Chapter 5

26 9 0
                                    

Vincent's Point Of View

Naging payapa ang pakiramdam ko nang mapansin ko na medyo maayos na ang pakiramdam ng bestfriend kong si Kia.
Masaya kaming nagkukwentuhan
at kahit papaano ay saglit naming
nalimutan ang mga masasamang
nangyari sa amin sa mga nakalipas na
oras.
"Guys hiramin ko muna si babe
a, may sasabihin lang ako saglit."
Nakangiting paalam ni Daniel. Kinuha
niya ang kamay ko dahilan para
mapatayo ako sa aking kinauupuan,
kumindat pa ito sa mga kasamahan ko at ngumisi ng nakakaloko.
"Hoy ang daya ha! Bakit ba kailangan
n'yo pang lumayo. Dito mo nalang
sabihin para marinig namin," panunukso ni May.
"Oo nga naman Daniel. Tignan
mo sina Topher at Andrei o,mas
gusto nilang may nakakarinig at nakakakita ng paglalandian nila haha." pag sang-ayon ni Dave na nakatingin sa magkasintahang nag-
uusap, tumingin pa ito sa kanila at
ngumiti. Natawa na lang si Daniel sa pangungulit ng kaniyang mga kaibigan pagkatapos ay nagumpisa na kaming maglakad. Tinakpan ni Daniel  ang mga mata ko gamit ang kan'yang mga palad. Hinayaan ko na lang iyon. Walang ng namagitang salita sa amin hanggang sa tumigil siya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. At nang tanggalin niya ang kaniyang mga palad sa aking mga mata ay namangha ako sa aking nakita. Napanganga na lamang ako at hindi agad makapagsalita ng masulyapan ang mga nag-gagandang bulaklak na nagkalat sa kapaligiran. Mamula-mula ang kulay ng mga ito at parang tila alaga ito sa dilig dahil kahit mga dahon nito ay wala akong nakikitang tuyo. Luminga-linga ako sa paligid at kasabay ng pagkamangha ko sa napakagandang paligid ay napukaw ang aking atensyon sa isang lalaking nakaluhod sa aking harapan, tangan ang isang nakabukas na maliit na kahon. "S-singsing ba ang nakikita ko?" Lalong napaurong ang dila ko.
"Babe, alam kong hindi ito ang tamang pagkakataon para ibigay ito sayo, pero hindi ako mapakali. Parang sasabog na ang dibdib ko habang iniisip kung paano ako makakakuha ng tiyempo para maibigay ito sayo. Alam kong marami pa tayong pagdadaanan sa buhay pero gusto ko itong harapin ng kasama ka.
Gusto kitang pagsilbihan sa abot ng
aking makakaya. Gusto kong matulog at gumising na katabi ka. Gusto kong puntahan ang mga magagandang lugar na kasama ka."

Nagsimulang pumatak ang mga luha ko habang pinakikinggan ang matatamis na salitang nanggagaling sa lalaking minamahal ko. At... Umiiyak ba ito?
"Marry me Vincent! Ipinapangako kong mamahalin kita sa abot ng aking makakaya. At...at oo lang gusto kong marinig sayo ngayon. Dahil planado ko na lahat.
Doon ako tuluyang napahikbi. Sunod-sunod lang ang pag-tango ko habang isinusuot niya ang singsing sa daliri ko.Sa buong buhay ko ay hindi ko inakalang aabot kami sa ganito. Ah! Totoong magpapakasal kami. Agad akong napayakap sa kanya.
"Thankyou baby. Ipinapangako kong
magiging mabuti akong asawa kapag
ikinasal na tayo. Hinding-hindi
ko hahayaang masaktan ka dahil ikamamatay ko iyon. Mahal na
mahal kita." Naiiyak na sambit n'ya.
"I should be the one thanking you
baby! Napakaswerte ko sayo at
nagpapasalamat ako sa Diyos dahil
ibinigay ka niya sa akin. Ikaw ang
dahilan ng mga ngiti ko sa araw-araw.
Ipinapangako ko rin na hinding hindi
ako mawawala sa tabi mo. Mahal
na mahal kita sobra." Sambit ko
matapos ay mas hinigpitan ko pa ang
pagkakayakap sa kanya.
"Teka ano nga pala yung sinabi
mo kanina na planado mo na lahat?"
Kumalas ito sa pagkakayakap, pinagdikit niya ang tungki ng ilong namin pagkatapos ay muli siyang nagsalita. "Alam ni Tita at ng mga parents ko ang plano kong pag po-propose sayo baby, pumayag sila at si Dady mismo ang nag-alok na sa New York tayo ikasal. Si Tito Alvin na kapatid ni Dady mismo ang magkakasal sa atin. Pagka-graduate natin ay papakasalan na agad
kita, kaya wala ka nang kawala pa." Natatawang paliwanag nito. Magsasalita pa sana siya pero hindi na niya nasambit dahil pinigil ko ito gamit ang masuyo kong paghalik sa kan'yang mga labi.
Hindi ko lubos maisip na hahantong kami sa ganito. Parehas kaming tinanggap ng mga magulang namin kasabay ng pagtanggap nila sa relasyon namin ni Daniel.
Wala na akong mahihiling pa kun'di
ang makabalik kaming ligtas kasama
ang mga kaibigan ko.
Bigla akong nalungkot nang maalala
ang pagkamatay ni Eroll at ang taong
may kagagawan nito. Kung meron
mang nangyaring masama sa buhay
ko, iyon ay ang pagpunta namin dito.
Patay na si Eroll at batid kong hindi
kami ligtas sa lugar na ito dahil sa
pesteng killer na iyon.
Hindi na namin napansin na
dumidilim na ang paligid. Ilang saglit pa ay nagpasya na kaming bumalik na sa lugar kung saan naroon ang mga kaibigan namin. Parehas kaming nagulat ni Daniel ng makita si May na yakap-yakap ni Kia. Umiiyak ito kaya agad ko itong nilapitan.
Anong nangyayari dito Kia? Bakit
umiiyak si May. Nasaan sina Andrei at Topher?" Sunod-sunod kong tanong.
"Bessy si J-Jeff. N-narinig namin na
sumisigaw siya at parang takot na
takot kaya sinundan siya nila Andrei."
Nanginginig nitong sagot.
Hindi ako nakaimik nang masilayan
sina Andrei at Topher na tumatakbo
palapit sa amin.
Habol ang hininga ng dalawa at
kapansin-pansin din ang pamumutla si Topher.

Shush (Boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon