Chapter 17

1.2K 45 9
                                    




SANDRINE

The noise of muffled speech and clinking glass quickly welcomed me. I roamed my eyes around the hall and I saw people mingling with each other, a lot of them looked familiar. Tonight is the much awaited Manila Charity Ball. A night when people from the family of the Philippines' richest so they can donate to the poorest of the poor that they claim they care so much about. Gusto kong matawa. I've seen people here who are rumored to be embezzling money through slush funds.

Narito ang mga Cortez, na nag-mamayari ng maraming lupain sa buong bansa, nandito para sa mahirap pero maraming mag-sasakang inagawan ng lupa. Ang pamilyang Crawford na may gawa ng mga E-Jeep, dahilan para mawalan ng kabuhayan ang ilang mga driver ng tradisyonal na jeepney. Nandito din ang mga Ching, na may ari ng ilan sa mga gasolinahan na tinanggalan ng kabuhayan ang mga mangingisda sa sulok ng Pilipinas. Mga hipokrito.

Sa gagawin ni Gustave na pag-kuha sa lupain ng Ecowind, hindi na kami naiiba sa kanila. Sa gagawin ng Salguero Empires na power plant sa Bulacan, maraming pamilya ng mga lokal ang mawawalan ng tirahan at kabuhayan. Not to mention the damage to the natural environment. It goes against my morals but I can't do anything about it. Dahil sa paulit ulit niyang ipinapamukha sa akin na hindi pa din ako totoong parte ng pamilya nila. We are married on papers, but that's it. Iyan ang pinag-isipan ko nitong mga nakaraang linggo.

Siguro nga, habang buhay na akong nakakulong sa pamilyang ito. But I swear to God, I will make every single moment of it worth it. Lalong lalo na para sa anak ko. Kaya naman plano ko na sanang umalis sa posisyon. Kailangan ko lang munang tanungin si Charlotte kung papayag siya dahil parte pa din ng Salguero Empires ang kumpanya ng Daddy niya.

"You look stunning tonight." Mahinang bulong ni Gustave.

Sabay kaming dumating at sakay ng kanilang itim na Rolls Royce. Puno ng mga reporter ang red carpet ng event at naging abala kami sa pagkukunwaring isa kaming huwarang mag-asawa. Nakakasilaw ang sunod sunod na flash ng camera na sumalubong sa amin. Pinilit kong ngumiti habang magkahawak kamay kami ni Gustave. Pinilit kong baliwalain ang initb ng palad niyang dumampi sa kamay ko. I hated it but it just felt right. We felt right.

Matapos ang ilang minutong pananatili sa red carpet ay naglakad kami papasok sa event. Magarbo ang suot ng mga tao, ang ilan ay ipinagyayabang na isang sikat na designer ang may gawa ng kanilang suot. Maraming nagkakatuwaan, mayroon din namang nakaupo na sa kani kanilang mga upuan. Sa stage ay may isang maliit na orchestra. The sound of the cello and the harp is echoing inside the venue. They were playing The Swan.

Dinama ko ang bawat tono ng tugtog. Pakiramdam ko ay hinihipo noon ang bawat laman sa katawan ko. Nakaka engganyong sumayaw pero mabilis ding lumipas ang kakarampot na kasiyahang dulot ng musika. Nilingon ko si Gustave at nakita siyang nakatitig sa akin. Ako ang unang umiwas, binati ko ang isang pamilyar na mukha.

"Mrs. Salguero! Oh, it's nice to see you here. How long has it been?" Bati sa akin ni Sheila.

Sheila Tan, the wife or Ramil Tan. She is older than me and they have four kids. Shiela is the perfect embodiment of a businessman's wife. All she does is buy designer clothes, bags, shoes and then travel the world.

"Mrs. Tan, so great to see you. I see you have a new Birkin." Tukoy ko sa maliit na bag na dala niya.

"Oh! Yeah, this is my husband's gift to me for my birthday. Nako, nagtatampo ako sa'yo ha. You didn't come to my party." Maarteng aniya.

Kamuntik nang malukot ang pagmumukha ko pero sa halip ay ngumiti ako.

"I'm sorry. I've been busy with Salguero Empire's new initiative. Don't worry, I'll send my gift to your address." Sagot ko.

Elite WarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon