Chapter 15

25 4 0
                                    

Vincent's Point Of View

Totoo pala yung kasabihan na... Magbabalik tanaw yung mga nangyari sayo sa nakaraan kapag malapit ka nang mamatay. Sa pag pikit ng mga mata ko, habang patuloy ang pambababoy ni Christian sa katawan ko, alam kong sa pagkakataong ito ay nanganganib na ang buhay ko. Alam kong pagkatapos niyang gawin ang lahat ng gusto niya sa akin ay kamatayan ang bagsak ko. Sa pagbabalik-tanaw ko ay hindi ang kabataan ko ang nakita ko. Hindi ang masasayang araw kasama ang mga magulang ko, kundi ang isang lalaking may hawak na panyo na pilit iniaabot sa akin. Malinaw sa ala-ala ko kung paano niya pinagaan ang pakiramdam ko noong halos masira ang buhay ko sa pang iiwan noon sa akin ni Kenn. Nakita ko kung paano kami nagsimula ni Daniel at kung paano kami nagtapos, nagtapos nga ba? Mapapatawad pa kaya niya ako. Mamahalin pa rin ba n'ya ako  kahit may iba nang taong nakatikim ng halik ko. Tatanggapin pa kaya niya ako kapag nalaman rin niya itong pagsasamantala sa akin ni Christian. Hindi ba niya ako pandidirihan dahil ang dumi- dumi na ng pagkatao ko.

Muli akong nagbalik sa kasalukuyan. Nasilayan ko si Christian habang pilit na pinagkakasya ang kahabaan sa pang upo ko. Nakangisi ito na para bang isang demonyo.

Nagsimulang umindayog ang lalaki sa butas ko habang sakal sakal ang leeg ko. Hindi ako makahinga. Magkahalong hapdi at sakit ang aking nararamdaman sa pagkakasakal at pambababoy niya sa akin at alam kong sa ilang segundo lang ay malalagutan na ako ng hininga. Ngunit sa isang iglap ay narinig ko ang boses ng taong pinakamamahal ko. Kasabay ng pag handusay ni Christian ay malinaw kong nakita ang mukha ni Daniel.

"Mapapatay kitang hayop ka!" Sambit nito matapos ay pinaulanan ng sipa ang demonyong si Christian hanggang sa hindi na ito makagalaw. Agad na lumapit sa akin si Daniel. Lumuluha ito habang nakatingin sa akin. Nakita ko ang pag aalangan ng kamay niya, marahil ay nalilito kung saan niya ako hahawakan ng hindi ako masasaktan. Mabilis niyang hinubad ang kanyang jacket para ipantakip sa hubad akong katawan. "S-sorry," nasabi ko nalang. Ito na lang ang alam kong paraan para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya at baka sakaling mapatawad niya ako. "Hindi ko sinadyang..."

"Shssss... Alam ko, alam ko babe. Hindi mo na kailangang magpaliwanag dahil alam ko na lahat. Sa katunayan ay ako ang may mali. Dahil kung pinakinggan sana kita kanina, sana hindi ka napunta sa sitwasyong ito. Kasalanan ko 'to. Ang tanga-tanga ko!" Saad nito matapos ay niyakap niya ako ng mahigpit.

"Daniel, Vincent... kailangan na nating makaalis agad rito. Baka dumating pa ang mga kasamahan ng lalaking iyan!" Pag pukaw ni Kenn, nagulat ako dahil hindi ko pala napansin na kasama pala siya ni Daniel.

Magkatulong nilang kinalas ang mga nakagapos sa mga kamay at paa ko. Nang  makalabas kami ng bahay ay agad kaming nakarinig ng kalabog kaya naman naalarma kami.

"Bilisan niyo! Gising na siya, gising na s'ya! Papatayin nya tayo!" Sunod sunod na sambit ko. Takot na takot ako hindi para sa buhay ko. Natatakot akong may mangyaring masama kay Daniel.

Nagsimulang bumilis ang paglalakad ng dalawa habang inaalalayan ako. Kahit sobrang kirot ng buong katawan ko ay pinilit kong sabayan ang mga paa nila hanggang sa tumigil si Kennedy.

"Umalis na kayo!" Sambit nito.

"Ano?" Naguguluhang tanong ni Daniel.

"Umalis na kayo Daniel! Sige na, ilayo mo na dito si Vincent kung  hindi ay pare parehas tayong mamamatay dito!" Mariing sabi ni Kennedy.

"H-hindi! Paano ka? Sumama ka sa amin Kenn, umalis na tayo," giit ko. Hindi ko hahayaang maiwan siya rito.  Kabibigan ko pa rin sya at may pinagsamahan naman kami kahit papaano.

"Sige na!!!" Sigaw nito habang nakatingin kay Daniel. Nagsimula akong hilahin palayo ni Daniel ngunit  pilit akong pumapalag.

"Daniel, tulungan mo siya. Sabihin mong sumama siya satin!" Pagsusumamo ko ngunit walang ni isang lumabas na salita sa bibig niya. Binuhat niya ako at mabalis na tumakbo. Ngunit muli kaming napatigil dahil sa pag tawag ni Kenn. Kaya nilingon namin ito.

"Mag-iingat kayo!" Sigaw na sambit niya habang parang lunuluha. Ngunit takot ang bumalot sa akin nang agad siyang matumba. Nakita ko ang palakol na nakatarak sa kaniyang likod, kasabay niyon ang pag agos ng masagana niyang dugo. At si Christian ang may kagagawan nito. Nakangisi ito habang nakatingin sa akin.

"Kennedy!!!" Umiiyak na sigaw ko. Ang sakit, ang sakit sakit na makita siyang nasa ganoong kalagayan. Gustong gusto ko siyang lapitan ngunit alam kong wala na rin namang mangyayari dahil wala na siya. Patay na ang lalaking una kong minahal.

"Hindi ninyo ako matatakasang dalawa!" Nakakalokong sigaw ni Christian. Mabilis na tumakbo palayo si Daniel habang buhat buhat ako. Nakita ko pa ang pag hila ng lalaki sa katawan ni Kennedy bago kami tuluyang makalayo.

Shush (Boyxboy) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon