Chapter 14

1.7K 72 38
                                    

SANDRINE

I made sure to wear my finest polo attire. I wanted to impress our new contractor so he would sign with us. I invited him to a game of polo today at our ranch. Maaga palang ay pinuntahan ko na si Lady sa kulungan niya. Lady is a fine Criollo horse gifted to me by Abuelo when I wed into the family. I have two horses, Lady and Lucy. Lady is for Polo and Lucy is for horseback riding. Malapad ang lupain ng mga Salguero, at hobby naman ni Don Sergio ang panganngabayo. Even when he's old, malakas pa din siya kapag pangangabayo na ang pinag-uusapan.

Holden Smith and I will play one on one. The game would usually consist of four players, and it is also known to be a 'men's game'. Bahagya akong natawa, whatever they can do, I sure can too.

"Hey, Lady. How have you been, girl?" Bati ko sa aking kabayo.

Marahan kong hinaplos ang balahibo niya. I think she knew that it was me because well, she didn't kick me. My horses doesn't like other people. Ako kasi mismo ang nag-papakain at nag-aalaga sa kanila simula pa noong ibigay sila sa akin. Oh, did I mention Lucy was also a gift for me? Gustave gave her to me on our first anniversary.

"Madame! Maaga po pala kayo, nakakain na po si Lady at Lucy. Handa na ang mga iyan sa laro." Ani Mang Benjie. He is our head ranch hand.

May edad na rin si Mang Benjie at dito na rin daw siya tumanda. Ang alam ko ay sabay silang lumaki ni Don Sergio. Ang mga magulang niya kasi ay taga pangalaga din ng lupain at ngayon ay taga pangalaga na din ang sarili niyang pamilya.

"Magandang Umaga po, Mang Benjie. Kayo ho? Nag-agahan na po kayo?" Magalang na tanong ko.

Although I'm their boss, I know how to respect my elders. Isa pa, mas matagal na siyang naninirahan dito kaysa sa akin.

"Opo, Madame. Pasensya na ho kayo at hindi pa kami nakakapag linis dito sa kuwadra. Alam niyo na, may edad na. Maya maya lang ho ay parating na sina Kiko para mag-linis." Nag kamot ng batok si Mang Benji at nahalata ko ang pagkahiya.

Tumingin ako sa paligid, hindi naman gaanong marumi sa kuwadra. Hindi din mabaho at mukhang maayos naman ang kalagayan ng mga kabayo.

"Dapat ho ay hindi na kayo ang personal na gumagawa nito. 'Wag kayong mag-alala, kakausapin ko si Don Sergio."

"Naku! 'Wag na hija! Sana'y na ako. At saka dito sa trabahong ito na din ako tumanda. Isa pa, wala akong tiwala sa mga anak ko. Mas mabuti nang ako mismo ang gagawa." Humalakhak siya at sinabayan ko siya.

I feel comfortable talking to the house help, pakiramdam ko kasi minsan ay hindi ako tanggap sa pamilya. Lalung lalo na ng sarili kong asawa. Don Sergio accepted me wholeheartedly but Gustave's borthers, they might be civil to me but I don't think they really accepts me for their brother.

Mang Benjie and I had a  small talk before I took Lady out to warm up. After that, Lady and I proceeded to a morning walk. I was informed that Holden Smith's entourage has already entered the premises. I told him he can borrow one of our horses but he insisted on bringing his own.

"Mrs. Salguero! What a beautiful property you have here." Bati niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at bumaba mula kay Lady. Tinanggal ko ang helmet ko at ini-offer ang kamay ko na tinanggap naman niya. We shook hands.

"So? Are you ready to lose?" Pabirong tanong ko.

"Losing is not on my vocabulary, Mrs. Salguero. Shall we start?" Aniya. Tumalikod siya at kinuha ang equipment niya mula sa sasakyan. Naka suot na ang lalaki blue polo, white pants, brown belt at isang mamahaling knee length boots.

I on the other hand, am wearing a white polo shirt, tucked in a khaki pants and a brown knee lenght boots as well. Naka tirintas ang itim kong buhok. Muli kong isinuot ang helmet at nang tingnan ko siya ay naka full gear na din pala siya.

Elite WarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon