Chapter 13

23 4 0
                                    

Kennedy's Point Of View

Ang tanga ko! Ang tanga tanga ko.
Hindi ko alam kung bakit nagawa
kong halikan si Vincent. Siguro ay
nadala lamang ako dahil sa matinding
pananabik ko sa kanya. At ngayon ng dahil sa katangahan ko, alam kong hindi lang si Daniel ang nasaktan
ko kundi pati na rin si Vincent.
Ngunit hindi kuna maibabalik pa ang
nangyari. Ang kailangan kong gawin
ngayon ay ang hanapin ang dalawa
para na rin makahingi ng tawad, alam
kong mahirap hingin yon pero gagawin ko.
Agad kong sinundan si Vincent ngunit
hindi ko na ito nakita. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad
habang isinisigaw ang pangalan ng
dalawa hanggang sa marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

"T-tulong!"

"Pakiusap tulungan nyo ako!"

Pamilyar sa akin ang boses na iyon
kaya naman agad ko itong sinundan, hanggang sa makarating ako sa tapat ng isang malalim na hukay. Agad ko itong sinilip at laking gulat ko nang makita rito si Daniel na may namumuo nang duo sa ulo. Nang masilayan niya ako ay agad niya akong sinamaan ng tingin.

"Umalis kana dito hayop ka. H-hindi ko kailangan ang tulong mo!" Pasigaw
nitong sambit.

"Mamaya kana magalit sa'kin
Daniel. Kailangan mong makaalis riyan dahil maging si Vincent ay nawawala na rin."  Natigilan siya.

"Sandali lang, maghahanap lang ako
ng pwedeng mag-alis sayo riyan."

Hindi naman ako nakarinig ng pag tutol. Luminga-linga ako sa paligid at nang may makita akong puno ng bagin ay agad akong nagtungo roon. Gamit ang malaking bato ay buong pwersa ko itong pinukpok hanggang sa malagot ito. Pinagbuhol-buhol ko ang mga banging na nakuha ko at nang sa palagay ko'y sasapat na ito ay bumalik agad ako sa kinalalagyan ni Daniel. Itinali ko sa katabing puno ang bangin at ang dulo nito ay inihagis ko pababa sa hukay. Mabuti na lang at umabot ito. Ilang saglit pa ay hinila na ito ni Daniel pataas at nang malapit na ito ay inabot ko ang aking  kamay, ngunittinanggihan niya ito. Sa Wakas ay kasama ko na s'ya.

"Hey, hindi ka dapat magalit kay
Vincent, dahil wala siyang kasalanan
dito. Ako! Ako ang biglang humalik sa
kanya ngunit nadala lang ako. Sabik na sabik ako sa kanya kung alam mo lang. Hindi ko gustong sirain ang relasyon n'yo. Pangako sa oras na makaalis tayo sa lugar na ito ay lalayuan ko na siya." Rinig ko ang malakas na bungtong- hininga n'ya.

"Hahanapin ko si Vincent at sa oras
na hindi ko siya makita, hinding hindi kita mapapatawad Kennedy!" Anito
matapos ay naglakad na siya papalayo. Teka Pre! Sandali lang sasama ako." Nagpatuloy lang siya sa paglalakad at hindi na ako nilingon pa. Tahimik ko na lang siyang sinundan.

Christian's Point Of View

Hawak ko parin ang malaking bato
na dapat ay kikitil na sana buhay ni Daniel habang nang-gagalaiti sa galit dahil sa senaryong aking nakikita.

Si Joice ay kanina ko pa pinaalis dahil sa walang tigil nitong panunukso sa'kin. Ilang dipa man ang layo ko ay malinaw sa akin ang paguusap ng dalawa.

"Hindi ka dapat magalit kay Vincent
dahil ako! Ako ang may kasalanan.
Ako ang humalik sa kanya dahil.."
Bigla ay napangiti ako sa aking mga
narinig. Kaya ba para silang tangang
naghahabulan? Kaya ba ganoon na lang ang galit sa mukha at kilos ni Daniel kanina ay dahil sa nahuli niya ang mga itong naghahalikan? Nakakatawa.
Napalingon ako sa kabilang dako
nang mapansin ang isang taong ni sa
panaginip ay suwertihan ko pang
makita. Si Vincent, nakayuko at naghahabol sa paghinga. Lalong lumawak ang mga ngiti sa aking mukha. Tingnan mo nga naman, talagang umaayon Sa akin ang
pagkakataon. Tahimik akong
naglakad palapit sa kinaroroonann
niya. Mabilis ngunit maingat ang
bawat pag hakbang ko sa isiping
baka marinig ng dalawang bugok na
iyon. Hindi na ako nag aksaya pa ng
oras. Hinugot ko sa aking bulsa ang
panyong inispreyan ko ng pampatulog
kanina at nang makalapit ako mula sa
likuran nya ay agad ko syang dinamba. Niyapos ko siya ng pagkakahigpit at itinakip ko sa kanyang mukha ang panyong
hawak ko. Saglit siyang nagpumiglas
ngunit talaga ngang napakabilis
ng epekto ng likidong in-i-spray ko
sa panyo. Agad syang nanghina at
nasapo ko ang kaniyang katawan ng
siya'y mawalan ng malay. Binuhat ko
siya ng hindi iniinda ang bigat niya.
Naghalo ang saya at excitement ko.
Ito na siguro ang pinaka maswerteng
araw sa buhay ko. Mabilis ko siyang nailayo. Ilang hakbang pa ang aking nilakad nang matanaw ko na ang aming tahanan ngunit agad akong napatigil at biglang napaisip.

Shush (Boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon