Chapter 6

1.9K 68 17
                                    

SANDRINE

Nakita ako ni Mamang na namamalimos sa Recto. Iyon lang ang alam kong pwedeng bumuhay sa akin sa murang edad ko. Hindi ko alam kung ilang araw na akong nagpapalaboy laboy sa daan. Hindi ko alam kung pano ko nakayabg lakarin ang lugar na iyon. At hindi ko din alam kung bakit hanggang ngayon ay buhay pa ako.

"Hija, ang ganda ganda mo naman. Bakit mag-isa ka lang? Nasaan ang nanay mo?" Tanong niya sa akin.

"W-wala na po. Lumayas po ako."

"Ha?! Eh Diyos ko, ang bata bata mo pa ah?" Halata ang awa at pag-aalala sa kanyang mukha.

Isang ekspresyon na kahit minsan ay hindi ko nakita sa sarili kong ina.

"Gusto mong sumama sakin? Hindi ako masamang tao. Pakakainin at bibihisan kita. May maayos na tulugan ka doon." Aniya.

Diskumpyado ako kung sasama ba ako sa kanya o hindi pero dahil hirap na din ako at na engganyo ako sa mga sinabi niya ay sumama din ako. Bahala na kung ano ang kahihinatnan ko. Kaysa naman nasa kalye ako. Walang matakbuhan o malapitan.

Dinala niya ako sa isang lumang building. Malapit iyon sa pabilog na daanang nay rebulto ng bayani sa gitna.

"Nasaan ho tayo?" Tanong ko. Hawak hawak niya ang kamay ko at tahimik lang akong sumusunod paakyat sa lumang building na iyon.

"Monumento, hija. Ako ang may ari ng beer house diyan sa baba. Halika, doon sa taas ang bahay ko." Aniya.

Sa ikalawang palapag ng building ay may iilang pinto na hindi ko alam kung ano ang laman. Sa pinakadulo kamu huminto at inilabas niya ang susi at saka binuksan ang pinto. Maliit na bahay lamang iyon na may dalawang pinto. Mas malaki pa din ito kaysa sa bahay namin nila Mama. Sa barong barong lang kami nakatira. Pinagtagpi tagping kahoy at mga yero lang ang bahay namin.

"Dito ka na muna ha? Teka, ikukuha kita ng damit para makaligo ka na." Muli niya akong nginitian ng malapad.

Sa murang edad kong iyon ay may kung anong init na bumalot sa puso ko. Isang ngiti na kahit kailan ay hindi ko pa nakita sa buong buhay ko.

"Sino po ba kayo? Bakit niyo po ako kinupkop?" Hindi napigilang tanong ko.

"Mamang nalang ang itawag mo sa akin, anak." Aniya.

"M-ma-mommy! W-wake u-up!" Nagising ako sa pag-alog sa akin ng kung sino. May maliit na boses din akong naririnig at habang nag-kakamalay ako ay lumilinaw na din kung kanino galing ang boses.

Wow, that was a beautiful dream. It was vivid but I can still remember that it was the day that my adoptive parent found me. Isa iyon sa parte ng nakaraan ko na pilit kong kinakalimutan. I grew up in an abusive household. I was just so lucky that somebody else found me and treated me as their own.

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita si Ansel na naka dagan na kaagad sa akin. Napangiti kaagad ako dahil kanina pa niya ako kinukulit na gumising.

"Baby. You woke up early." Sabi ko at hinagkan siya sa noo.

"T-today i-is t-the fa-family day."

"Of course! I didn't forget." Nginitian ko siya ng matami. Agad kong nilingon ang puwesto ni Gustave sa kama namin pero wala siya doon.

"Anak, have you seen your dad?" I reluctantly asked. I tried to look around again to make sure but he was nowhere to be found.

Elite WarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon