Chapter 23

348 12 2
                                    

Chapter 23

Ares Pov

6 Months Later...

It's another day to start, pero siya sobrang himbing pa rin ng tulog. Kung pwede lang na buhusan ko na siya ng nagyeyelong tubig para lang magising, eh kaso baka naman pag-ginawa ko yun, eh ako naman ang makatulog ng permanente.

Ang sabi niya sa akin pagnatapos ko na lahat ng inutos niya gigising na siya, aba ang lupet talaga nitong utol kong ito, habang ako hirap na hirap gawin lahat ng inutos niya samantalang siya patulog-tulog lang. Hay nako... kung hindi ko lang talaga kapatid ito hahayaan ko na itong matulog nalang forever.

Sa tinagal-tagal kong inasam sa matalo siya, ito na ang pinaka mainam na pagkakataon pero syempre nga sabi daw blood is thicker than water, kahit anong pagkademonyo niya, kapatid ko pa din siya at madami pa kaming misyong kailangan matapos.

But soon, when everything falls into it's right places, hahamunin ko ulit siya and I'll definitely bring her down -tatalunin ko siya.

Lumapit ako sa kama na tinutulugan niya at umupo sa silya sa tabi nito, hinaplos-haplos ang kaniyang buhok, kung titignan siya parang siyang isang angel na natutulog pero the most funny thing ay malayong malayo ito sa totoong ugali niya.

Looks are deceiving, kung gaano siya kaamo ganun din siya kabangis at kalupit. Noon laking tuwa ko na tulog itong demonyang to, pero ngayon I'm starting to miss her demonic presence. I didn't know na dadating ang araw na hahanap-hanapin ko ang kalupitan niya.

"Tsk... Ano na sleeping beauty? Gigising kapa ba o matutulog ka nalang? You're not a princess, you're an empress." Hay nako pati tulog kinakausap ko na. Kesa naman sa puro mga bata ang kausap ko.

And speaking of mga bata, ewan ko ba naman at isa sa mga habilin ng aking demonyang kapatid ay ang magtayo ng bahay ampunan. Sukat ba namang magpa-ampon ng mga bata, noong tinanong ko kung para saan ang sagot ba naman sakin ay magtatayo siya ng school.

Anak ng tokwa naman oh, magkakawang gawa lang dinamay pa ako. Ayoko pa naman sa mga bata pero napipilitan akong alagaan sila.

"Gigising ka ba o gigising? Sige ka itutumba ko na yung emperador mo!" natatawa kong sabi habang hinahaplos pa din ang mga buhok niya.

Ilang sandali lang ay gumalaw ang kamay niya, nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa ginawa niya. Ibig ba nitong sabihin gising na siya. Nakatitig lang ako sa kanya habang naghihintay kung imumulat niya naba ang mata niya o di kaya gagalaw ulit ang kamay niya.

Inlababo ka ba talaga dun sa mokong na 'yun? Isang banggit ko lang sa pangalan niya todo react ka agad. Asus... may kalandian ka din pala huh! Natatawa ako sa mga naiisip ko. Pero pwera biro nakita ko talagang gumalaw yung kamay niya.

"Tito... Who i...is she?" mula sa pinto ay nakasilip ang isang maliit na paslit. "What are you doing here?" seryoso kong tanong. Agad naman gumuhit ang takot sa kanyang muka, nagsimula na ding magtubig ang kanyang mga mata.

Arrggg! Why can't I deal with kids! Nakakafrustrate talaga, yung tipong kailangan pag nagsalita ka may labing na kasama at pasweet, that's drivi'n me nuts, that's not my thing. Tsaka lagi nalang silang nakasunod sakin, sobrang clingy daig pa yung mga girlfriends ko, their so annoying like hell.

"Are you mad again?" mangiyak-ngiyak na tanong nito. Aish! Here we go again, kailangan ko nanaman maglambing. Feeling ko pag ginagawa ko 'to, tumatayo lahat ng balahibo ko. Napapa-facepalm nalang ako, tangina kasi nitong sleeping beauty na ito eh, kasalanan niya lahat 'to.

"Waaahhhhhhhh! Huhuhu... galit ka nanaman po!" at ayan na nga pumalahaw na ng iyak. Nataranta naman ako, fuck! "Shh.... Hey. Hey, stop crying sweety, hindi ako galit." Lumapit ako sa kanya at binuhat siya, agad naman niyang pinulupot ang mga maliliit niyang braso sa leeg ko at isinubsob ang muka niya sa balikat ko. Naririnig ko pa ang marahan niyang paghikbi.

E M P R E S S ♔ UnveilHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin