Chapter 3

41 12 2
                                    

Third Person's Point of View:

Dalawang lata pa lang ng beer ang naiinom ng baklang si Jeffrey ay tila lasing na lasing na ito. Kasalukuyan siyang nagtatatalon habang sumasayaw na animo’y bulate sa tugtog na nanggagaling sa inilabas n’yang wireless bluetooth speaker kanina. Habang ang lahat ng kaniyang mga kaibigan ay halos mabaliw-baliw na sa katatawa, matapos nito ay hingal s'yang napaupo.

"Bro, dinala mo ba iyang gitara mo dito para i display lang haha sample naman d’yan," panunukso ni Topher kay Daniel na hawak ang gitara nito. Sa buong barkada, alam ng lahat na si Daniel ang pinakatalentado dahil bukod sa napakagaling nito sa larangan ng basketball ay biniyayaan din ito ng magandang boses.

"Oo nga naman Bro, Sample! Sample! Sample!" Pagsangayon naman ni Andrei habang pumapalakpak na agad ding ginawa ng iba nilang kasamahan.

"Tsk! kumanta kana kasi babe daming arte nito haha, para madali yung *Sa aking puso* nalang ang kantahin mo paboritong kanta mo iyon diba?" Mungkahi naman ni Vincent sa kasintahan.

" Sample! Sample! Sample! " Sabay sabay na sigaw ng buong barkada habang pumapalakpak.

"Sige na nga hehe,"pag sangayon naman nito kaya naman habang inuumpisahan na niyang laruin ang kanyang hawak na gitara ay nagumpisa na s’yang kumanta.

Uulit-ulitin ko sayo,

Ang nadarama ng aking puso,

Ang pagibig ko’y para lang sayo,

Matatagpuan larawan mo,

Habang kumakanta ito ay kay Vincent ito nakatingin at sa bawat pagbigkas ng lyrics ng kantang iyon ay nakikita ni Vincent sa mga mata niya na punong puno ito ng sinseridad at pagmamahal para sa kanya.

Ikaw ang laging hanap-hanap sa gabit- araw,

Ikaw ang nais ko sa tuwina ay natatanaw,

Pumikit si Vincent at nagbalik sa kanya ang mga ala-ala noong panahonng una silang magkakilala. Ngayon ay naisip niya kung gaano siya kaswerte dahil siya ang pinili nitong mahalin. Ramdam na ramdam n'ya kung gaano s'yang kamahal ni Daniel kaya naman ipinangako niya sa sarili na hinding hindi siya mawawala sa tabi nito, na mamahalin niya ito hanggang kamatayan.

Ikaw ang tunay na pag-ibig wala nangang iba,

Sa aking puso'y tunay kang nag-iisa.

Pagtatapos nito sa kanta habang nakatingin kay Vincent, ang mga mata nito ay tila may namumuong luha at kasabay nag pagtapos sa kanta ay agad siyang hinalikan ni Vincent sa labi.

"I love you babe," anito.

"I love you more Mr. Daniel.” Tugon ni Vincent matapos ay muling naglapat ang kanilang mga labi.

"Omg sana ol talaga! Kailan kaya ako makakahanap ng Mr. Daniel ko," sambit ni Jeffrey.

"Asa kapa bakla haha," pangaasar naman ni Kia, pinandilatan lang ito ng bakla.

"Guys, tamik haha may naiisip ako. Laro tayo ng Truth or Dare bawal K.J ha? Paiikutin ko itong bote ng soju at kung sino ang matatapatan nito ay siyang taya.” Mungkahi ni May.

"Ok sige sige, masaya yan," pag sangayon naman ni Dave.

Tahimik ang lahat habang hinihintay kung sino ang unang matatapatan ng pinaikot na bote ng soju. Ilang segundo lang ay tumapat ang ulo ng bote kay Eroll, nagulat pa ito dahil abala ito sa paglalaro ng Mobile Legends.

"Ok Eroll dahil ako ang nagpaikot ng bote at ikaw naman ang unang natapatan nito, pili ka Truth Or Dare?”

"Eroll! Eroll! Eroll!” Sigaw ng buong barkada.

Shush (Boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon