Chapter 9

18 5 0
                                    

Vincent's Pov

"Teka! Ang ibig mo bang sabihin
ay mali ang tinahak nating daan
palabas ng kweba? Paanong nangyari
iyon. Hindi ba't sinunod naman natin
ang nakasulat sa mapa?" Tanong ni
Daniel kay Andrei habang nakatutok
ang kaniyang mata sa mapa.
"Hindi ko napansin ang maliit na
babalang nakalakip sa mapa. Ang
nakasulat doon ay matatagpuan ang
tamang daan sa likod ng ikasampung
bilang ng madadaanan nating rebulto
ng malaking ibon. Hindi ko ito
napansin dahil halos tuldok lang ang
sulat nito.. Tingnan ninyong mabuti."
Paliwanag ni Andrei. Itinuro niya ang maliliit na letrang nakasulat sa mapa.
"Mukhang sinadya ito para lituhin
tayo." Ani naman ni Christopher.
"Sinadya? Ngunit nino?" Tanong ko.
"Hindi ko alam. Makakabuti sa atin kung makababalik tayo sa kweba
para hanapin ang daan pabalik. Iyon
lamang ang tanging paraan para
makaalis tayo at makauwing ligtas."
Sabi ni Andrei.
"Hindi Ayoko! Nababaliw na ba kayo.?
Mamamatay tayo kapag bumalik doon, dahil nasa tabi-tabi lamang sila. Ang kailangan nating gawin ay manatili dito habang naghihintay ng mga tutulong sa atin!" Pasigaw na sambit ni May.
"Ngunit paano kung walang dumating
na tulong May? Mas manganganib
ang buhay natin kung wala tayong
gagawin. Sabi mo nga hindi ba? Nasa
tabi-tabi lamang sila. Kailangan
nating sumugal para sa ikakabuti
natin. Walang ligtas na lugar dito May.
Mapanganib man ang pag balik sa
kuweba ay iyon lang ang natatanging
paraan para makauwi tayo." Ani ni
Daniel.
"Kung ganoon ay kailangan na nating
paghandaan ang pagpunta doon. Hindi biro ang panganib na naghihintay sa atin, teka nasaan si Kia?" Tanong ko nang mapansin na kanina panga pala wala dito ang bestfriend ko.
"Marahil ay tulog pa iyon. Para nga
siyang ewan eh, kanina sinilip ko siya,
aba't nakatalukbong pa ng kumot
eh ang init-init naman sa kwarto."
Natatawang sambit ni Topher.
"Teka, gigisingin ko nalang" Tumayo
ako at naglakad patungo sa kuwartong tinulugan ni Kia at May. Tinapik ko ang nakatalukbong na si Kia ngunit hindi ito gumalaw kaya naman dahan-dahan kong inalis ang pagkakatalukbong
niya sa kumot ngunit wala akong Kia
na nakita. Tumambad sa akin ang
patong patong na unan na ginamit niya para siguro ay isipin na naroon lang siya at natutulog. Naguguluhan akong lumabas at bumalik sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko.
"Wala si Kia sa kuwarto." Sambit ko sa
nag-aalalang tinig.
"Paanong wala babe?" Tanong naman
ni Daniel.
"Kung ganoon ay umalis siya ng hindi
natin al.," Naputol ang pag sasalita
ni May nang makarinig kami ng sunod-sunod na pagkatok sa pinto.
"Teka silipin ko lang." Lumapit ako at nang bubuksan ko na sana ang pinto ay hinarang ako ni Daniel. "Babe! Hindi natin alam kung sinong nandiyan baka iyan ang killer" Sambit ni Daniel na pinandilatan pa ako ng mata. Sinilip niya ang siwang ng pinto at nagulat sa kaniyang nakita. "Si Dave, buhay pa si Dave," masayang sambit ni Daniel at tuluyan na nga niyang binuksan ang pinto.
"Dave? Kennedy?" Nagulat ako nang
masilayaan ang mukha ng lalaking una kong minahal.
"Vincent... I found you," Mas
nagulat pa ako nang bigla niya akong
niyakap ng mahigpit. Hinayaan ko
na lang iyon dahil masaya ako na muli
siyang makita. Matagal narin kase
buhat ng huli kaming nagkita kaya
medyo namiss ko ang gagong ito. "Kamusta ka na? Akala ko hindi na kita makikita," dagdag pa nito.
"A-anong ginagawa mo dito? Paano
mo nalaman na nandito kami?"
Naguguluhang tanong ko.
"Ehem!" Bahagya kong naitulak si
Kennedy nang aking marinig ang
makahulugang pagtikhim ni Daniel.
"Ah...eh mahabang kwento, ang mabuti pa ay papasukin mo muna kami," Sagot ni Dave, nilingon ko siya at saka ko pa lang nakita ang duguan niyang suot. Hindi na rin maganda ang amoy niya dahil siguro sa mga natuyong dugo roon. Mukhang namumutla rin siya at halatang nanghihina kaya inalalayan ko siya papasok.
"Dave, kaw yan? We've thought
you're already dead." Masayang
sambit ni Christopher. Habang si
Andrei naman ay masama ang tingin
sa kakaupo lang na si Kennedy.
"Bakit nandito iyang si Kennedy.?"
Malamig na tugon naman ni May. Kasalukuyan kaming kumakain
habang patuloy na ikinukwento ni
Kennedy kung bakit siya nakarating
dito. Kung paano niya nalaman ang
kataksilan ni Joice at ang panganib na
naghihintay sa aming lahat. Ganun
din si Dave na halos mangatal-ngatal
sa pagsasalaysay sa sinapit niya sa
kamay ng magkapatid na demonyo.
Nawalan ako ng ganang kumain
sa napakaraming rebelasyon na
aking narinig. Mula sa trahedyang
naganap sa pamilya ni Kia, sa muling
pagkabuhay ng kaniyang ama, sa
pagpatay at pagkain nila sa bawat
taong kanilang nabibiktima, sa panto-
torture ng magkapatid kina Dave
at Jeffrey hanggang sa kung paano
nakatakas si Dave ay malinaw niyang
naipaliwag.
Sa lahat ng mga kaibigan ko ay kay
Kia ako mas napalapit. Tinuring
ko na siya bilang nakatatandang
kapatid ko at minsan nga ay
kami pa ang napagkakamalang
magkasintahan dahil sa malalim
naming pagkakaibigan. Siya ang
mas nasaktan noon ng iniwan ako ni Kennedy matapos kong sabihin
dito ang tunay kong nararamdaman.
Siya rin ang nagtulak sa akin para
mapalapit kay Daniel, hindi ko yata
kayang tanggapin na siya din pala ang
magdadala sa amin sa kapahamakan. Ang isa ko pang ipinag-aalala ay kung ano na ang nangyari kay Jeff, sana hanggang ngayon ay maayos pa rin ang kalagayan niya.

"Kung ganoon ay hindi rin pala tayo
ligtas sa bahay na ito, dahil sabi nga
ni Kennedy ay nahulog daw tayo sa
patibong sa pagtuloy natin dito?"
Sambit ni Daniel na maayos na ang
tingin kay Kennedy, hindi katulad
kanina na halos kainin niya ito ng
buhay.
"Mukhang kailangan na nga nating
umalis dito." Pagsangayon naman ni
Andrei.
"Pero paano si Dave? Hindi pa niya
kayang maglakad dahil sa mga natamo niyang pinsala." Ani ni May na may bahid ng pag-aalala sa tinig. "Siguro ay magpalipas muna tayo
kahit isang araw pa rito, bukas ay
magiging maayos na ang pakiramdam
ko. Pangako!" Sambit ni Dave.
"Akong bahala diyan kay Dave..
Remember, registered nurse ako" Si
Kennedy naman ang nagsalita na may
halong pagmamalaki.
"Sus! Nurse na hindi kayang gumamot
ng sakit sa puso!" Pangaasar naman
ni Christopher kaya siniko ko ito ng
malakas. Napatingin naman si Daniel
sa akin na nakakunot pa ang noo.
"Sige na ako na ang magliligpit ng
kinainan natin.. Samahan n'yo
na lang si Dave sa kwarto para
makapagpahinga." Mungkahi ni May.
Matapos naming kumain ay inihatid na namin si Dave at Kennedy sa isang bakanteng kwarto para makapagpahinga na sila. Ngunit
napasarap ang aming kuwentuhan
at hindi na namin namalayan ang
tumatakbong oras.

May's Pov
Lumabas ako para kumuha ng tubig sa
de tunggang gripo na aking gagamitin
sa pagbabanlaw nang pinggan. Habang
tinutungga ko ang gripo ay napansin ko
ang isang pack ng Dairy milk chocolate
na aking paborito di kalayuan sa
aking kinaroroonan, luminga ako sa
paligid para siguraduhin kung may
tao ngunit wala akong nakita bukod
sa mga puno at nagtataasang mga
damo. Nilapitan ko ang kinaroroon
ng chocolate at masayang dinampot
ito at ng aking binuksan ay mabilis ko
itong nilantakan. Ilang araw nanga
ba akong hindi nakakain nito , hindi
ko na matandaan kaya muli kong
nilantakan ang pangalawang bar
ng chocolate ngunit nang akin itong
maubos ay bigla akong nakaramdam
nang pagkahilo. Kahit pa umiikotna
ang aking paningin sa paligid at medyo
nanlalabo narin ay pilit kong imilulaga
ang aking mga mata, nakita ko pa
ang dalawang bulto ng tao bago ako
tuluyang nawalan ng malay.
Itutuloy..

Shush (Boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon