Chapter 6

22 7 0
                                    

Joice's Pov

Naalimpungatan ako dahil sa
nakakasulasok na usok na aking nalalanghap. Nang Idilat ko ang
aking mga mata ay laking gulat ko
ng makita ang napakalaking usok na
ngayo'y bumabalot sa aming silid. Dali-dali kong tinapik ng malakas si Ate para magising at sa ilang pagtapik ko sa kanya ay napakayap na lang siya sa akin at nagsimulang mataranta.
"Sunooooog! Mama...Papa tulungan
ninyo po kami dito! Hindi po ako
makahinga." Malakas na sigaw ni Ate
habang umuubo. Nagsimula na rin
akong umiyak dahil maging ako
ay hindi narin makalanghap pa ng
hangin. Nabuhayan ako nang loob ng
makitang bumukas ang pinto ng aming silid at bumungad ang nag-aalalang mukha ni Kuya Christian. Agad niya kaming nilapitan at niyakap ng mahigpit.
"Kuya, nasaan sina Mama at Papa Ligtas ba sila?" Nag-aalalang tanong ni Ate na ngayon ay umiiyak parin. Habang ako ay halos hindi na makagalaw sa aking kinatatayuan.
"Mamaya na kayo magtanong!
kailangan na nating makalabas dito
dahil kung hindi ay pare-parehas
tayong masusunog." Sambit ni Kuya.
Inabot niya ang kamay namin at dali-
dali naming tinungo ang palabas
sa aming silid. Ngunit nang makalabas kami ay tumambad sa aming harapan ang kaawa-awa kong Ina na tadtad ng saksak sa ibat-ibang parte ng katawan.
Naliligo na rin ito sa sariling dugo at
ang mas nagpasakit ng aking kalooban ay nang makita ang malaking itak na nakatarak pa sa kaniyang tiyan. Sisigaw na sana ako ngunit tinakpan ni Kuya ang aking bibig kaya naman, tanging paghikbi na lamang ang aking nagawa.
Maingat akong inakay ni Kuya at sa
ilang paghakbang pa lamang namin ay bigla kaming nakarinig
ng mga yabag ng paa.
"Bilisan ninyo! Dali dito...dito tayo."
Pabulong na sabi ni Kuya. Agad niya kaming hinila papunta sa ilalim ng
mesa para magtago.
llang saglit pa ay nasilayan na namin
ang apat na lalaki na nagtutulong-
tulong sa pagkaladkad sa aming Ama.
Nakabusal ang bibig nito at halos
hinang hina na rin dahil sa mga
malalaking sugat na kaniyang natamo. Bigla akong nanlumo sa kaniyang hitsura. Tinanggal ng isa sa mga lalaki ang busal sa bibig ni Papa at laking gulat ko nang suntukin niya iyon ng napakalakas at sinundan pa ng isa pang suntok sa kan'yang panga. Tanging paghikbi na lamang ang aking nagawa dahil muli
na namang tinakpan ni Kuya ang aking bibig gamit ang kanyang palad.
"Maawa kayo samin! Marami akong
pera. K-kung gusto ninyo ay
ibibigay ko na sa inyo lahat huwag
ninyo lang kaming saktan, lalong lalo
na ang mga anak ko!" Pagmamakaawa
ni Papa ngunit napakalakas na
halakhak lamang ang isinagot ng
mga lalaking halos wala ng kaluluwa. Mga Demonyo sila! Parang masayang masaya pa sila sa pagpapahirap sa aking Ama.
"Awa ba kamo? Wala kami 'non hahaha!
"Sambit ng isa pang lalaki. Napukol
ng atensiyon niya ang lumaglag na
nagbabagang kahoy mula sa bubong
bago muling tumawa ng nakakaloko.
Kinuha niya ang nagbabagang
kahoy at walang awang inihampas
at itunusok-tusok pa sa ibat-ibang
parte ng katawan ng aking kawawang
Ama. Patuloy sa pagsusumamo si
Papa ngunit parang tila sinapian na
ng demonyo ang mga lalaki. Halos
manlumo ako sa aking nakikita, lalo
pa nang isaksak ng lalaking iyon ang
hawak na kahoy sa tiyan ni Papa. Hindi ko na maiitis ang aking nakikita kaya naman...
"Papa!" napasigaw ako ng malakas
dahilan para sa amin mapukaw ang
lahat ng atensyon ng mga lalaki.
"Aha! nariyan lang pala kayo ha!
Kanina ko pa kayo hinahanap." Nakangising sambit ng isang lalaki. Palapit na sila ng palapit sa kiranoroonan namin pero nagulat ako nangg buhatin ako ni Kuya habang si Ate naman ay mahigpit na
nakakapit sa damit nito.
Dali-daling tumakbo si Kuya habang
karga ako ng isa niyang kamay habang ang isa pa ay mahigpit na nakakapit sa kamay ni Ate.
Hindi ko malaman ang dahilan kung
bakit hindi na kami hinabol pa ng mga lalaking iyon. Habang patuloy kaming tumatakbo at binabagtas ang daan
palabas ng bahay ay nakarinig ako ng sunod-sunod na putok ng baril at kasabay niyon ang pag tumba naming dalawa ni Kuya.
"K-kuya Christian!" malakas na sigaw ni Ate habang umiyak. Nang lumingon ako kay Kuya ay nakita ko ang maraming dugo na bumubulwak sa kaniyang likod kung saan tumama ang bala ng baril. Sa pagkakataong ito, alam ko nang sa ilang sandali pa'y wawakasan narin ng mga lalaking iyon ang buhay namin ni Ate. Magkahalong takot, sakit at kaba
ang lumukob sa akin ng mga sandaling iyon. Ang sakit pala kapag unti-unting nababawasan ang mga mahal mo sa buhay. At wala ng mas sasakit pa kapag ito ay nasaksihan mismo ng iyong mga mata.
Nabuhayan ako ng loob ng masilayan
ang kumpol ng aming mga kalapit-
bahay. "Tulong! Tulungan ninyo po
kami!" Maawa po kayo," Sigaw ko.
Ngunit nagtaka ako dahil tila hindi
nila naririnig ang aking pag tawag sa
kanila. Nakatingin lang ang mga ito sa
amin at ang ilan sa mga ito ay tila ba
nagbubulungan.
Ngayon ko lang napagtanto na mali
pala ang mga pangaral sa amin ni Mama. Na kapag ikaw ay labis na matulungin ay asahan mong mas malaki ang isusukli
nito sayo. Na maraming tulong ang darating sayo sa oras na ikaw ay mangailangan. Hindi ko lamang lubos maisip na sa sabila ng lahat ng pagiging mabuti at matulungin namin ng buong pamilya ko ay ito pa ang maigaganti nila.
Muli akong lumingon sa aming
naglalagablab na bahay at natanaw ko ang limang lalaki na papalapit
na pala sa kinaroroonan naming
magkakapatid. Hinanda ko na lamang ang aking sarili para sa aking nalalapit na kamatayan.
Hinawakan ni Ate ng mahigpit ang
aking kamay kaya nakaramdam ako ng konting kapayaan.
Pumikit na lang ako ng maramdaman
ang matigas na bakal na dumampi sa
aking sentido. Alam kong baril iyon na tatapos sa aking buhay.
"Huwag pare! Hayaan na natin sila,
mga bata pa ang mga iyan!" Rinig
kong sigaw ng isang lalaki ngunit
tinawanan pa ito ng lalaking ang baril
ay nakatutok pa rin sa akin. Nagulat
ako ng makitang inagaw na ngl alaking pumipigil ang baril sa kasamahan niya.
"Putangina! Bahala ka na nga! Kapag
nakapagsumbong ang mga batang
iyan sa pulis ay mananagot ka sa akin!" Galit na sambit ng lalaking may baril. Ilang saglit pa ay umalis na ito
na sinundan naman ng tatlo pa nitong mga kasamahan. Lumapit ang isang lalaki sa kinaroroon ni Kuya at pinagtatadyakan pa muna
ang kawawa kong kapatid ng ilang ulit bago umalis.
"Isinusumpa ko! Mas masahol pa
rito ang mararanasan ninyong lahat!
Laman sa Laman..Dugo sa Dugo! lisa-
isahin ko kayo!" Sigaw ng aking isipan.

Lumipas ang dalawang taon ay
nabalot ng takot at pagkagimbal ang
lahat nang matagpuan ang kani-
kanilang mga kaanak na wala nang
buhay. Nag mistulang katayan ng
baboy ang nasunog na naming tahanan. Kung saan rin nila
natagpuan ang ibat-ibang parte ng
mga katawan ng kanilang mahal sa
buhay. Ang dating tahimik at masayang Sitio ay napalitan nang mga panaghoy at hinaing ng mga taong nawalan ng mga mahal sa buhay. Humuhingi ng hustisya na kailanman ay hindi nila makakamit. Walang tumulong sa kanila. Ang dating sariwang hangin na kay sarap langhapin ay napalitan ng manlasa, masasangsang at nakakasulasok na amoy dahil sa mga pira-pirasong laman at mga bangkay
na araw-araw nilang natatagpuan sa
ibat-ibang sulok ng kanilang lugar.
Nasundan pa ang mga karumal-
dumal naming pagpaslang sa mamamayan ng buong baryo ngunit hindi nila matuloy kung sino o ano nga ba ang may kagagawan nito. Hanggang sa nag pasya na ang lahat na lisanin ang lugar. Ngunit kahit saan sila magpunta ay hindi sila nakaligtas sa aming paghihiganti. Sa Sakit ng Katamayan.

Oo nakipagkasundo si Kuya
Christian sa aming Diyos na naninirahan sa Kuweba. Ngunit hindi ito libre. Kailangan muna naming pumatay at kumain ng isandaang katao kapalit ng isang buhay. Iyon ang dahilan kung bakit nabuhay si Papa. Alam ninyo bang dati ay sukang suka kami ng pilitin kami ng aming Panginoon na kainin ang bawat taong mapapatay
namin? Haha! ngunit. Ngunit laking
pasasalamat namin sa kanya
dahil ang laman ng Tao pala ang
pinakamasarap na pagkain na aming
natikman sa buong buhay namin.
Kaya naman halos mag-agawan kami
kapag-iisang tao lamang ang nasa
hapag kainan. Pero kahit anong saya
namin ay may kaunting lungkot
parin dahil wala pa si Mama! At
kayo... Oo, kayo ang susi para muli
siyang mabuhay!
"Mga demonyo kayo! Masunog sana
ang mga kaluluwa ninyo sa impyerno!"
Sambit ng galit na galit na si Dave
ngunit sorry na lang sa kanya dahil
wala kaming kaluluwa! Haha.
Tumingin ako kay Jeffrey ngunit
tila nawalan na ito ng kakayahang
magsalita dahil naninigas ito sa
kanyang kinauupuan, marahil ay
takot na takot ito sa akin, kaya naman
nilapitan ko siya at marahang hinimas ang kan'yang buhok. " Girl nakakaawa ka naman! Wala pa nga akong ginawa sayo ay parang tigas na tigas kana agad! Galaw-galaw muna besh, baka maaga kang pumanaw hhaha!"
"A-anong g-gawin mo sa'kin
lumayo ka. Layo!" Nauutal na sambit nito kaya naman mas lalo akong natawa.
"Aha! may naisip ako haha! Bakit hindi na lang kaya muna tayo maglaro" Mungkahi ko habang pinapasadahan ng tingin ang dalawa kong bihag.
"Putang lina mo gago!" Pasigaw na
sambit ni Dave ngunit hindi ko na lang ito pinansin bagkos ay nagpatuloy ako sa pagsasalita.
"Ito ang mechanics boys. Lahat ng
mga itatanong ko sa inyo ay dapat
mahanapan ninyo ng sagot dahil kung
sino man ang maka-sampung puntos
ay papalayain ko. Ngunit ang bawat
mali ninyong sagot ay may kalakip na
parusa. Ako na ang bahala doon hahaha."Natatawang sabi ko ngunit hindi ako nakarinig ng pagtutol nila. Marahil ay sang-ayon naman ang dalawa sa isiping may pag-asa pa nga silang mabuhay.

"One more thing boys, Isa lamang sa
inyo ang pwedeng magwagi kaya Goodluck na lang hahaha." Dagdag ko pa. Saglit ko na silang iniwan para kumuha
ng mga bagay na gagamitin ko sa
bawat maling sagot na ibibigay nila.

ITUTULOY...

Shush (Boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon