Chapter 2

41 11 0
                                    

Daniel's Pov:

Medyo nakakapagod ang araw na ito para sa akin, 03:34 na ng hapon nang makauwi kami ni Vincent sa bahay nila. Nagpaalam muna siya sa akin na magpapahinga saglit sa kanyang kwarto dahil napagod daw siya. Hinayaan ko nalang muna dahil mapapagod pa siya sa gagawin namin mamaya. Kasalukuyan ako ngayong nasa kusina para tulungan si Tita Edith sa pagluluto ng hapunan namin. Sinigang na hipon at pritong talong ang niluto niya. Alam na talaga ni tita ang lahat ng mga paborito kong pagkain, mukang mapapasarap na naman ang kain ko. Akmang huhugasan ko na ang mga pinag-gamitan namin ng pigilan ako ni tita.

"Ako na ang gagawa niyan mamaya Niel, ano ka ba namang bata ka imbis na nagpapahinga ka ay tinulungan mo pa ako, kaya ko na namang mag-isa dito."

"Maliit na bagay lang po ito tita hayaan mo nalang po ako na tulungan ka, gabi na rin po naman kaya mamaya nalang ako magpapahinga."

"Bahala ka ngang bata ka! Saka ayan kana naman sa pa tita tita mo sa'kin, sinabi ko naman sayo na mama nalang din ang itawag mo dahil anak narin naman ang turing ko sayo hindi ba? Kumusta kayo ni Vincent? Hindi kaba niya pinahihirapan?”

"Nako sorry po ma, mabait naman po siya, napakaswerte ko nga po sa kanya e.”

"Aba dapat lang siyang magbait, subukan lang niya na awayin ka at talagang mapapalo ko ang batang iyon," pabirong sabi ni mama kaya naman natawa nalang ako.

Halos madami rin kaming napagkwentuhan ni mama. Nabanggit ko na rin ang tungkol sa pag alis namin bukas, pumayag naman siya. Maya-maya lang ay pinatawag na sakin ni mama si Vincent para makasalo namin sa hapunan.

Kwentuhan, tawanan, asaran at masarap na kainan ang pinag-saluhan naming tatlo. Masarap kausap si mama kaya naman mabilis ko din siyang nakasundo at aaminin kong mas gusto ko pa siya kesa sa mommy ko.

Matapos ang napakasayang hapunang iyon ay pumasok na kami ni Vincent sa kwarto dala ang anim na lata ng beer. Ito ang madalas naming gawin bago matulog.

"Babe, pwede bang hindi nalang ako sumama bukas, para kasing hindi naman ako mageenjoy doon e.”

"Hyssst pinairal mo na naman yang katamaran mo! Dapat nga ay lagi kang naglalalabas ng masinagan naman ng araw yang balat mo. Wala ka naman sigurong lahing bampira." pabirong sabi ko sabay lagok ng beer.

"Tsk wala lang talaga kase akong hilig pumunta sa malalayong lugar, nakakapagod din kaya sa byahe,"

"Kasama mo naman ako ah."

"Oo na sige na hindi naman ako mananalo sayo."

"Talagang hindi ka mananalo, kase ako ang boss dito," pabirong sambit ko.

"Ibahin na nga lang natin ang usapan, medyo malakas na ang hangin dito hahaha,” natatawang sabi niya.

"Nalala mo pa ba, noong una kitang nakilala?”

"O tapos?"

"Uwiiyak ka noon kasi iniwan ka ng ex mong si Kennedy haha."

"Oo tapos nagalit pa ako sayo non dahil huli na ng sinabi mo sakin na yung inabot mo pala saking panyo ay ipinampunas mo sa itlog mo, hahaha! Kaya pala may buhok." Natatawang sambit niya, natawa nalang rin ako.

"Iyon din ang araw na nahulog ako sayo, kahit pa noon lang tayo nagkita ay parang kumirot na agad ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit, ibig kong sabihin ay hindi pa naman kita kilala pero nasaktan din ako noon dahil parang hindi kita kayang makitang umiiyak. Kaya naman ipinangako ko sa sarili ko na kapag ako na ang taong mahal mo ay hindi kana masasaktan ng ganoon. Ayokong nakikita kang nasasaktan babe."

Sa sinabi kong iyon ay agad kong napansin na may ilang butil na luha ng pumapatak sa mga mata niya kaya naman agad ko s’yang niyakap.

"Oh, diba kakasabi ko lang na ayaw kong nakikita kang umiiyak."

Shush (Boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon