Ten

46 2 0
                                    

- Ten -

"Anong meron, Bryan? Bakit daw ako pinatawag?" I asked him with curiousity.

Pinagbuksan nya naman ako ng main door at kinausap ko ito habang papalapit kami sa office ni Gregory Fortich.

"It's for you to find out Eli. Baka pagalitan ako ni Sir pag sinabi ko kung ano ang meron sa araw na ito" tipid n sagot nito sa akin.

Nagkibit balikat naman ako sa sagot nito.
Alam ko naman napakaloyal ni Bryan sa boss nya, kaya aasa pa ako na sasabihin nya sa akin kung anong meron ngayon, diba?.

Ng makarating kami sa harap ng opisina ni Sir Gregory ay nagpaalam na agad ito sa akin at kumatok na sa pinto.

Bago pa man ako makapasok ay nagsalita ito.

"Goodluck Eli. Always remember that i'm just here. Kung gusto mong lumayo, pwedeng pwede kita samahan." Sabi nito na ikinalito ko pa lalo.

Tumawa nalang ako sa sinabi nito.
Well, Si Bryan kasi ay bigla bigla nalang nagbibiro kahit dati pa. Para sa akin ay nagjo-joke lang ito kaya naman ay tinawanan ko nalang ito.

"Anong trip ba yan Bry? Kinulang ka na naman ata sa pagkain. Gutom lang yan siguro yan. Try mo kayang kumain?.char..teka bat ko naman kailangan lumayo aber?" i said laughing.

Tumawa din naman ito ng malakas at nagsalita muli.

"Joke lang Eli. Sige na at kanina ka pa nila inaantay! See you later!" Sabi nito at binuksan ang pinto.

Pagkabukas nito ng pinto ay nakita ko agad si Gregory Fortich na nakaupo sa kanyang office chair tulad ng dati.

I smiled upon seeing him, then I entered the room comfortably. Madalas din kasi ako sa lugar na tio lalo na nung nag-aaral pa ako kaya naman para akong bata na komportableng naglalakad patungo sa kanya.

"Hey Sir! Good morning! Anong atin? Bakit mo ko pinatawag ng bigla?" Masayang bati ko dito.

Tumayo naman ito at sinalubong ako ng isang yakap. I hugged him back and I smiled after that.

He invited me to sit down on his visitor's chair kaya naman sumunod ako dito at umupo sa isa sa mga silya dito.

Inilibot ko naman ang mga mata ko sa paligid at napansin ko ang mga gamit na baso na nakalagay sa center table.

Bigla naman kumabog ang puso ko ng makita ang mga ito. May iba pa ba syang bisita bukod sa akin? Nandito kaya ang asawa nya? Sa pagkakaalam ko wala naman pinapupuntang ibang tao si Sir Gregory bukod sa pamilya nya sa bahay na ito.

"Napansin mo na siguro na hindi ako nag-iisa. Actually may mga kausap lang sa telepono ang mga anak ko. They are here with us." sabi ni Sir Greg na ikinagulat ko.

Mga anak daw? Parang bigla naman umikot ang pwet ko sa kinauupuan ko sa mga narinig mula sa kanya. Tila gusto nalang tumakbo ng katawan ko palabas ng silid na ito.

"Bakit nandito din sila? Napa-aga lang ba ako ng dating? Dapat ba ay umalis na muna ako? Aalis nalang po muna siguro ako at babalik nalang pag umalis na sila" mabilis na sabi ko at tumayo nalang bigla.

Bigla naman itong nagsalita bagay na ikinagulat ko.

"This is what im talking about 2 weeks ago, Eliza. And today is your wedding day. To one of my son" he said seriously.

"Ano po???????? Ngayon?? Kasal??" Gulat na sabi ko sa kanya.

Hindi ko sinasadya na tumaas ang boses ko.
Pero sino ba naman ang hindi magugulat sa sinabi nya?

Wait. Kasal daw?

Agad ko naman naalala ang pangako ko sa kanya ng nakaraang linggo. Oo at nangako nga pala ako sa kanya. Pangako na hinding hindi ako tatanggi sa anumang pabor na hingin nito. At ito na yun.

Bound To Marry YouWhere stories live. Discover now