Chapter 19: Finale

16 2 0
                                    

Daniel's Point Of View

Habang nagluluksa ang magkakapatid sa namatay na ama ay mabilis kong nakalagan si Vincent. Hindi pa dumatating ang matanda ay natanggal ko na ang nakagapos sa mga kamay ko. Mabilis na lumapit ako kay Vincent at agad na tinakpan ang bibig nito para hindi makapagsalita. Nang matangal ko na ang pagkakatali niya ay isinunod namin si Christopher na umiiyak pa rin. Ngunit nang makalagan ko si Christopher ay tumakbo ito para siguro kuhanin ang nakaluhod nang si  Andrei sa tabi ng magkakapatid. Hindi ko na nagawang pigilan dito dahil sa mabilis na pag kilos. Nagawa nitong hilahin si Andrei ngunit agad na nahampas ni Christian ng gulok ang kamay nito dahilan para mabutol. Napasigaw si Andrei habang hawak ang putol na kamay ng lalaking minamahal. Ngunit hindi nasikmura ang mga sumunod na nangyari nang mahati ang katawan ni Christopher sa dalawa at si Kia ang may kagagawan non gamit ang chainsaw. Galit na galit ang mukha nito. Agad natuon kay Andrei ang paningin niya. Sumugod ito sa kanya habang sumisigaw ngunit natatigil nito nang iharang ni Kia ang umaandar na chainsaw sa bibig ni Andrei, sa lakas ng imfact ay nagiling ang bibig nito hanggang sa mahati ang panga. Bumaha ang napakaraming dugo sa loob ng silid. Napanganga nalang ako habang nangangatog ang buong kalamnan. Mariin akong tinapik ni Vincent. "Ano ka ba kailangan na nating makaalis." bulong niya sa akin kaya naman nagising ako. Nakita ko pa ang paghila ng tatlong magkakapatid sa bangkay ng ama palabas. Parang hindi niya kami napansin kaya naman pagkakataon na namin ito para makatakas. Dali- dali kaming naglakad-takbo palabad ng bahay.

Hindi pa kami halos nakakalayo nang sumugod si Joice palapit sa amin. Hindi ko napaghandaan ang malakas niyang pag tulak sa'kin kaya natumba ako, ganon din si Vincent. Sinakyan niya ang mahal ko at akmang sasaksakin ngunit mas malakas ni Vincent. Sinuntok niya sa tiyang ang babae kaya namilipit ito ng tiyan. Agad na nagiba ang ekpresyon ni Vincent, hindi ko pa ito nakikita sa buong buhay ko. "Hayop kaaaaaa......" Sigaw nito habang sunod-sunod na pagsasasaksak si Joice hanggang sa malagutan ito ng buhay. Agad itong lumapot sa akin para alalayan akong makatayo. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Mamamatay tao na rin ako b-babe, pinatay ko si Joice. H-hindi ko napigilan ang sarili ko." Umiiyak na ito. "Shssssh hindi mo sinasadya babe. Iniligtas mo lang ang sarili mo. Iniligtas mo lang ako." Pagpapagaan ko ng loob niya. Pinunasan ko gamit ang damit ko ang mga kamay niyang basang basa ng dugo. Bigla kaming patigil nang marinig ang pagpalahaw ng dalawang magkapatid sa loob ng bahay. Ah  marahil ay hindi pa rin nila matanggap ang pagkamatay ng ama. Ito na marahil ang karma nila sa lahat ng mga taong pinatay nila. "Kailangan na nating makaalis dito babe." Mahinang sabi ko sa kanya. Tumango lang ito at nagpaakay na sa akin.

"Hener! Heneryo! Pare umuwi na tayo!"

Nagkatinginan kami ni Vincent nang marinig ang tinig lalaking parang may hinanap nakasama kaya agad naming sinundan ang boses nito. Alam kong malayo nakalayo na kami sa bahay ng mga demonyo kaya naman hanggang ngayon ay palagay na ang loob ko. Nang malapitan natin ang may ari ng boses ay agad kaming  humingi ng tulong, tumambad sa amin ang lalaking na singkwenta y anyos palang. Ibinaba nito ang dalang sako na punong puno ng kahoy para alalayan kami. "Ano bang nangyari sa inyo mga iho at puro dugo ang mga kasuotan n'yo?" Sunod-sunod na tanong nito. "Saka na po naming ipapaliwanag, ang mahalaga po ngayon ay makaalis na tayo dito dahil mapanganid po ang lugar na ito." Sambit ni Vincent na hanggang ngayon ay mukhang takot na takot pa rin. "Huwag n'yong sabihing... galing kayo sa pugad ng mga--"
"Opo at patay na ang mga kasamahan namin, kaya tulungan nyo po kaming makababa rito sa bundok para makahingi po ng tulong sa mg pulis. Mariin kong sabi, hindi naman na nagsalita ang lalaki at napailing nalang.
"Sandali lang," napatigil kami dahil sa pag hinto nito. "Hahanapin ko lang si Heneryo para makasama natin sa pag ba---" Napatigil kami ng may lumabas na maraming dugo sa bibig ng lalaki. Laking gulat naman nang makita ang palasong nakatusok sa tiyan nito. Napasigaw kami dahil sa takot. Nang lingunin ko si Vincent ay hawak na ito ni Kia at nakatutok pa sa mahal ko ang kutsilyong hawak niya. "Kia parang awa mo na... Huwag mong sasaktan si Vincent." Pagsusumamo ko pa. Agad akong natumba dahil sa pagsipa ng kunsino man mula sa likuran ko. Nang tingnan ko ito ay bumungad si Christian. Pinagsusuntok niya ako. Nanlaban ako dahil ramdam kong mas malakas ako sa kanya. Nang akmang susuntukin niya akong muli sa mukha ay agad kong nahuli ang kamao niya, matapos ay malakas ko siyanh nasipa. Hindi pa ako nakaka tayo ay  mabilis siyang pumatong sa akin at hinawakan ang isa kong kamay. Hindi ako nakapaghanda nang isaksak niya sa palad ako ng kutsilyo, bumaon ito sa lupa kaya hindi ko na nagawang maialis dahil sa sobrang sakit. Humahalakhak itong tumayo. "Akala mo ba ay mananalo sa sa'kin lover boy!" Mayabang na sambit nito ngunit hindi ko nalang pinansin. Lumpapit ito kay Vincent at masuyong hinaplos ang mukha nito. Sa galit ay plit kong iniaalis ang kamay ko sa pagkakabaon ngunit hindi ko magawa dahil mas lalong nadaragdagan ang sakit. "Sumama ka nalang sa akin Vincent kung gusto mo pang mabuhay ang lalaking mahal mo." Sambit nito ang patuloy na hinahaplos ang mukha ni Vincent. "Anong sinasabi mo kuya. Patayin mo na ang isang iyan. Sila ang may kasalanan kaya namatay si papa!" Galit na galit na sita ni Kia, magsasalita pa sana ito pero agad na itong nasasakyan ni Christian sa dibdib. Nagawa pa nitong tumingin sa kapatid na para bang nagtatanong ito kung bakit nagawa niya ito sa kanya bago humandusay. Maging ako ay nagulat dahil pinatay nito ang sariling kapatid. "Ngayon, mamili ka Vincent... Bubuhayin ko ang mahal mo at sasama ka sa akin o papatayin ko kayong pareho!" Sandaling natigilan si Vincent Nagkatinginan kami ng mata sa mata at malinaw kong nakita ang sunod-sunod na pagpatak ng luha sa kaniyang mga mata. Matapos ay muli itong tumingin kay Christian at sunod sunod na tumango. "Oo s-sasama ako sayo basta ipangako mong hindi mo siya sasaktan sasama ako." Umiiyak sa sambit nito. " Madali ka pa lang kausap eh. Kaya naman mas lalo lang kitang minahal dahil d'yan." Nakangising sambit pa ni Christian. Ilang hakbang palang ang nagagawa nila para maka alis ay pinilit kong tanggalin ang kutsilyong nakabaon sa palad ko. Hinding hindi ko hahayaang isama niya ang mahal ko kung saan mang impyerno siya pupunta. Hindi hanggat nabubuhay ako!

Hawak ang patalim ay mabilis akong sumugod sa kanila. Malakas kong sinaksak ang likod ni Christian hanggang sa matumba ito. Tiningnan kong muli si Vincent at nakita kong tumango lang ito. Marahas kong inihiga si Christian at bago pa ito makapagsalita ay mabilis ko nang nagilitan ang leeg nito. Muli kong niyakap ang lalaking pinakamamahal ko, umiiyak itong at mas lalong humigpit ang pagkakayakap sa akin. "Tapos na Daniel...Tapos na ang lahat, makakauwi na tayo." Masuyo niyang sambit sa akin, sinagot ko nalang iyon sa pamamagitan ng pag halik ko sa kanyang mga labi.

Matapos naming makababa ng bundok ay maraming tao ang sumalubong sa amin sa bahay ni Kuya Hener. Ang lalaking tumulong sa aming makababa, ito rin ang kaibigan ng matandang lalaking napatay ni Christian kanina. Nakita nito ang lahat ng nangyari ngunit mas pinili nalang na magtago dahil sa takot. Naiintindihan ko naman dahil marami pang pamilyang nag hihintay sa kaniyang paguwi. Agad akong humiram ng cellphone para tawagan ang mga magulang namin ni Vincent pati na rin ang mga pulis. Nakakalunggkot man dahil namatay ang mga kaibigan ko sa bundok ngunit masaya pa rin ako dahil kasama ko pa rin ang lalaking pinakamahalaga sa lahat. Ang lalaking pag aalayan ko ng aking buhay.

The End.

Shush (Boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon