Chapter 18

14 2 0
                                    

Vincent's Point Of View

"Kaya mo pa bang maglakad babe?" Nag aalalang tanong ni Daniel matapos naming tumigil sa tapat ng malaking puno. Napatingin nalang ako sa kanya at tumango. Laking pasasalamat ko dahil mukhang nakalayo na kami sa baliw na si Christian. Pero hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa akin ang mga naganap kahapon. Hindi kami makakatakas ni Daniel kung hindi dahil kay Kennedy. Sa huli ay pinili pa rin niya ang kaligtasan ko. Matapang niyang hinarap ang kamatayan para lang mailigtas ako at ngayon nga ay wala na s'ya. Patay na ang lalaking una kong minahal.

Hinawakan ni Daniel ang mukha ko para punasan ang aking mga luha. Tiningnan ko siya, at tuluyan na nga akong napahagulhol. Niyakap niya ako ng sobrang higpit. "B-babe, si Kenn... Patay na si Kenn at p-pinabayaan natin s'ya. Iniwan natin s'ya Daniel!" masuyong hinagod niya ang likod ko. "Shssssh... Tahan na. Hindi natin kasalanan ang nangyari. Hinayaan n'ya tayong makaalis para hindi tayo mahabol ni Christian. Iniligtas n'ya tayo! Iniligtas ka n'ya dahil hanggang ngayon ay mahal na mahal ka pa rin n'ya." Mas lalo akong napahikbi dahil sa sinabi n'ya. Habang tinititigan ko ang kanyang mukha ay wala akong nakitang sakit sa mga sinabi n'ya. Ah naiintindihan n'ya si Kenn kaya alam kong hindi s'ya nakakaramdam ng selos dahil sa pagmamahal sa akin ni Kennedy. Ako naman ang yumakap sa kanya ng mas mahigpit. Mabuti na lang talaga at hanggang ngayon ay kasama ko pa rin s'ya. At hinding hindi ko hahayaang magkalayo pa kami kahit ano pang mangyari. Kahit pa ikamatay ko.

Lumipas ang magdamag namin ni Daniel ngunit hindi pa rin namin makita kung nasaan ang bahay na tinutuluyan naming magkakaibigan. Siguradong naliligaw na kami dahil napakalawak ng kagubatang ito. Sa pagod ay nagpasya kaming magpalipas na lang ng gabi dito sa ilalim ng puno. Salamat at walang nangyaring masama sa amin. Kagabi ay hinayaan lang ako ni Daniel na makatulog. Ramdam kong hindi umaalis ang tingin niya sakin. Alam kong binantayan niya ako ng magdamag. Mahal na mahal talaga niya ako.

Nasa kala gitnaan kami ng paglalakad nang matanaw ni Daniel ang bahay hindi kalayuan sa tinatayuan namin. "Sigurado kaba sa gagawin natin babe?" Kinakabahan kong tanong sa kanya. Hinawakan nya ang kamay ko. "Baka matulungan tayo ng mga nakatira d'yan babe. Kailangan nating makigamit ng cellphone para makatawag ng pulis. Baka isunod na nila sina Christopher." Napatango nalang ako at nagpaakay sa kanya. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin  palagay ang loob ko.

Nang makalapit na kami sa pinto ay sunod-sunod na kumatok si Daniel at gulat kaming nagkatinginan sa isa't- isa nang masilayan ang babaeng nagbukas ng pinto.

"Pag sinuswerte ka nga naman hahaha."  Bungad ni Kia habang tumatawa. Bago pa kami makatakbo ay mabilis na niyang nahampas ng baseball bath ang ulo ni Daniel kaya agad itong natumba. Lalapitan ko na sana s'ya nang may dalawa pang taong lumabas sa pinto at hinawakan ang magkabila kong mga kamay. Sapilitan nila kaming ipinasok ni Daniel sa loob ng mabaho at masangsang na silid. At mas lalo akong nagulat ng sunod-sunod kong makita ang tatlong taong nakagapos sa loob. Si Christopher, Andrei at si Dave na wala nang buhay. Nakalabas ang bituka nito na nakapulupot pa sa sariling leeg. Bigla ay nanlambot ako sa aking nakita.

Ngayon ko lang napansin ang dalawang taong mahigpit na nakahawak sa braso ko, si Joice at Christian na laging matalim ang tingin sa akin. "Kia, hindi ka ganito. Parang awa mo na... T-tulangan mo kaming makatakas." Pagmamakaawa ko ngunit isang nakakalokong ngisi lang ang isinagot niya sa 'kin. "Huwag kang mag makaawa sa kan'ya Vincent... kahit anong sabihin mo, hindi ka papakinggan ng mg demonyong iyan!" Galit na galit na sambit ni Daniel. Agad na lumapit si Kia sa kanya. "Tumpak! Hinding hindi kayo makakalabas ng buhay di---" Napatigil siya sa pagsasalita nang duraan ni Daniel ang mukha niya. Sa galit ay malakas niyang pinagsasampal ito. "P*tang *na mo! Tingnan natin ngayon kung hanggang saan ang angas mo kapag tinanggalan ko ng ulo ang taong pinakamamahal mo!" Humahangos na naglakad ito palapit sa akin dala ang mahaba at matalas na itak. Napatigil ako sa pag hinga dahil sa takot.
"Kapag itinuloy mo yan ay sinasabi ko sayong mapapatay kita Kia!" Akmang ihahampas na ni Kia sa akin ang itak nang  masilayan ko ang pag pasok ng medyo may kaidaran ng lalaki na hindi pangkaraniwan ang mukha. "Tama na yan Kia. Kailangan na nating simulan ang ritwal para sa muling pagkabuhay ng  inyong Ina at bunsong kapatid." Lalo akong kinabahan sa sinabi nito.
"R-ritwal... A-anong ritwal? Wala naman kaming kinalaman d'yan." Nauutal sa sabi ni Christopher. Alam kong maging sila ay kinakabahan sa mga ikinikilos ng lalaki. Tiningnan ko Ang magkatabing sina Andrei at Daniel na parang pinipilit  tanggalin ang pagkakagapos sa kanilang kamay. Gusto ko man silang sawayin ngunit paano kung mas lalo lang silang mapahamak. Masakit mang isipin pero kahit pa anobg effort ang gawin nila ay hindi na namin ito matatakasan. Hindi na namin matatakasan ang kamatayan.
"Ay... Hindi ko ba nabanggit?" Nakakalokong sambit ni Joice matapos tapikin ang braso ni Kia. "Ngayon kasi namin isasagawa ang Ritwal para sa pagkabuhay ni mama at ni Red. At kayong apat? Well kayong apat lang naman ang magiging alay namin. Hindi makukumpleto ang lahat kung wala kayong apat kaya naman labis kaming nagpapasalamat sa inyo." Paliwanag ni Kia na mukhang inalisan na talaga ng bait.

"Mga Demonyo kayo!" Kaming lahat ay nagulat dahil sa pag sugod ni Andrei sa matandang lalaki. Dala ang palakol, nakalagan na pala niya ang sarili. At ngayon nga ay mabilis niyang nasunggaban ang lalaki na hindi manlang nagawang gumalaw dahil sa gulat. Mabilis niyang pinag napalo ang lalaki hanggang sa matumba ito. "Demonyo ka... Demonyo kayo... P*tang *ina n'yo." Gigil na gigil at walang tigil na pinagpapalakol ni Andrei ang leeg ng matandang lalaki hanggang sa matanggalan ito ng ulo. Ngunit hindi pa dito natapos ang lahat nang ihampas niya ang katawan ng palakol sa ulo ng lalaki hanggang sa madurog ito.

"Itaaaaay...." Umiiyak na sigaw ni Joice. Humahangos na naglakad ang tatlong magkakapatid papunta sa namatay na ama at kay Andrei.

Shush (Boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon