Chapter 11

15 4 0
                                    

Third Person's Pov

Masayang ibinababa ni Monica sa
lamesa ang iba't ibang putaheng
kaniyang niluto. May adobo, Bicol
express, inihaw at ang pinaka paborito niyang nilaga. Kakaiba ang bawat aroma noon na lalong lumulunod sa kaniyang sistema. "Ummmh ang bango! Grabe iba talaga kapag fresh ang karne, siguradong magugustuhan ito ni Papa."

Hindi niya napansin ang humahangos sa paglalakad na ama niya papalapit sa kinaroroonan niya.
Galit na galit ito at sa ilang segundo
lang nang paglapit nito ay malakas siya nitong sinampal sa pisngi na kaniyang ipinagtaka.
"Ang tatanga ninyo talaga! Hindi
ba't kabilin-bilinan ko sa inyo na
ibinagbawal ng ating panginoon ang pagsasayang ng pagkain! Hindi kayo marunong makinig. Christian, Joice bumaba kayo rito!" Galit na sambit ng kaniyang ama. "Pa..bakit ang init ng uo mo ngayon? Hindi ba masarap ang niluto ni Monica?" Tanong ng kabababa lang na si Christian na sinundan agad ni Joice. "Oo nga po. Maaga pa naman siyang gurmising para lang ipigluto tayo," pagsali ni Joice sa usapan. Isang malakas na sampal din sa dalawa ang isinagot ng kanilang Ama. "Sabihin ninyo sa'kin. Sino ang sumunog sa lalaking nasa silid katayan?" Saglit na natahimik ang dalawa. "Hindi ba't kabilin bilinan ko na huwag na huwag kayong mag sasayang ng pagkain? Ano ngayon ang gagawin natin sa sunog na bangkay na iyon Ha makakain paba natin iyon? Hindi kayo nag iisip!" Galit na galit na sambit ng kanilang Ama. Hindi nakasagot ang tatlong magkakapatid sa sinabing iyon ng kanilang Ama. Takot na Takot ang mga ito ngunit madali ring nawala dahil nag iba agad ang ekspresyon ng mukha nito.
"Palalampasin ko ito sa ngayon ngunit kapag naulit pa ito ay talagang makakatikim na kayo sa akin. Maliwanag ba?" Dagdag pa nito
na tinanguan lamang ng tatlo. Saglit na nawala ang tensyon sa pagitan nila nang magsimulang silang kumain, sarap na sarap sila sa karne ng
kawawang si May. Walang gustong
magsalita. Ang bawat subo at pag-
nguya nila sa pagkain ay kanilang
ninanamnam. Saglit na umalis si
Christian at pagbalik nito ay masaya
niyang inilapag sa mesa ang pitsel ang
punong-puno ng dugo na binili pa niya sa Ospital matapos niyang ilabas
ang noo'y nakaadmit pang kapatid ni
May. Bigla na namang nabuhay
ang kaniyang alaga nang maalala ang ginawa niya kay Brent at sa kapatid nitong si May.

Daniel's Pov

Natapos ang maghapong paghahanap
namin kay May ngunit hindi namin ito nakita. Naiinis akong lumabas ng kuwarto dahil hindi kuna matiis ang aking nakikita. Sino ba ang Kennedy na iyon at parang close na close sila ni Vincent! Matapos niyang iwanan nang ganon ganon lang si Vincent, babalik siya na parang walang nangyari! Hays kung makalapit pa, akala mo silang dalawa ang mag kasintahan. Mukhang gustong-gusto din naman nitong si Vincent, ni hindi na nga niya napansin na kasama nila ako! Parang sila lang dalawa ang tao! At isa pa, kahit sa paghahanap namin kay May ay lagi paring magkalingkisan ang dalawa nakakabanas. Kahit ang padabog kong pag sara ng pinto matapos lumabas ay parang hindi rin nila napansin, hays bahala sila! Oh Pre bakit parang ang init yata ng ulo mo? Ano ba ang problema?" Sambit ni Christopher na hindi ko na lang sinagot. Magkatabi sila ni Andrei habang kumakain ng Chicharon. "Alam ko na hehehe. Nagseselos iyan kay Ken At Vincent." Pambubuska pa ni Andrei. "Can you guys shut the f*ck up!" Mahina pero may diin kong sabi sa kanilang dalawa. "Alam mo kas.." Naputol ang
pagsasalita ni Topher nang sabay-sabay naming marinig ang malalakas na katok mula sa pinto. Lumapit ako dito at bubuksan na sana ngunit pinigil ni Andrei ang aking kamay nang pipihitin na sana ang door knob. "Are you out of your mind? Baka iyan ang Killer, huwag mong buksan!" Pabulong nitong sambit. Tinignan ko lang ito at.. Tok! Tok! Tok! Tok! Napaatras kami nang ilan pang malalakas na pagkatok ang ginawa ng kung sino man ang nasa labas. "Baka si May na 'yan." Sambit ko ngunit pinanlakihan lang ako ng mata ng dalawa. Makalipas ang ilang minuto ay parang nawala na ang taong kumakatok kaya naman dahan dahan kong binuksan ang pintuan, ngunit isang hindi kaliitang kahon lang ang bumungad sa amin. Sabay-sabay kaming napalinga sa palingid ngunit wala kaming nasilayang kahit anino.
"Ano na namang paandar to?" Sambit
ko habang pinapasadahan ng tingin
ang kahon na animo'y nilagyan pa
ng ibat-ibang palamuti at tinalian pa
talaga ito ng pulang laso, may note din
dito na nakaipit.

"Mukhang mamahalin ang laman niyan pre! Buksan na natin!"
Namamanghang sambit ni Andrei.
Lumapit si Topher at nang madampot
nito ang kahon ay inalog-alog
niya ito. "Woah haha may laman
nga," anito. Inagaw ko ito kay
Topher at nagmamadali ko itong
binuksan. "Ingat pre baka masira
haha." Ani ni Andrei na hindi inaalis
ang tingin sa binubuksan kong kahon.
"Put*tang Ina!" Sa gulat ko ay na ibato
ko ang kahon kasama ang laman nito na... PUGOT NA ULO NI May." Ang
dalawang magkasintahan naman ay
mabilis na tumakbo papasok ng bahay habang sumisigaw. Nilakasan ko ang aking loob para lapitan at suriin kung kay May nga ba talaga ang
pugot na ulong iyon at hindi nga ako
nagkamali. "Oh my God! Si May, patay
na rin si May!" Bungad ni Vincent na
humahagulgol na sa pag-iyak, nilapitan ako ito at niyakap ng mahigpit. Tinignan ko ang tatlo na ngayon gulat na gulat parin sa kanilang nasaksihan. "Wai, I forgot the note!" Sambit ko nang ma alala na may note nga palang kasama ang kahon. "Note?" Garalgal ang boses na
tanong ni Vincent. "May kasamang
note ang kahon." Sagot ko pabalik dito. Magkakasama naming nilapitan ang kahon at kahit medyo naaasiwa ako ay pilit kong tinanggal ang pagkakaipit ng note dito. Sinadya kong lakasan ang pagbasa para marinig ng lahat. Napasulyap pa ako sa kadarating lang na si Dave bago tuluyang binasa ang note.

"TO KENNEDY AND VINCENT, Higpitan n'yo ang kapit sa minamahal
ninyong si Vincent dahil pag nakalingat kayo ay baka hindi n'yo na siya makita hahaha. Crush pa naman siya ni Kuya! My condolences for y'all dahil sa pagkamatay ni Erol, May at Jeffrey =) Napakasarap palang pumatay kung alam mong ang kapalit nito ay pagkabuhay. I love you guys mwuapppps.

Dumidilim na nang magpasaya kaming magsipasok sa loob ng bahay.
Tahimik kaming naupo at walang
gustong bumasag ng katahimikan.
Ninanamnam ang bawat pag pasok ng
hangin mula sa bukas na bintana.
Napalingon ako kay Vincent na
nakasandal sa balikat ko. Bigla na
namang pumasok sa isip ko ang nakasulat sa note. Hindi ako takot sa kamatayan at mas lalong hindi kaya ng konsenya ko ang pumatay ng Tao, pero para sa kaligtasan ni Vincent, papatay ako! Kayang kaya kong isugal ang buhay ko mailigtas lang ang taong minamahal ko! Hinalikan ko siya sa noo matapos ay dahan dahan kong ipinikit ang aking mga mata.

Shush (Boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon