ng hindi inaatake ng panic attack matapos ng mga nalaman ko kanina. Sa totoo lang ay hindi ko na rin maalala kung paano ako dinala ng mga paa ko dito.

After work ay dumiretcho ako sa rest house ni Gregory.

Gregory Fortich is the founder of FTF, that owns bank and fintech companies here in the Philippines. Isa na nga ang FTBank sa mga ito kung saan ako nagwo-work ngayon. Kilalang tao ito sa lipunan dahil aside from his clans name and influence ay magaling talaga ito. He is also active on charity works na lalong ikinaganda ng imahe nito sa publiko. Sabi nga nila gwapo na mabait pa. If you will look at him, masasabi mo na he aged like a fine wine in his 50's.

I woke up in my reverie when he spoke.

"Eliza, im sure you already know the situation. At baka kailangan mo sumailalim sa internal investigation ng kompanya." sabi nito na agad kong pinutol.

"Hindi ko alam kung papaano nangyari to. Kilala mo ako sir, alam mo na hindi ako nagkukulang sa trabaho at lalong hindi ako nagpapabayad sa mga kriminal." sunod sunod na sabi ko dito.

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ako.
I didnt do anything. I love my job a lot. Ayokong mawalan ng trabaho. I need this job so bad.

"Wala talaga akong kinalaman dito. Pakiusap, wag nyo naman akong alisin sa trabaho ko." I said while wiping my tears away.

He held my hand to comfort me.

"Eliza, naniniwala ako sayo. Simula umpisa palang, ay alam ko na hindi mo kayang gumawa ng ganoong bagay. It's just that... we need to do this investigation as protocol. Hindi ka namin aalisin sa trabaho. I will give you my word." sagot nito.

I looked at his face and he gave me a look that everything is gonna be ok.

"Paano ang mangyayari sa branch namin? Sa 50Million na sinasabi ng AMLC? " nag-aalalang tanong ko dito.

Ang AMLC(Anti Money Laundering Council) ang organisasyon na nag-iimbestiga sa ganitong mga kaso.

"We just need to pay the fines per violation. That's it. You know this is just one of unfortunate events in our industry. Biktima lang din naman tayo dito." simpleng sagot nito na tila maliit na problema lamang ang kinahaharap namin na madaling lusutan.

Umiling naman ako at nagprotesta.

"Paano na ang mangyayari sa akin? sa amin?How much is the fine? Ano nalang ang magiging epekto nito sa amin lahat?" Sunod sunod na tanong ko dito.

Nagbuntong hininga naman ito at tumayo upang tumabi sa akin.

"Ill be honest, the accounts affected are freezed, so as the money.
For the fines, we had multiple counts of violations,
And I think it was 10 overall. Wag mo na isipin ang multa sa bagay na yun Eliza. We will take care of it." He said.

I nodded my head after i heard his explanations.
Pero mukhang hindi lang iyon ang gusto nyang ipaalam sa akin.

"But for the bad news......
we need to temporarily suspend the operations of your branch till the case was resolved.
Bukod dito sa AMLA case, may mga data theft din at perang nawawala, at ang branch nyo ang tinuturong salarin. But dont worry Eliza, we will do our best to resolve this case" sabi nito na lalong ikinalungkot ko.

"Paano nangyari to? Imposible naman si Ate Lyn ang may kagagawan nito. Her career started and ended in the branch. Hindi nya magagawa ang mga yun." Sagot ko dito.

Bound To Marry YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon