Chapter 16

13 3 0
                                    

Christopher's Point Of View

Alas kuwatro y medya na ay hindi pa rin umuuwi sina Vincent, Kennedy at Daniel. Walang may alam sa amin kung anong oras sila umalis dahil tinanghali kami ng gising ni Andrei, ganon din si Dave na hanggang ngayon ay mataas pa rin ang lagnat dahil sa mga sugat na natamo niya sa pamilya ng mga demonyo.

"Saan ba kasi nag punta ang mga iyon," naiinis nang sabi ni Andrei.
Lumapit ako at umakbay sa balikat niya. "Baka naghahanap lang sila ng taong pwedeng hingan ng tulong."
"Maghapon? Maghapon silang naghanap ng tulong, imposible." Tugon ni Dave kaya naman kumunot ang noo ko. "Hindi kaya may dumukot  sa kanila?" Hindi ko alam kung bakit kinilabutan ako sa sinabi ko.

"Kapag hindi pa sila umuwi hanggang mamayang gabi, ibig sabihin ay totoong nanganganib na sila." Sabi ni Dave. Napatalon ako sa gulat sa sunod-sunod na pagbagsak ng mga maliliit tanke na ibinato ng kung sino man mula sa bintana. Agad ring naglabas ng usok ang mga iyon dahilan para mahirapan kaming huminga. Ilag saglit pa ay nakita ko ang pagbagsak ni Andrei at Dave kasabay ng pagbagsak ko. Kinakapos na ako ng paghinga ngunit malinaw kong nakita ang sunod-sunod na pagpasok ng tatlong tao, agad kong nakilala ang mukha ng dalawa, sina Kia at Joice... Ang mga traydor kong kaibigan. Alam kong sa ilang sandali lang ay mawawalan na ako ng malay. Pilit kong inaabot ang kamay ni Andrei at ganon rin naman siya. Nakakainis bakit ba kase kailangang mapunta kami sa sitwasyong ito. Sumama lang naman ako sa tropa dahil gusto kong magkaroon kami ng mas matagal na oras ni Andrei para magsama. Gusto ko lang naman mag liwaliw kasama s'ya, gusto ko lang namang maging masaya kaming dalawa kahit sandali lang. Pero pesteng buhay na ito! Bakit parang dito na matatapos ang kasiyahang ilang taon kong pinangarap. Nakita ko ang mga mata ni Andrei na titig na titig sa'kin, basang basa ng luha ang mukha nito, nanlumo ako. Gustong gusto ko siyang lapitan pero hindi kaya ng katawan ko. Ilang saglit pa ay naabot ni Andrei ang mga kamay ko, hinawakan niya ito ng mahigpit. Ilang saglit pa ay nakaramdam ako ng pagka antok.

Habang sumasalok ako ng tubig sa sapa ay napasulyap ako sa aking mga kaibigan. Ang sarap lang pag masdan ng mga ngiti nila na halatang nag eenjoy sa pagtatampisaw sa sapa. Hindi katulad sa syudad namin na puro sasakyan at nagtataasang mga building lang ang makikita. Bilang ang mga puno at imbes na sariwang hangin ay mabahong usok mula sa iba't ibang klase ng pabrika ang iyong malalanghap. Hinihiling ko sa sana, sana tumigil ang oras kahit sandali lang. Sana hindi matapos ang aming kasiyahan. Bigla ay napako ako sa aking kinatatayuan nang magbago ang lahat ng tanawin sa paligid ko. Bahagyang namula ang kalangitan. Ang sariwang hangin na kanina'y aking nalalasap ay napalitan ng mabahong amoy na parang galing sa patay na hayop. Kinabahan ako. Dali-dali akong sumuong sa sapa para sana sabihan ang aking mga kaibigan ngunit agad akong napatigil sa aking nakita. Inaanod ng kulay pulang tubig-sapa ang katawan ni Eroll, putol ang mga braso at binti nito. Napa atras  ako. Nang lumingon ako sa batuhang bahagi ay nakita ko si May na mariing nakatitig sa akin, nginitian nya ako. Ngunit nang maaninag ko ang kabuuan ay halos masuka ako. Putol ang isang pares ng dibdib nito. Mas tuluyan na nga akong nasuka nang iwagayway niya ang sariling dibdib pagkatapos ay agad na isinubo. Parang may mga sasakyang nagkakarera sa lalamunan ko. Ngunit hindi pa ako nakaka-recover sa mga nakita ako ay biglang lumiyab ang buong katubigan sa sapa. Dali-dali akong umahon. "Tulong! Tulungan mo ako Christopher, hindi ko na kaya." Pinahmasdan ko ang may ari ng boses na iyon, si Jeffrey na nagliliyab ang buong katawan. Bigla ay nagising ako sa realidad nang sunod-sunod akong pagsasampalin ni Kennedy. "Ano ba kasing problema mo at nagsisisigaw ka doon sa sapa?" Hindi ako nakasagot dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapakali. "D'yan ka lang ha, kukuha lang ako ng tubig," Tumango na lang ako. Ngunit pagtalikod ni Kenn ay nakita ko ang palakol na nakatarak sa kanyang likuran.

"Ahhhhhhhh!!!"

Halos mailuwa ko ang puso ko dahil sa masamang panaginip na iyon. Ngunit tila nagising naman ako sa isa pang mas nakakatakot na bangungot ngayon. Nakita ko ang pinakamamahal kong si Drei na nakatayo ngunit nakagapos sa harapan ko, wala pa rin itong malay.  Ganon pa man ay nakahinga ako ng maluwag nang mapansing mukhang hindi naman ito nasaktan. Pagtingin ko sa gild ko ay nakita ko si Dave na naliligo na sa sarili nitong dugo. Marahil ay mula iyon sa mga sariwa nya pang mga sugat na ngayon ay mas lumala pa dahil sa pagdukot sa amin. Pagdukot? Akala ko ay parte pa rin ng panaginip ko ang nangyring pagdukot sa amin kanina. Lalapitan ko na sana si Andrei ngunit ngayon ko lang napansin na nakagapos rin pala ako. Duon may lumabas na medyo may kaidarang lalaki. Nakakatakot ang hitsura nito. Matalim itong tumingin sa akin habang dinidilaan ang hawak nitong itak. Napapikit ako sa takot nang ibato niya ang itak at nang dahan-dahan kong imulat muli ang aking mga mata ay tila nabawasan ang tinik na aking lalamunan. Ngunit nang lumingon ako sa aking tagiliran ay halos mailuwa ko ang aking mga mata. Nakita ako ang itak na nakabaon sa dibdib ni Dave.

"Ahhhhhhh p*tang *na!!!"

Shush (Boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon